Behind The Scene (Bangtan Boys One Shot)

28 2 2
                                    

J-HOPE POV.

 

“Kamsahamnida! Kamsahamnida!”

 Sabay-sabay kaming pito sa pagpapasalamat at sa pag bow sa staffs ng isang show na ginawan ng documentary ang buhay namin sa tatlong araw. Dun din sila natutulog sa dorm at laging may naka bantay na camera samin hanggang sa pag tulog. Mala-reality show kasi yun at buhay ng grupo naming ang pinapakita nila. Ngayon ang araw ng pamamaalam. Tapos na kasing irecord ang lahat, aalis na sila.

“Nakakapagod.”  Sabi ko nung maisara na ng manager naming ang pinto. Sa wakas, wala nang camera, wala nang susunod samin kung saan saan maliban sa mga sasaeng fans.

Sa wakas natikman ko ulit ang privacy.

“Matutulog ako.”  Paalam ni Jin hyung na dirediretso lang sa pag pasok sa kwarto.

Walang nag salita, mukhang lahat napagod sa pag rerecord ng buhay namin na magkakasama. Mukhang lahat nilalasap ang malayang buhay, Malaya mula sa camera.

“Jin hyung! Bakit ka matutulog eh may practice pa tayo mamaya?”  si Jimin na sumunod pa kay Jin hyung sa kwarto.

Narinig kong mukhang nagkakasagutan pa ata ang dalawa at sinara pa ni Jimin ang pintuan ng kwarto. Heto na ulit kami, back to normal. Back to our real life.

Walang plastikan.

Walang bait-baitan.

“Jimin-ah, hayaan mo nang magpahinga muna yang si Jin, pagod siguro. Wag mo nang sabayan, magkakagulo na naman lang kayo eh.”  Sita sakanila ng napaka bait naming manager. Buti nalang may ganito kaming manager na kahit gaano katitigas ang ulo namin ay hindi naman kami pinapagalitan ng sobra. Minsan lang.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Jung Kook na  inaayos yung sarili nyang camera. Mahilig kasi syang kumuha ng videos, hobby nya yun at mukha namang natutuwa sya kapag ginagawa nya yun lalo na kapag nakikisakay kami sa trip nyang drama dramahan minsan. Ang madalas na actor, si V. Masyado kasing epal yun.

“Kook, wag mong sabihing kumukuha ka na agad ng videos?”  tanong sakanya ni Suga.

“Oo hyung, ano naman ngayon? Sige na, kaway nalang kayo.”  Pangugulit ng bunso namin.

Biglang tumayo si Suga at lumapit kay Kook.  “Pwede ba Jung Kook tigilan mo yan! Kakatapos lang nating makalaya sa mga camera’ng yun tapos ngayon ikaw naman!? Hindi ka ba napapagod?”  panenermon sakanya ni Suga na inagaw ang camera sa kamay ni Jung Kook.

Heto na, nag uumpisa na naman sila.

“Ano bang problema mo hyung?”  napatayo narin si Kook at inagaw ulit ang camera nya kay Suga hyung.  “Hindi ko naman inilalabas lahat ng videos ah. Katuwaan lang naman to, ano bang ikinaiinit ng ulo mo dyan? Kung ayaw mong makisali edi wag! Hindi naman kita pinipilit eh!”

Padabog na naglakad si Jung Kook palapit kay V at naupo ito sa tabi nya. Hindi nalang sya pinansin ni Suga na pumunta nalang sa kusina.

My One-shot StoriesWhere stories live. Discover now