I am nothing but a simple girl. Hindi kami mayaman. Hindi rin naman kami mahirap. Sapat lang kung tutuusin. Nag-iisa lang akong anak ng mga magulang ko. They loved me so much and I loved them more. Sa kanila lang umiikot ang buhay ko. Bata palang kasi ay sakitin na ako. Yong tipong mas marami pa ata akong absent kesa sa mga araw na Ipinasok ko. Buti nga at nakatapos rin ako sa aking pag-aaral. Halos ospital na ang pangalawang tahanan ko. May sakit akong leukemia. Tanging blood transfusion at frequent intake of medicines nalang ang bumubuhay sakin. Tanggap ko na naman ang katotohanan na may sakit ako at iba ako sa lahat.
Napilitan na rin akong huminto sa kolehiyo dahil sa sakit ko. Pangarap ko pa namang maging isang doctor. Pero sa tingin ko, hanggang pangarap nalang ang mga ito. Mahirap noong una na tanggapin ang katotohanan pero nalampasan ko rin iyon sa encouragement ng mga magulang ko at ng mga taong nagmamalasakit sa akin. Puno ng maraming pagsubok ang buhay at alam kong isa lamang ito sa mga iyon.
“Arianne.” Narinig kong may tumatawag sa labas ng bahay namin. Wala pa naman sina Mama at Papa para pumunta at pagbuksan ng gate kaya kahit na medyo nanghihina at masama pa ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumaba at pagbuksan ng gate ang bisita ko. Alam ko na naman kung sino ito. Boses palang alam ko na. Si Julia. Ang bestfriend ko. Sa ngayon, graduating na sya sa education course na kinuha nya.
“Hala!” Gulat niya nang ako ang nagbukas ng pinto. “Bakit ikaw ang nagbukas? Wala ba sina Tita?”
Ngumiti lang ako at umiling. “Wala. May pinuntahan sila. Ako lang tao dito.”
Inaya ko siya sa loob. Tuwing weekends sa amin sya tumutuloy para samahan ako. Para ichismis lahat ng pangyayari sa school namin maging sa buhay nya. Alam nya naman na wala akong kapatid pero ng makilala ko sya nagkaroon na ako ng panibagong kapamilya.
“Kamusta ka na pala? Kamusta ang one week mo?” Tanong pa nya habang nakasunod sa likuran ko.
“Okay naman. Wala pa ring pinagbago,” sagot ko habang binubuksan ang knob ng pintuan ng bahay.
“Pasensya ka na kung hindi ako nakakatext sayo. Sobrang busy kasi sa ako sa school e.” Sabi pa ng kaibigan ko. “Hay naku girl. Grabe ang daming requirements. Tsaka wala rin akong pang load,” dagdag pa nya saka tumawa. “Krisis.”
Ngumiti naman ako. “Upo ka muna,” aya ko sa kanya. “Sabi ko naman kasi sayo hanapin mo na ang may-ari ng Globe Telecom o kaya Smart Communications para libre ka na sa load.”
Humagalpak naman siya ng tawa. “Kay Prince William lang ako.” Hindi ko alam kung sinong Prince William ang sinasabi nya. Basta ang alam ko lang, sya ang isa sa mga prinsepe ng England. Nalaman ko sa CNN.
Inilabas niya ang sandamakmak na libro at mga papel mula sa bag nya. “Ang dami ko pang tatapusin girl.” Sabi nya habang iniisa-isa sa aking ipakita ang mga papel na sinasabi nya. Ano nga bang dapat ipagtaka. Education kasi ang kinuhang course e.
“Relax lang friend. May ribs ka pa.” Biro ko at saka nagpunta sa kusina para ipagtimpla sya ng juice. Mukha kasing haggard na haggard na siya sa pag-aaral.
“Hayyy…” Narinig kong buntong-hininga niya. “Ayaw ko talaga ng Math!”
BINABASA MO ANG
Tear-Colored Roses
Short StoryAng buhay tuloy-tuloy lang yan at hindi tumitigil kahit na segundo pa. Masakit malaman ang katotohanan pero mas makabubuti kung tatanggapin na lamang natin ito. Walang mangyayari kung mananatili tayong nakapako sa kalungkutan. Mahilig ako sa bulakla...