Chapter 3- ROY OR DIAN?

29 2 2
                                    

"Humanda kana.."

"Alam mo, mabuti pang tumakbo kana.."

Yan... yan yung mga sentences na paulit ulit na nageecho sa isip ko....

Sino ba kasi yun???

~~2 hours ago~~

"Alam mo, mabuti pang tumakbo kana.."

Hala!!! Bilis!!! Takbo na Yen!!!!

Humakbang uli yung misteryosong tao sa likod ko papalapit sakin....

Kahit na nakatalikod ako sa kanya,, ramdam ko parin yung nakakalokang ngiti nya sakin at malalalim na tingin..

Sa sobrang takot ko at baka sumpungin pa ako ng asthma ko dito ... tumakbo nalang ako...

Wala na akong pake kung d ko pa nalaman kung sino yung taong yun na target ako....

Bastat ang importante, ligtas ako..

~~~~~~~~~~~~~~

Sino ba kasi yun????

Bakit nya ako kilala???

Alam ko kase.. walang paki sakin yung mga classmates ko eh...

Pero.....

Di kaya si...... .

Di kaya si.....

Si ROY yun???

Putekkk!! Bat di ka naman kasi nagiingat eh, Ayen!!!!!!

Iiihhhhh... bahala na nga... itulog ko nalang yata to??

~~~~~~~~~~~~

Bumaba na ako sa kwarto ko...

Pagkababa ko..

May nakita akong 1 tao na nakatayo sa harap ko...

D ko makita kung babae ba sya o lalaki...

Napahawak nalang ako sa dibdib ko sa sobrang kaba at gulat nung humakbang sya palapit sakin...

"Humanda kana..."

Tsaka nya ako binaril????

~~~~~~~~~~~~~

"Aaaaaaaahhhhhh!!!!" Tsaka ko minulat yung mata ko... WTF... bangungot lang pala.....

"Anak, handa na ang almusal mo..." sabi ni mama habang kumakatok sa kwarto ko..

"Opo... pababa na po ma..." sagot ko...

Dapat siguro, ipagpahinga ko muna sandali tong isip ko.....

Buysit kasi na Roy na yun eh !!! Eh wala naman akong paki dun sa Kean nayun.. o di ko naman ipagkakalat yung mga narinig ko na paguusap nila....

~~~~~~ 6:30 am~~~~~~~

"Ma.. pasok na po ako..." sabi ko kay mama atsaka ko sya kiniss sa cheeks..

"Sige.. bye nak... lav u... " sabi ni mama atsaka nagwave sakin....

Alam nyo?? Ang sarap ng ganito??? Yung kahit na mahirap kayo... pero may masaya at matatag ka namang pamilya na laging nandyan para sayo???

"Huy Betty !! Sakay na!! Papaandarin ko natong school bus!!!" Naman oh... panira ng moment si kuya.. alam naman nyang nag eemo ako dito eh...

"Eto napo!!" Inis na sagot ko atsaka...

Tumapak na sa entrance ng school bus...

Kaso...

"Sorry betty... puno na kami dito eh... bagal mo kasi eh..." sabi ni manong driver atsaka pinaandar na yung school bus kaya nasubsob nalang ako sa putikan..

The Mask Beyond GangstersWhere stories live. Discover now