"Zia's Pov"
Dumaan muna ako sa isang shop na malapit sa school upang bumili ng food, Nakaramdam kasi ako bigla ng pagka gutom kanina simula numg maghiwalay kami ng landas ni celine.
"Hmm... Ano kayang masarap na pwedeng bilhin?" Bulong ko sa sarili ko habang naghahanap ako ng favorite kong food pang tanggal lang nang gutom, Maya-maya nakahanap ako ng favorite kong food kumuha ako nang isang egg pie at saka ako pumunta sa drinks section i pick coke then after kong makuha lahat ng gusto ko ay dumiretso na ako sa counter at pumili para magbayad.
Habang nasa pila ako nahagip ng mata ako ang nakabukas na T.V. ng store na ito then suddenly bigla itong napunta sa news. Hindi ko alam pero para akong hinihipnotize ng T.V. na iyon na para bang sinasabing panoorin ko ang balita, Then nagfocus ako sa balita.
"Di umano'y isang babae ang natagpuang sa long road kalye 13 na nakahundusay at may 2 kagat di umano sa kanyang leeg, Ayon sa imbestigasyon hinihinala na isang umanong mabangis na hayop ang umatake sa kanya at ito ay pinatay sa ganap na 12:31 ng madaling araw ngunit patuloy parin ang imbestigasyon sa pagkamatay nito maari rin kasing isang umano'y drug addict ang gumawa dito"
Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba sa aking dibdib dahil sa balita, Parang may kung anong glue sa paa ko para di ako makagalaw at maihakbang ang paa ko. Sa isang banda ay bigla nanamang lumipad ang diwa ko sa isang tagpo at imposible dahil yong babae na nasa balita ay yun yong nakita ko sa masamang panaginip ko at kitang- kita ng mga mata ko kung paano atakihin at patayin ng isang halimaw ang babae na nasa panaginip ko ngunit ang nakapagtataka paano ito totoong nangyari? paano ito nagkaroon ng sariling buhay? at ang nakapagtataka dahil sa panaginip ko kasama ako sa pinatay ngunit ito'y isa lamang na panaginip ko? Iba-iba ang emosyong nararamdaman ko ngayon hindi ako makapaniwala sa balita? At alam ko na yong pinatay na babae ay nasaksihan ko iyong lahat. Ang daming pumapasok sa isip ko at lahat iyon ay parang puzzle na nangangailan ng kasagutan. Gulong-gulo ngayon ang utak ko.
"MISS...."
may narinig akong tumatawag ngunit hindi ko iyon pinansin dahil naka focus ako sa mga nangyari ngayon.
I don't know kung paano ito nangyari at kung paanong ang panaginip at ang balita ngayon ay para pinagbiyak na bunga or parehas na parehas sa panaginip ko. I need an answer to solve this! But who? Ipagsawalang bahala ko na lang kaya? Baka coincedence lang ang nangyari? Baka nga siguro.
"MISS! MISS! MISSSS!" Bumalik lahat ng diwa ko sa sarili ko nang may naramdaman akong kalabit mula sa aking likod at agad akong napalingon doon.
"Yes po?" Kunot ng noo kong sabi sa babaeng nakapila sa likod ko na parang worried ang kanyang mukha
"Kanina ka pa kasi nakatulala dyan sa T.V. at nakaka abala kana sa mga nakapila" ngayon ko lang napagtanto saking sarili na kanina pa pala ako nakatunganga sa ganon posisyon saka ako lumingon sa cashier, Saka ko binigyan ng ngiting paumanhin at humingi na din ako ng dispensa sa mga nakapila sa likod ko, Nakakahiya ang nangyari sakin. Hindi ko alam basta kapag nagkakaroon ako ng mga masasamang panaginip ay para nagbabyahe ang diwa ko sa mga naganap sa mga panaginip ko kapag nagkakaroon ako ng paalala mula dito.
"Sorry po sa nangyari" biglang nahagip ng mata ko ang lalaking naka white hood sa labas ng shop, ngunit diko makita ang kanyang mukha nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay bigla itong umalis, parang pamilyar sakin ang taong iyon diko lang alam kung saan at kailan ko sya nakita, nag kibit-balikat na lamang ako at saka umalis na sa shop na iyon.Ilang minuto ang lumipas at nakauwi na din ako sa bahay, Bago ako pumasok ay parang may taong kausap si mama sa loob kaya pinakiramdaman ko muna kung may kausap nga talaga si mama o baka sa cellphone lang..
"Hindi ko maipapangako sayo ang kaligtasan ng anak-anakan mo, sapagkat alam natin na may malaki syang katungkulan na dapat nyang gampanan kapag siya ay naging ganap nang desi-osto" Ano daw? Hindi ko maintindihan kung ano ang mga pinag-uusapan nila mama. Lalaki ang kanyang kausap at alam kong hindi sila nag-uusap sa phone kundi talagang may tao ngang kausap ngayon si mama. Pinakinggan ko pa sila hindi muna ako pumasok para abalahin sila dahil mukhang seryoso ang mga pinag-uusapan nila.
