Chapter IV
Continuation of Stevens POV
"Hindi, parang may scar ka sa may right hand mo" ani ni Bryan
Pano yan, sasabihin ko kaya sakanila ang sekreto kong ni iisa sa amin ay walang may alam?
***
"Ah, haha. Wala yun, natamaan lang ako ng knife nung nagluluto si mom" sagot ko... pero ang totoo ay... sinadya ko yun...
"Ah, okay okay" sabi ni Bryan "but bro, when did that happen nga pala?" dagdag niya
"Nung ano, nung isang ano.. a-a- araw haha" sabi ko habang nakangiti
"Are you sure?" tanong ni Vincent
"Oo naman, haha. Ano ba sa tingin niyo yung nangyari?" tanong ko. Nung tinanong ko 'yon ay nagtinginan sila.
"Walang nangyari" sabi ni Bryan
"I think nag self harm ka" sabi naman ni Anna
"Yes, we are thinking the same thing since yesterday" sabi naman ni Vincent.
Nalaman na nila, nalaman na nila yung tinatago kong sikreto. Di ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng guilt sa lahat ng ginagawa ko sa buhay, sa, lahat ng ginagawa ko sa school, sa lahat ng ginagawa ko sa bahay. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, meron pang halong lungkot.
"Uhm, punta lang ako sa restroom ah" sabi ko habang nakangiti, pero naluluha na yung mata ko. Tumayo na ko sa inuupuan ko at nagmadaling maglakad papunta sa banyo malapit sa canteen ng school
"Steven!" sigaw ni Bryan, tiningnan ko siya at sumisigaw siya habang tumatakbo papunta sa'kin "Steven! Steve!!" sumisigaw parin siya. Pumasok na ako sa banyo at di ko na siya muna pinansin, sinarado ko ang pinto at ni-lock ito at pumunta sa isang cubicle. Naririnig ko na nasa labas lang si Bryan kasama si Vincent at si Anna at Nathalie. Sinisigaw parin nila ang pangalan ko habang kinakatok ang pintuan ng banyo.
"Steven, please get out of the restroom" sabi ni Nathalie
"We can help you Steve" ani naman ni Bryan
"Labas ka na oh, sige na Steven" sabi naman ni Vincent
Napatigil ako sa pag-iyak ko sa sinabi nila. Tumayo na'ko at naglakad papunta sa pinto, hinawakan ko yung doorknob and binuksan ko na.
"Pagusapan natin to Steve, okay lang yan makakalimutan mo rin yang problema mo" sabi ni Bryan
"Oo nga, maayos din yung problema mo. Tsaka wag ka na nga mag cut uli" sabi naman ni Anna
"Yeah, and you can share your feelings naman samin eh. Wag ka mahiya" ani naman ni Nathalie
Napatingin lang ako sakanila......
"Hindi ganon kadili kalimutan, hindi" sabi ko. Lumabas na'ko sa banyo at nakita ko na maraming mga estudyante ang nakatingin sa'kin, hindi ko nalang sila pinansin. Sumunod naman yung barkada ko sa'kin.
***
Nasa canteen kami, kinakain yung mga naiwan naming pagkain kanina. Awang awa yung mga muka nila, at nakatingin lang sila sa'kin. Ako naman, pinipigil na tumulo yung mga luha ko dahil sobrang daming tao dito sa canteen.
"Bro, lets talk about this later okay?" sabi ni Bryan. Tumango nalang ako at nginitian siya.
"Stay strong ha, wag mong kakalimutan na nandit lang kami para tulungan ka" sabi naman ni Anna
"Where will go para pagusapan yun?" tanong ko kay Bryan
"My crib, I already called my father to fetch us at 1pm" sagot ni Bryan
"Sige, sige"
***
Nasa waiting area kami ng school at hinihintay yung dad ni Bryan, 1pm na pero wala pa. Inakbayan ako ni Bryan at sabi niya "Bat di mo kasi sinabi agad samin yung tungkol sa suicidal thoughts mo?"
