:(

60 1 0
                                    

ako si Marlon,

masasabi kong pasaway ako, suwail at bastos na anak. pero anong magagawa ko? ganun talaga ako? wala akong sinusunod na utos ng parents ko lalo na ng tatay ko, pero wala naman syang magawa kundi hayaan ako, alam nya kasing hindi ko pa sya napapatawad sa ginawa nya kay mama, sya ang dahilan kung bakit namatay si mama. kung hindi dahil sa pagpapabaya nya sana buhay pa si mama ngayon, at sana hndi ako ganito.

isang araw , nagkasagutan kami ni papa, hindi ko alam kung ano ang nangyari saken at nasigawan ko sya.

"BAKIT MO BA AKO PINAPAKIALAMAN HAH.? SIMULA NUNG PINATAY MO SI MAMA PINATAY MO NA RIN ANG PAGIGING AMA MO SA AKIN, IKAW  ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY SI MAMA, SANA IKAW NA LANG NAMATAY HNDI SI MAMA, SANA MAMATAY KA NA!!! WALA KANG KWENTANG TAO!!!!!"

sa galit ko lumayas ako sa bahay, nagpunta ako sa bahay ng mga kabarkada ko. ewan ko kung bakit dun ako pumunta alam ko naman na wala silang magandang advice na mabibigay sa akin. Pero dahil sa kanila naging masaya ako, nakalimutan ko ang mga problema ko. 

isang buwan din akong tumira sa mga kabarkada ko. hindi ko na naalala na may isang taong nagiintay sa paguwi ko. at si papa yun. pero hndi pa rin ako umuwi dahil alam kong mapapagalitan na naman nya ako.

pero isang gabi, nagbago ang buhay ko, 

habang nagiinuman kami ng mga kabarkada ko, may lumapit sa aming isang grupo ng mga lalaki, mukhang maaangas yung itsura nila. hindi namin sila pinansin nung lumapit sila. tuloy parin kami sa pagiinuman. magsasalin na sana kami ng alak ng biglang sanggiin ito ng mga lalaking lumapit sa amin.

pagkatapos noon hindi ko na alam ang nangyari, biglang nagdilim ang paningin ko. pagkagising ko nasa ospital na ako. kasama ko yung tita ko hindi ko alam kung bakit nandito ako kaya tinanong ko si tita

"tita, bakit po ako nandito? ano po ang nangyari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

nasa huli ang pagsisisiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon