Chapter 4

7 0 0
                                    

Youlhee's POV

"Ok guys, hindi matutuloy ang games dahil nakakapagod. Ang main goal natin ay walang matutulog, hanggang umaga. Hindi pwede ang alcoholic beverages dahil bawal ang mga dongsaengs, lalo na ang kapatid ko at si Hannie. So netflix muna tayo. Who's up?" Paninimula ni kuya. Nagsitayuan ang lahat, at pinapunta kami ni kuya sa mga kwarto namin para magbihis ng pang tulog.

I know this is their reunion after not meeting for like... 2 years? Pero bumibisita naman sila dito sa bahay. Walang magagalit na parents samin since me and Kuya live on our own house kasama si ate Hannie.

Sa bawat kwarto, ay may apat na tao. Pero syempre, hiwalay sina Kuya at Ate Hannie. Dahil dalawa lang ang guestrooms, kailangan nilang maghatihati sa kwarto.

Sina Mingyu, Wonwoo, Minghao, at Jun sa katabing kwarto ko. Sa tabi ng kwarto nila ay sina Jisoo, Seokmin, Soonyoung, at Jihoon. Sa kabilang side naman ng kwarto ko ay ang kwarto nina kuya. At ang katabi naman ng hagdan ay isang cr. Sa kwarto ko naman ay kinakailangan mag hatihati. Kasama ko ang mga nakakatanda pero maknae nila, na sina Seungkwan, Hansol, at Chan.

Alam na rin nila na may gusto ako kay Jisoo, so I don't mind letting them see my room.

Nagsibabaan naman ang lahat sa game room kung saan kami tatambay at manonood, dahil dito ay mayroon kaming malaking flate screen tv. Nakita ko si Jihoon na nagseset ng panonoorin namin.

"Ano papanoorin, Jihoon-ssi?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam eh, scary movie daw para masaya at walang makakatulog." Sagot nito.

Si Jihoon ang pinakapandak- Sorry pero that's the truth. Pandak man sya, pero grabe sya pag nagalit. Manghahampas yan sayo ng gitara kapag inasar mo sya dahil sa height.

"IT kaya?" Tanong ni Minghao.

"Wag! Takot ako kay Pennywise!" Sigaw ni Soonyoung.

"Educational vids nalang." Pagrerekomenda ni Wonwoo.

Napatingin kaming lahat sa kanyang sinabi. Ano daw?

"Manood ka magisa mo! Sige! IT nalang!" Sabi Soonyoung na tila ayaw ang suggestion ni Wonwoo.

"Guys! Maganda to, Kimi No Nawa! Hindi sya scary or horror, pero maganda! Romance sya!" Pagsusuggest ni Jisoo.

"May nakita na ako! Yung Death Note! Hindi masyado nakakatakot pero sure magugustuhan nyo!" Sigaw naman ni Mingyu.

Sa pagpili palang ng movie, tumatagal tayo. Paano pa kaya kapag sa ibang bagay na? Hays.

Hindi naman nakakatakot ang movie, but the way that people die is actually brutal. Kapag may nakakadiring part, tinatakpan ko ang mata ko. Sometimes, niyayakap ako ni Jisoo para maging komportable ako.

Nang matapos namin ang movie, ang lahat ay nagkalat sa game room. Pero ako ay bumaba muna sa kitchen para kunin ang ice cream.

Ang daming ice cream... Buti nalang talaga bumili kami ni Jun. Idagdag pa natin dyan yung binili ni Jisoo.

Kinuha ko lahat ng ice cream tubs. Sa game room ay may mini kitchen kaya hindi ko na kinakailangan pang magdala ng cups at spoons.

Pagpasok ko ay agad agad kong inilagay ang mga tub sa lamesa at isa isa naman silang lumapit. Bago pa man nila buksan ang rocky road flavor ay kinuha ko ito agad.

"Noona, mamigay ka naman." Sabi ni Chan.

"Hmm.. di pwede. Galing to kay Jisoo tsaka favorite ko to noh!" Sigaw ko at nagsimulang kumain.

"Youl, gusto mo ng pepero? Binilhan kita," Sabi ni Jisoo at saka inabot sakin ang isang plastic ng pepero.

WAAAHH- JISOO AYLABYUSOMATS

Kinuha ko ito agad at binuksan ito. Kumagat ako ng isa habang hawak ang dulo. Nagulat ako nang lumapit si Jisoo hanggang sa makagat nya ang hawak ko at dahan dahang lumapit.

"Oi oi oi ano yan! Sali naman kami!" I was so flustered to even move. He was starring right into my eyes as I stared on his.

Kumuha si Kuya Cheol at hinanap agad si Ate Han. Nagsipuntahan naman sina Mingyu, Hansol, at  Soonyoung. (WAAAHH TOP TOBG MGA TOH BESH)

They went to their places and took their partners. Nagsarisariling mundo ang partners at naglaro ng pepero game habang ako ay nakafocus padin kay Jisoo.

Shit. Lumalapit sya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko hanggang sa hindi ko na kinaya. Sobrang lapit na ng aming mga labi at isang tulak na lang ay mangyayari na ang aming FIRST KISS.

Ayoko muna. Baka magbago ang tingin nya sakin kapag nangyari yun.

Tinulak ko sya at tumalikod para itago ang ala-kamatis kong pisngi.

Dumeretso agad ako sa kwarto para pababain ang hiya.

Tinakpan ko ang aking mukha and did my best to forget what happened.

"Youl?"

TO BE CONTINUED...

Behind That Sweet Smile (H.JS)Where stories live. Discover now