"Mahirap sabihin eh" sagot ko
"Ayan na!" bigla naming narinig na sumigaw si Anna
Nang nakapasok yung kotse sa school, pumasok kaagad kami. Pinauna nila ako sa pagpasok, di ko alam kung bakit... Nang nakapasok na kaming lahat sa kotse, naabutan kong nakatingin ang dad ni Bryan sakin through the window.
"Kaya mo yan!" sabi ng dad niya sa'kin. Napangiti ako sa mga naririnig ko ngayong araw. Di ko alam kung kailangan ko bang maging masaya o malungkot. Kung masaya, dahil sa ito sa barkada ko. Na realize ko na hindi pa ako nagiisa, narealize ko na meron pa akong pedeng pagsabihan ng mga problema ko. Kung malungkot, dahil ito sa nalaman ng mga kaibigan ko. Nalaman nila na may suicidal thoughts pala ang kaibigan nila na hindi man lang nila alam.
***
Nakarating na kami sa bahay nila Bryan, dumiretso agad kami ng barkada ko sa kwarto niya para doon pagusapan yung nangyayari sa'kin.
"Bro, tell us kung ano yung dahilan kung bat to nangyayari" sabi ni Vincent
"Dahil sa depression, loneliness, guilt, and because I'm a failure" sagot ko
"Wag mong sabihin na failure ka Steve, wag na wag" ani ni Bryan
"Bakit naman? its true Bryan" sagot ko
"Bakit? Dahil nakasali ka sa top 10 ng buong grade 10 for 3 consecutive terms, dahil sayo natuto ako kumanta, mag play ng instruments, umarte, at maglaro ng mga sports, dahil sayo nakapasa ako sa lahat ng subjects, kundi dahil sayo hindi ako makakasali at matatanggap sa Let Me Hear You, kundi dahil sayo hindi ko mararating yung mga narating ko na ngayon!" sigaw ni Bryan. Napaluha ako sa mga sinabi niya.
"Steven, stop mo na yung pag self harm mo. Magsaya ka nalang para makalimutan mo yung mga problema mo, like playing PS3, PS4 or XBOX" sabi naman ni Anna
"Teka, bakit nga pala dahil sa guilt??" tanong ni Vincent
"It's because of the school activities and sa pagiging wala kong kwentang anak" sagot ko
"Ba't school activities? at bro, walang kwenta? I disagree" sabi ni Vincent
"Dahil halos lahat ng activities/projects sa school di ako nakakagawa ng maayos na output o hindi ako nakakapasa, dahil kahit anong gawin ko hirap pa din ako" sagot ko
"Kalimutan mo nalang yung mga yan at maging masaya" sabi ni Anna
"Seriously?!" napasigaw ako sa nasabi ni Anna "Hindi niyo ba nakikita na sinusubukan kong maging masaya ha?! Halos everyday pinipigil kong umiyak para maging masaya lang! Halos everyday kinakalimutan ko yung problema ko pero hindi ko makalimutan. Halos everyday sirang sira ako. Halos everyday napapaisip ako kung ano nang mangyayari sakin" sabi ko habang umiiyak
Tumahimik silang lahat.....
"Bro, sorry. Hindi pa kasi namin nararanasan yan eh" sabi ni Vincent
"Having your scars discovered is one of the worst feelings on earth. Your deepest secret is revealed" sabi ko "Guys, yung mga sinasabi niyong magsaya ako? tss, you're just making my feelings worse" dagdag ko. Hindi parin tumitigil ang pag iyak ko
"Sorry Steven, wala nga ata kaming matutulong sayo" sabi ni Nathalie
"Okay lang" napangiti nalang ako
"Alam ba nang magulang mo yung about dito?" tanong ni Bryan
"Hindi pa eh" sagot ko
"Sinabi ko na sakanila Steve.... sorry" ani niya
-end of Chapter 4