Prologue

138 4 0
                                    

Gabi na at kakatapos lang umulan sa Osaka. 

Madilim pero maliwanag pa din sa kalsada sa bandang bahagi ng JR Osaka Station dahil sa mga nakabukas na street lamps at establisyamento.

May nakasalubong ako na lalaking tila balisa at pawis na pawis.

"Tulungan mo ako" wika nito at hindi mapakali sa pagtingin sa kanyang likuran na tila bang may hinahanap na tao.

Lumayo ako ng bahagya dahil sa gulat.

Tinitigan ko yung lalaki. 

Bakas sa mukha nito ang takot.

"Parating na siya! Ayaw ko pa sumama sa kanya! Tulungan mo ko!" pagmamakaawa nito na napaluhod na at hindi napigilan umiyak.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaking kaharap ko.

"Ayan na siya naririnig ko na siya!" bigkas nito na napatakip sa kanyang tenga hubang nakaluhod.

"Kuya wala naman ho tao dito" sabi ko namedyo alangan sa pagsagot.

May nakita akong paa sa may gilid ng lalaking humihingi ng tulong.

Nang iangat ko ang aking ulo ay nakita ko ang isang nilalang na nakasuot na roba at may hawak na bungo.

Napaatras ako. 

"Lumayo ka sa akin!" sigaw ng lalaki!

Itinaas ng taong nakaroba ang hawak na bungo ng isang tao sabay wika ng "kiete"

May narinig na lang ako na napakalakas na tinig na nagmumula sa lupa.

Nahihilo ako sa tunog na yun. Nanlalabo na paningin ko at tila nauupos nakandila ang katawan ko.

Bumagsak angaking katawan sa lupa at tuluyan nawalan ng malay.

Nagising ako ng may pumatak na ulan sa aking pisngi.

Dalidali akong tumayo at inayos ang aking sarili mula sa pagkakahiga sa sementadong sahig.

Laking gulat ko ng may makita akong isang bangkay sa aking harapan. Duguan ito at tila may sumaksak na isang matalim na bagay sabandang tyan nito. Ang mukha nito ay tila sinaksak sng makailang beses.

Natakot ako at napaatras. Para akong masusuka sa nakita ko. Na out of balance ako at tuluyang napaupo sa sahig. May nakapa akong isang matalim na bagay sa aking tabi. Isang kutsilyo!

Nang mahawakan ko ito ay siyang biglang paggalaw ng katawan ng lalaki.

"Hindi mo pwede takasan ang itinakda para sayo!" sabi nito na hirap na hirap man sa pagsasalita.

"Anong sinasabi mo?" sabi ko na tatayo na sana ako ng biglang may dumating na mga pulis sa paligid!

"Ibaba mo yang kutsilyo na hawak mo!" sabi ng pulis.

Lumapit ang isang kasamahan nito at poposasan na ako ng biglang-

KAZIRO NAKAJIMA MAY DALAW KA!

Nang bigla akong magising sa kinaroroonan kong selda.


Itutuloy....


=======================Next Chapter=====================

Chapter 1: You Can't Breakthrough the Bars Kaziro Nakjima

Hindi makapaniwala si Kaziro sa nagnyari sa kanya. Nakulong siya sa salang hindi naman niya ginawa. Ngayon pati ang hinihinala niyang may sala sa pagkamatay ng lalaki ay tila nakikita niya sa loob ng kanyang selda na para isang aparisyon. Ano nga ba meron sa lalaking namatay at bakit parang minumulto si Kaziro ng pangyayari ito.

Check my next chapter on Thursday February 22, 2018

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Underground Magicians: The Grim Reaper's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon