PROLOGUE

1.2K 28 12
                                    

PROLOGUE

INAPAKAN NI SAMUEL ang gas ng kanyang kotse upang bumilis ang takbo nito, hanggang lumagpas ang minamaneho niyang sasakyan sa track na kanyang hinahabol. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo at agad na hinarang niya ang sasakyan sa gitna ng daan at pinahinto ito.

Lumabas siya sa kotse at binunut ang baril na nasa tahiliran niya saka ito kinasa. Lumakad siya papunta sa gitna at itinaas ang brasong may hawak na kalibre 45 na baril at itinutok sa track na mabilis ang takbo sa kanyang deriksyon.

Walang dagdadalawang isip niyang kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril at tumama ang bala nito sa gulong ng track na agad nitong ikinagewang-gewang hanggang sa tumama ito sa puno at bumaliktad.

Ibinaba niya ang mga braso at lumakad papunta sa nakatumbang track. Umaapoy na ang likod na bahagi nito pero walang takot na makikita sa kanyang muka. Lumapit siya sa pinto ng driver seat at binuksan ang pinto nito. Lumingon sa kanya ang muka ng lalaking duguan.

Itinaas niya ang kamay at tinutok sa noo nito ang baril. "Any last word, Mr. Rodriquez?" Walang imusyong tanong ni Samuel sa lalaki.

Ngumisi ang lalaki. "F-fuck y-you." Hinihingal na sabi nito at saka umubo ng dugo saka bumagsak ang ulo nito at hindi na humihinga.

Ipinutok niya ang baril na ikinabutas ng noo ni Rodriquez at saka siya tumalikod, lumakad siya papunta sa sasakyan niya. Pagkapasok niya sa kotse ay hinagis niya ang baril sa passenger seat at saka pinausad ang kotse. At ng makalayo na siya ay saka lang sumabog ang track.

"Ka musta ang mission mo?" Tanong ni Matteo sa kanya ng makita siya itong makapasok sa bar sa loob ng H.O.

Umupo siya sa tabi ni Matteo. "Brandi." Sabi niya sa bartender na isa ring kasamahan nila. "Nililinis na nila Crawford ang kalat." Sagot niya kay Matteo at saka ininom ang alak na nilapag ng bartender sa kanyang harap.

"Mukang sinigurado mo talagang patay ang taong iyon no?" Nakangising tanong nito.

"Hindi na dapat pang maulit ang nangyari noon." Walang imusyon niyang sabi at saka tumayo. "Si Matteo ang magbabayad." Sabi niya sa bartender at saka lumakd palabas ng bar.

"Your welcome bro." Rinig niyang sabi ni Matteo na ikinataas nalang niya ng kamay bilang pamamaalam.

Inihagis niya ang susi ng kanyang kotse sa lamesa at saka pabagsak na hiniga niya ang kanyang katawan sa kama. "Ilang taon naba?" Mahinang bulong niya sa hangin at saka iniligay ang braso sa kanyang noo.

Tatlong taon. Three years, two months, twenty one days, five hours and twenty five seconds. Tandang-tanda parin niya ang taon, buwan araw at oras, makalipas noong araw na makita mismo ng sarili niyang mga mata ang pagpapakamatay ng babaeng mahal niya sa mismong harap niya. Napapikit niya ang kanyang mga mata ng maramdaman niya mga panunubig niyon.

Umupo siya at huminga ng malalim. "Kung sinugurado ko lang sana na napatay ko ang pinuno nila hindi sana mawawala sakin si Ella." Bulong niya sa hanging habang mariing nakakuyom ang kanyang mga kamao.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama saka lumabas ng kanyang kuwarto at tinungo niya kuwarto kong saan laging nagtitipon ang mga pinuno ng vigilantes7. Tumigil siya sa tapat ng pinto at saka kumatok.

"Bukas yan." Rinig niyang sigaw mula sa loob.

Binuksan niya ang pinto at agad niyang nakita ang pinakapinuno ng V7 na si Leo na nakaupo sa pang-isahang upuan at may hawak-hawak na dyaryo at si boss Henry na busy sa loptap nito.

"Anong kaylangan mo?" Hindi tumitingin sa kanyang tanong nang kanyang boss na si Leo.

Isinirado niya ang pinto at saka humakbang palapit sa mga ito. "Gusto ko lang sa nang malaman kung ano ang sagot ninyo sa tanong ko kahapo. Kung pupuwedeng ako na ang trumabaho kay Mr. Patterson?" Magalang niyang tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon