CHAPTER 1

21 1 0
                                    

Miku pov

Noong 4 years old palang ako at wala pa akong teddy bear.

Iniwan na ako ng mga magulang ko sa kalsada. Sabi kasi nila na babalik daw sila pero hindi sila bumalik. Nakuha ako ng mga taong nagbebenta ng mga bata.  Nakatakas ako sa kulungan at napunta ako sa gubat, doon ko nakita ang bear na may maraming sugat at inalagaan ko ng mabuti ang bear. Nahuli ako ng mga taong kumupkop sa akin at yung bear namatay dahil sa pagprotekta nya sa akin.

Nabili ako ng Mayamang lalaki at gusto nyang kunin ang kanan kong Mata dahil Mayroon akong Heterochromatic eyes.

Ang heterochromatic eyes ay magkaiba ang kulay ng mga mata.
Ang kanan kong mata ay red habang ang kaliwa ay green.

Natakot yung lalaki dahil yung bear na tinulungan ko sa gubat
ay nasa likod ko at namatay yung lalaki sa mismong harapan ko. Dinikit nung bear ang noo nya sa noo ko at hiniwakan ko yung mukha nya.

Nakita kong naging teddy bear yung bear nasa harap ko. Napaiyak ako at tsaka ko yung yinakap.

Marami na rin akong teddy bear at lahat yung ay nagagawa kong bear pero si Oliver ang Pinakamalaki sa lahat.

At bawat bear ay may mga kapangyarihan kagaya ni Oliver, si oliver ay apoy ang kapanyarihan kaya ang tawag sa kanya ay Gigantic Hell Bear.

Ang pangalawa sa malaki ay si Chelsea, babaeng bear. Ang kapangyarihan nya ay ice at ang kulay ng balahibo nya ay Puti parang polar bear.

Ang tawag sa kanya ay Iced bear.

Nag aaral na rin ako at may babaeng kumupkop sa akin at tinuring nya akong anak. At ang pangalan nya ay Gemma.

Napakabait ni mama gemma sa akin at alam nya rin na may kapangyarihan ako at isang normal na tao lang sya. Pinagaral nya ako na mabuti.

Kaya nagpapasalamat ako sa kanya.

Magaling din akong gumawa ng sariling kanta, mahilig magdrawing at mahilig ding manood ng anime.

Maraming nangbubully sa akin sa school, bakit daw lagi akong may daladala na teddy bear. Lagi ko kasing
Daladala si Oliver kahit saan.

Kaya pinagsasabihan nila akong "childish bitch" pero hindi ko na lang sila pinapansin.

May mahaba akong buhok na kulay ay light purple at yung bangs ko ay natatakpan ang kanan kong mata habang ang kaliwang part ng bangs ay mahaba-haba kaya nakaipit yun sa tenga ko. Yung kalahati ng kanang part ng buhok ko ay naka braided.

Ay Oo nga pala, ako nga pala si Marika Ilyana Kazel Uzumi Ludenbeirg or for short, Miku Ludenbeirg.

Isa akong creature manipulator; bear manipulator. Kapag kasi creature manipulator, dapat mayroong bagay na kailangan mong gawing creature
Na namamanipulate mo.

Sa akin ay teddy bear, at napagisipan kong teddy bear na lang ang gagamitin ko para Mailabas ko si Oliver at ang mga iba ko pang bears.

Naglalakad ako papuntang school at ang mga taong nakapaligid sa akin ay pinagmamasdan ako kung bakit may dala dala akong teddy bear.

Pero hindi ko na lang pinasin, kapag iilaw kasi ang kanan kong mata ibig sabihin gusto ni oliver magtransform bilang bear. Minsan nakakausap ko sya sa pamamagitan ng telepathy pati rin naman ang mga iba kong teddy bears.

Kapag umilaw ng red ang kanan kong mata ibig sabihin kay oliver kapag yellow kay Chelsea.

Pero hindi ko muna sasabihin kung sino pa ang iba kong teddy bears at kung ano yung iba pa nilang kulay at kapangyarihan.

My Teddy Bears is a MonsterWhere stories live. Discover now