"Last year na natin! Napakahirap naman ng thesis, Nawala pa si Mam Bhaby. Alam naman niya na siya ang magrereview ng thesis natin" nakasimangot na sabi ni Jarizen sa kaniyang mga kaibigan
"Di baga may nakilala daw siyang lalaki, Ayun nakipagdate daw hanggang ngayon ay wala pa siya" sabi naman ng kaibigan niyang si Leaf
Napangisi naman siya "Nagpadilig ng maigi ano? Hahaha"
Sabay silang tumawa at Nag appear-an
"Si Sir Abe daw ang tutulong sa thesis natin" sabi ni Caez River
Napalingon sila sa bagong dating nilang kaibigan. Apat silang magkakaibigan, siya si Jarizen Yllina ang pinakafriendly, tapos si Leaf Ariz yung pinakamadiskarte at mapang asar, si Caez River na pinakatahimik at seryoso at ang huli ay si Belle Jandrea ang pinakamataray at maldita.
"Sino naman yun? Bagong prof?"
"Ayun sa source, bago lang daw. Graduate daw ng Cum Laude nung gumraduate siya, 28 years old Single" sabi Belle Jandrea habang nagtitingin ng Nail polish niya
"Kelan daw natin mamemeet? Kailangan na natin yan e?" sabi naman ni Leaf Ariz
"Dadaan daw yan mamaya dito" sabi naman ni Caez River
"Dito? Wala manlang upuan eh" ani Belle Jandrea
"Pa-heals heals ka pa kasing nalalaman. Kala mo lagi ka paparty e" sabi ni Leaf Ariz
"Excuse me? Deserve ko to? Maganda ako e." Nakaismid na sabi ni Belle Jandrea
Hindi na niya pinansin ang pagtatalo ng mga kaibigan kinalabit niya yung maliit nilang kaklase
"Uy Farrah Andrea? Ano oras daw daan ni Sir dito?"
"Nandyan na daw sa gate e. Nagtext sakin"
"Close kayo?"
"Hindi. Binigay ni Dean, Ako diba ang president sa klase?" sabi ni Farrah Andrea "-Ayan na pala si Sir e"
Sabay sabay nilang nilingon ang paparating. Isang nakangiting lalaki ang papalapit
Isang hakbang...
Dalawang hakbang...
Tatlong hakbang....Wala na, finish na. Bumagsak na ako kay Sir!
"Hi Sir, Kami po yung entrep student. Sa inyo daw po kami magpapatulong regarding sa thesis namin" sabi ng kaklase niyang si Joffany
"Ah okay, nabanggit nga sakin ni Dean since wala si Ms. Bhaby, okay sa room nalang tayo magproceed"
Agad niyang kinuha yung kamay ni Sir Abe
"Hi Sir Abe, I'm Jarizen Yllina Savillo"
Nagulat naman sa kanya ang professor. Huli na din niya naisip yung ginawa niya. Napatingin siya sa paligid at nakamaang sa kanya ang mga kaklase. Ang mga kaibigan naman niya ay nagngisihan sa kaniya.
"Diba dapat magpakilala tayo kay Sir?" Sabi niya
Nangingiti namang kinuha ng professor ang kamay nito na hawak niya
"Okay Ms. Jarizen Yllina, nice to meet you. Pero sa loob tayo ng room magpakilanlan."
Ngumiti naman siya
"Maigi ng mauna sir. Tamo at tatatak na sayo ang pangalan niyan." Nang aasar na sabi ni Leaf Ariz
Nagtawanan naman ang buong klase
"Okay guys, sa room na tayo"
Nagpuntahan naman na sa school. Tinabihan siya ng mga kaibigan niya
"Anong eksena yun Jarizen Yllina?" Tanong ni Belle Jandrea
" Crush niyan si Sir, patulo na laway mo kanina e" sabi ni Leaf Ariz
BINABASA MO ANG
Ang Pagbagsak Ni Sir Sa Akin
RomanceBigla may papalapit na nakangiting lalaki Isang hakbang.. Ikalawang hakbang... Ikatlong hakbang.... Wala na, finish na. Bumagsak na ako kay Sir