Spade's POV
eight and a half month,
Eight and a half month na akong naghihirap sa mood swings ni Caverlyn, but its worth it, hindi ko alam na god gave us a two blessings dahil kambal ang dinadala ngayon ni Caverlyn, kabwanan nya na pero nag lilihi pa rin sya, pwede pala yon? Lalo ring dumoble yung kasupladahan nya, este naging triple pala, lalo na yung pagiging brutal nya halos hindi nga ako makakilos dahil makita nya lang akong lalayo ay iiyak sya o di kaya ay babatuhin ako ng daggers,naging emosyonal din sya at yung tipong pati commercial sa TV iniiyakan nya,
"SPADE!!!!" agad akong napatayo mula sa couch ng marinig ko ang sigaw nya mula sa kusina, mabilis akong tumakbo papunta roon para icheck kung may nangyari ba sa kanya but i saw her na galit na kinakalkal ang ref
"What's wrong love?" Takang tanong ko, may pagkabagot syang humarap sakin
"Asan yung strawberry dito? Pati yung lansones? Kinain mo ba? Or tinago mo?" Mangiyak ngiyak na sambit nya
Aish! Sabi ko sa inyo iyakin na sya
"No, naubos mo na kanina diba?" Sagot ko saka lumapit sa kanya para yakapin sya pero ihinarang nya ang kamay nya sa pagitan namin
"No! Tinago mo yon! Tinago mo yun kasi nakikita mo na mataba na ko! Spade tell me? Ayaw mo na ba sakin? Hindi mo na ba ako mahal? Iiwan mo na ba ko dahil sira na ang figurine ko? Dahil mataba na ko?!" Umiiyak na sabi nya, lumapit na ko sa kanya para yakapin sya ng tuluyan, isa ring problema ko ang pagiging ma-drama nya pero okay lang mas madalas ko syang nalalambing pero maya maya ay magsusungit nanaman
"Shhh..Stop crying kahit maging balyena ka pa i still love you"sabi ko para tumigil na sya sa pag iyak, kinurot nya ko at marahas na itinulak bago nag salita
"Anong balyena?! Never! Ibili mo ko ng strawberry at lansones ngayon na!" Sigaw nya kaya mabilis akong tumakbo papuntang sala at agad na dinampot ang susi ng kotse saka ako sumakay sa porche
"Now what? San ako bibili ng strawberry at lasones ng ala-una ng madaling araw?" Tanong ko sa sarili, napakamot nalang ako sa batok ko saka inistart ang kotse
Aish! Sana makahanap ako,
Halos maikot ko na ang buong manila pero wala talaga akong mabilhan ng strawberry, at tanging lansones lang ang nabili ko, mahirap talaga mag hanap ng strawberry dito sa manila
Bumalik ako sa kotse ko and then i saw my phone ringing, binasa ko ang pangalan at agad na sinagot ng makitang mula ito kay Caverlyn
"S-spade m-manganak na ata ako" bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya, ewan ko ba bakit feeling ko ako yung manganganak saming dalawa
"Pabalik na ko, wait me there wag ka munang kumilos" sagot ko bago ibinaba ang tawag saka pinaharurot paalis ang kotse ko, i drived fastly, mabuti nalang at walang traffic ng ganitong oras kaya mabilis akong naka balik sa bahay,
Pagkarating ron ay agad ko syang hinanap and i saw her on the Bathroom, agad ko syang binuhat ng bridal style at isinakay sa kotse papuntang hospital, tinawag ko ang doktor para maasikaso sya kaagad
Tinawagan ko na rin si Xian at ang mga kapatid ni Caverlyn pati si Tita Marilyn para ipaalam na manganganak na si Caverlyn,
Kinausap ako ng doktor matapos syang i- I.E. at sinabing 8 cm palang nila nakapa ang ulo ng bata, iniayos narin nila ang pag aanakan ni Caverlyn at hinihintay nalang na umabot ng 9cm ang ulo ng bata
Saktong pagkatapos namin magusap ni Dok ay narinig namin na sumigaw si Caverlyn, it means manganganak na talaga sya, tinanong pa ko ni Dok kung sasama pa daw pa ako sa loob ng delivery room pero tumanggi ako dahil baka mauna pa akong mawalan ng malay kaysa kay Caverlyn
BINABASA MO ANG
The Gangster Queen [Editing]
AzioneThey gave me pain then I'll give them my Sweetest Revenge
![The Gangster Queen [Editing]](https://img.wattpad.com/cover/125409876-64-k805508.jpg)