"Alam ko iyon ben at hayaan nyo na ako mismo ang magsabi sa kanya sa tamang oras, ayoko muna syang biglaan at baka di nya magustuhan" narinig kong sabi ni mama, so ben ang pangalan ng kauspan ni mama ano kaya iyong pinag-uuspan nila at tumgkol saan naman kaya iyon?
"Kilala kita Isabel alam kong gusto mo syang protektahan, ngunit di mo ito maaalis sa nakatakda"
Ano daw nakatakda? Hindi maintindihan kung ano talaga ang mga pinag-uuspan nila, Nagpasya ba akong pumasok dahil nilalamok na ang lola nyo baka magka-dengue pa ako. Pagpasok ko ay parang bigla nilang tinapos ang pinag-uusapan nila nung makita nila ako. Parang pamilyar ang mukha nung lalaki sakin hindi ko nga lang alam kung saan ko din ito nakita. Nakangiti ako lumapit sa kanila at humalik ako sa pisngi ni mama sabay nagmano ako sa kausap nyang stranghero.
"Maganda gabi po mama at sainyo rin po" nakangiti kong sabi, ginawaran din naman nila ako ng ngiti.
"Oh anak! nandito kana pala? Sya nga pala sya ang tito ben mo"
Tinignan ko ang sinasabing tito ko daw it means kamag-anak ko sya? Saka ako ngumiti ulit sa kanya.
"Ang laki mo na Jade, parang kailan lang ay maliit kapa nung huli akong dumalaw dito" Jade? Hindi kasi ako sanay na tinatawag na jade. Mostly kasi tinatawa nila akong zia at iyon ang nakasanayan ko.
"Pasensya na po kung hindi po kita maalala, pero masaya po akong makita ang isa sa mga kamag-anak ko po" Simula nung bata kasi ako wala naman kasing masyadong naikwekwento si mama about sa family background nya at ni papa, kaya medyo nagulat lang ako at the same time masaya kasi may tito pala ako at who knows baka may mga pinsan pa ako.
"Okay lang yun, Bata ka pa kasi nung dumalaw ako dito kaya siguro hindi p nakatatak sa isip mo"
Ngiting sabi nya sa akin, feeling ko mabait naman si tito ben, gusto ko sanang magtanong kung bakit di nya kasamang dumalaw ang asawa at anak nya? Kung meron man. Ang tanya ko kasi sa edad nya ay nasa 35-40 na ito.
"Oh sya mauuna na ako at may importante pa akong lakad, at about doon sa pinag-usapan natin isabel pag-isapan mong mabuti" Aalis na agad si tito ben? Kakarating ko palang ah? Sabagay baka kanina pa nandito si tito.
"Sige po, nice to meet you again tito at ingat po kayo sa pag-uwi" ani ko habang nakatingin sa kanya na busy sa pag aayos ng gamit nito
"Sige, mag-iingat ka ben" ani ni mama na parang walang emosyon ang kanyang mukha.
"Sige kayo rin, nga pala maganda ang pagpapalaki mo sa iyong anak isabel" sabi nya bago ito tuluyang lumabas ng bahay at naiwan kami ni mama sa sala.
"Kumusta ang school mo anak?"
Pag-iiba ni mama. Umupo muna ako sa sala at inilagay ang bag ko sa tabi bago ko hinarap si mama.
"Maayos naman po mama, nakakapagod pero masaya marami pk akong natutununan" sabi ko habang hinahanap ko ang remote ng T.V. Speaking of T.V. naalala ko nanaman ang balita kanina, sasabihin ko ba kay mama? Wag na lang pala at baka magalit pa ito the last time na sinabi ko ang about sa panaginip ko ay nagalit si mama.
"Mabuti naman kung ganon anak, magbihis kana at bago tayo kumain nakahanda na ang kakainin natin" Kumilos na ako at nagsimulang naglakad papunta sa aking kwarto.
Pagpasok ko ay agad kong ibinagsak ang sarili ko sa aking kama, namiss ko ang higaan ko. Tumayo na ulit ako at nagsimula nang magbihis after nun ay lumabas na din ako para kumain.
"Ma bakit daw po dumalaw si tito ben?" Tanong ko kay mama habang nagsasandok ito ng kanin sa plato nya. Saka lang sinagot ni mama ang tinanong ko nung natapos na syang magsandok ng kanin sumunod naman akong nagsandok ng kanin.
"Ah wala iyon may importante lang kaming pinag-usapan at isa pa nais ka din nyang makita" tumango ako sa sinabi ni mama, Hmm.. parang may hindi sinasabi sakin si mama ramdam ko iyon pero siguro nga para sa mga matatanda lang ang usapan nila kaya hindi na ako nagtanong pa.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na din kaming kumain ni mama naghugas muna ako ng pingan after nun naglinis ako ng katawan ko at saka pumasok na sa kwarto ko. Hinanap ko sa bag ko ang kanina pang tumutunog na cellphone ko..
Nung makita ko ito agad kong tinignan kong sino ang tumatawag...
"Celine? Bakit naman napatawag itong babaitang ito" sinagod ko ito.
