Ito na ang huling semester para sa
taong ito. Third year college na ako. At dalawang taon na rin kami ng boyfriend ko.. Ako nga pala si Sam.
Sa loob ng campus namin, wala man lang akong makitang gwapo o yung tipong attractive. Hanggang sa nakasalubong ko ang lalaking ito. Gwapo, maputi, matangkad pero mukhang bad boy.
Simula nun lagi ko na siya nakakasalubong. At narealize ko na lang crush ko na siya. Pero friends ko lang ang nakakaalam nun. BAWAL KASI EH. Ayaw ng boyfriend ko, masyadong seloso.
Kapag nakakasalubong ko siya, napapansin ko na lang ang sarili ko na nakangiti. Ang sarap niya sa mata. Hindi siya nakakasawang tingnan. Paano ang gwapo naman kasi talaga. Hinanap ko ang facebook niya kahit surname lang niya ang nakikita ko sa nameplate niya. Sa kasamaang palad, hindi ko nakita. At hinayaan ko nalang dahil baka kapag nalaman ng boyfriend ko, yari na ako.
Ang gusto kasi ng boyfriend ko palagi lang akong behave kaya nagkakacrush na lang ako ng palihim. Actually, minsan lang talaga ako magkacrush. Hindi kasi talaga ako naattract kaagad kung kani-kanino lang.
Bandang November 2012 nagbreak kami ng boyfriend ko. Niloko niya ako. Sinabi pa niyang magbehave pero gago siya. Siya naman 'tong hindi behave.
At bago matapos ang taon, sa hindi inaasahang pagkakataon. May gwapong nag-add sakin. TAKE NOTE: "parehas sila ng surname nung crush ko." I checked his profile, to find out that it was him. Yes! "Daniel" pala ang pangalan niya. :)
Tinignan ko lahat ng pictures niya. Sheeet! Ang gwapo. Hoooo. Ang sarap pala sa feeling na iadd ka ng crush mo no? Hahaha. Pero nagtataka ako onti lang ang mutual friends namin, lahat ng yun hindi ko pa kilala sa personal. Paano naman kaya niya nahanap ang account ko?
Pasko na. At siyempre gusto long batiin si God ng happy birthday. And to be exact ito ang status ko sa facebook, "Happy Birthday Papa Jesus." ♥️ Abaaaa! Akalain mo ba namang ilike ni Daniel? :)
Hindi pa natatapos dun.. By that time kasi may nararamdaman pa ako sa ex ko. At pangalawang beses na niya akong niloko. Bigla nalang pumasok sa isip ko magstatus.. "Ang mali tinatama yan, hindi inuulit." Abaaaa! Akalain mo ba namang ilike niya ulit? Jusko. Ang sarap sarap sa feeling nun.
2013..
Birthday ko na. Sa dami ng friends ko sa facebook, sa lahat ng bumati sa akon dun ay talagang nagtyaga akong magpasalamat sakanila.
After one week. Pag pasok ko. Sabi sakin ng bestfriend kong si Mariel..
Mariel: Bes, nagthankyou ka sa lahat ng bumati sayo pero sa crush mo hindi.
I WAS SHOCKED.
Hindi ko talaga akalain na babatiin niya ako. Ang saya saya. :)
Kaya nung paguwi ko hinanap ko agad yung wall post niyang natabunan na. Gustong gusto ko na magmessage sakanya at itanong kung paano niya nahanap ang facebook ko.
Three days later..
I messaged him on facebook and wait for his response.
Ako: Kuya.
Daniel: Hi Ate.
A: May itatanong lang sana ako.
D: Ano po yun?
A: Paano mo nahanap yung account ko? Hindi ko kasi kilala mutual friends natin eh.
D: May nagsuggest lang po. :)
A: Ay sige po. :)
D: Anong year mo na?
A: Third year po, ikaw?