TGIF! Woooh! Saturday bukas so walang pasok hahaha! Wala namanakong lakad tapos wala dn kaming pupuntahan nila mommy so it means makakatulog ako hanggang gusto ko haha! Masanay na kayo sa akin ganyan ako tanghali na kung gumising haha. By The Way I'm Anna Nicole de Vega. ,16 yrs old. Nag aaral ako sa ********** Academy. My BoyBestFriend ako na lihim ko mahal. Ang Corny na! Name ni BoyBestFriend ay Anthony Nicolo de Vera.
Habang nakahiga ako sa aking kama. Malamang alangan naman sa mesa.
Time Check 7:00pm. Hay antagal naman magluto ni mommy gutom na ako. Oo tama kayo wala kaming katulong kahit na mayaman kami. Kasi gusto ni mommy na ipinnagluluto kami ni Chelsea nakababata kong kapatid. 9yrs old palang sya grade 4 na yan. Back to my story. May kumakatok edi binuksan ko. (alangan namang isara mo eh nakasara pinto mo!)
*knock knock*
Pagkabukas ko ay si Chelsea ung iniluwa nung pinto.
"Ate Nics kakain na daw po sabi ni mommy"- Chelsea.
"Ahh cge bababa na ako"- ako.
..................
Ngaun tapos na kaming kumain nandito na ako sa kwato ko. Kuha laptop, kuha iPad, kuha Samsung Note 3 at iPhone 5. Sa laptop facebook, sa iPad twitter, sa note 3 soundtrip at sa iPhone 5 txt. Hahaha! Habang nageexplore ako sa twitter nabasa ko ung tweet ni bestfriend:
Hay hirap maging torpe :(.
#MahalKitaPeroNatotorpeAko.Awtsuuu! Parang andaming karayom na tumusok sa puso ko. Si bestfriend may mahal na. Hmp! Matulog na nga.
..................
"Anna gising!" sabay alog sa akin ni Anthony pero d ko pinansin kaya inulit nya akong gisingin.
"Bespren gising!" hahaha bahala ka dyan inaantok pa ako. Ilang beses nya na akong ginigising meron ung tumalon-talon pa sya sa kama ko. Haist kainis bakit kasi pinapunta sya dito ni mom alam naman na natutulog pa ako eh dapat sinabi nalang ni mom na tulog pa ako kaso hindi eh pinaakyat pa dito.
"Uyyy! Gising!!!" sigaw nya malapit sa tenga ko kaya ayun nagising na nga ako aiyt!
"Ano ba?!?! Natutulog pa ako eh!!!" bulyaw ko sa kanya
"Oh bespren chill ka lang highbalood ehh. Samahan mo ako." saad nya tssk magpapasama nanaman sya. Argh!
"Saan nanaman ba?!" inis kong sabi dito.
"Punta tayo kila Jhay-ar. Birthday nya kasi ngaun eh. Please?" aiy! oo nga pala birthday nya.
"Oo na sige na. Lumayas ka muna dito sa kwarto ko. Hintayin mo nalang ako sa living room. Maliligo at magbibihis pa ako. Dali na layas!" pagtataboy ko sa kanya. Dibale sanay na yan ginising kasi ako eh haha.
Nagtataka kayo kung bakit ko kilala si Jhay-ar noh? ganito kasi yon.
*FLASHBACK*
Hay boring nama dito sa kwarto makalabas nga muna. San kya pwedeng pumunta na malamig ang hangin at nakakarelax? Iisa lang naman ung parte ng bahay na 'to kung lugar na un. Sa garden.
Kasalukuyang naglalakad lakad ako dito sa garden nangbiglang may tumawag sa aking phone dali dali ko namang itong kinuha sa bulsa ko
(I wanna say I Love you, I wanna hold you tight, I want your arms aro-----)
calling bespren anthony...
"Hello?" ako
(Bespren punta ka dito sa bahay birthday ni mama ngaun mukhang nakalimutan mo na ahh.) sya