"Best, bakit ka napatawag may problema ba?" Sabi ko sa linya.
"BEST! May chika ako sayo!" Medyo nilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil medyo napalakas ang boses nito. Chicka dora talaga itong bff ko. Ano naman kaya iyon?
"Ano nanaman ba ang nalaman mo?" Naka pout kong sabi sa kanya. Humiga na ako sa kama ko habang hawak ko ang cellphone ko at nakadikit ito sa tenga ko.
"Bali-balita sa news ngayon yung babaeng pinatay sa long road, knows mo ba yun?" Nung sinabi nya iyin ay bigla nanaman bumalik ang alaalang iyon sakin kung saan ako naglakad at kung paano ko na encounter ang Halimaw na bampirang iyon at kung paano ako nito inatake kagaya ng pagpatay nya sa babae sa balita.
"Best! Zia! Nandyan ka pa ba? Sumagot ka naman dyan? HELLO?!" saka lang ako nahimasmasan ulit sa sinabi ni celine sakin.
"Oo nga best, alam ko iyon pero siguro mabangis na hayop lang siguro ang pumatay doon o kaya isang taong nagbabato" naagbabato means nakadroga, Ayoko na ding banggitin sa kaibigan ko ang tungkol sa panaginip kong iyon. Dahil binibura ko na lang sa isipan ko iyon at ipagsawalabg bahala.
"Sa tingin mo ba talaga best isang mabangis na hayop iyon or taong gumagamit ng bato ni darna? I think its a VAMPIRE" napakunot naman ako sa sinabi ni celine sakin at may kung anong biglang kabog ng dibdib ko.
"VAMPIRE ka dyan?! Sa tingin mo ba merong ganon sa panahon ngayon na napaka moderno na ng mga technologies ngayon?!" Singhal ko kay celine. Pati pala kaibigan ko iniisip na bampira nga ang dumale sa babaeng iyon, paano kung sabihin kong sumasang ayon ako sa kanya? Ano kayang magiging reaksyon ng babaitang ito? Baka di kasi sya maniwala sa mga sasabihin ko kapag nagkataon.
"Eng! Eng! What if lang naman best! Ito naman. Well di din naman kasi ako naniniwala na Vampire ang gumawa dyan, Pinalalakas lang ng istasyon nila ang ratings nila para maraming tumutok sa programa nila"
See? Sabi ko na nga ba eh hindi din ito naniniwala paano pa kaya pag sinabi ko sa kanya ang nagyari sa panaginip ko? Edi baka isipin nya mas sabog pa ako sa gumagamit ng bato ni darna?
"Kasi nga kwento-kwento lang iyan ng mga matatanda. Anyway change topic na lang tayo celine" pag-iiba ko.
"Nga pala kelan ba tayo magkakaroon ng midnight class? Gusto ko kasing makilala ang mga estudyante ng mga midnight class"
Added pala sa mga info ninyo ay meron po palang special class sa school na pinapasukan namin na tinatawag na midnight class ang sabi sabi ay mayayaman daw ang estudyante sa midclass yung talagang sikat at mga maiimpluwensyang tao ang mga magulang nila. Well i don't even care about that. Ang importante nag-aaral ako ng mabuti para sa kinabukasan ko.
" Wag mo nang pangarapin yan! Hindi tayo magkakaroon ng ganong oras only for exclusive person!"
Mariin kong sabi sa kaibigan ko. Naghikab ako at naramdaman ko nang hinihila na ko ng antok ko.
"Sabagay, oh sya best! Matutulog na ako at maaga nanaman tayo para sa P.E. natin bukas kay Mr. Lazaro. Night and Sweet dreams best!" Narnig kong sabi ng kaibigan ko sa kabilang linya.
"Sige best, night din at sweet dreams see you tomorrow!" Yun lang at pinatay ko na, saka ako umayos ng higa at ipinikit ang mata ko bago tuluyan na akong hinila ng antok.Habang mahimbing ang tulog ni zia ay may kung anong pumasok mula sa bintana at pinagmasdan ang natutunog na dalaga..
"You'll be mine soon sweetie!" Bago ito lumabas ng kwarto ay hinaplos muna ito ang kanyang ulo at tuluyang nilisan ang silid ng dalaga.....How's that? Hello mga readers ko dyan! Musta kayo? Nagustuhan po ba ninyo? Pasensya na ha? Medyo natagalan ako sa pag-iisip kung paano ko papatakbuhin ang kwento. Comment kayo guys sa mga saloobin ninyo its free! At kung may nais kayonh idagdag pwedeng pwede po. Basta wag lang kakalimutan na mag
->VOTE
->LIKE
->SHARE
Enjoy reading😘😘❤❤💪👍
YOU ARE READING
THE VAMPIRE ACADEMY (ROAD TO LOVE)
VampireINTRODUCTION : The Rivalry of Four Different Nations The Vampire The Werewolf The WitchCraft and The Hunters.... Kung paano ito matitigil ng nag-iisang nakatakda sa propesiya at mababago ang tingin ng bawat isa ... Is there any chance na makuha ang...