My Girl (One shot story)

74 2 0
                                    

Sa sobrang dami ng tao sa loob ng EAC building para pumila sa Admission Office, umupo nalang ako sa gilid ng entrance ng building. May mga available seats naman doon kaya why not dun muna ako. Ganito ba talaga feeling kapag Incoming freshmen? Palingon-lingon sa paligid. Kinakabahan at hindi mapakali. Lahat sila busy sa kanya-kanya nilang ginagawa. Busy sa pakikipag-usap, sa pagbabasa ng mga papel na hawak nila, sa mga cellphone na nilalaro nila. Pero isa lang talaga ang naka-agaw pansin sa mga mata ko. Yung babaeng naglalakad papalapit sa EAC building. Ang ganda niya. 

Kaso nung nakapasok na siya sa entrance ng building... Nevermind nalang. LAYO-genic (maganda lang kapag malayo) pala. Pinagmasdan ko lang siyang umakyat sa hagdan ng bigla siyang nasubsob. Agad kong kinuha yung cellphone ko at pinicturan. Nakaramdam ako ng konsensya kaya lalapitan ko sana kaso tumayo na siya agad at umakyat na. Ako lang ata nakakita sa kanya kasi halos lahat ng tao dito busy. Ang tanga naman ng babaeng yun. 

""June 25 ang pasukan"" sabi sa'kin nung babae sa loob ng Admission Office matapos kong gawin lahat ng requirements. Sa wakas! Enrolled na rin. 

~

Pasukan na. Sa sobrang pagkaexcited ko pumasok, ako pa lang ang studyante sa room ng first subject namin. Umupo ako sa second row. Ayoko sa harap baka ako pa ang ma-una sa pag-introduce yourself. Ayoko naman sa likod baka mapagkamalan akong ""Forever Alone"" at baka sa likod pa mag-umpisa ang introduce yourself. Malay mo sira-ulo pala yung professor at sa likod pinag-umpisa yun. 

Tumingin ako sa screen ng phone ko. Natawa ako. Wallpaper ko pala yung babaeng nasubsob sa hagdan noon. Balak ko sana 'tong isend sa FEU memes kaso na-awa ako sa babae kaya ginawa ko nalang pang sariling aliw.

""Grabe. Nanaginip ako. Akala ko late na 'ko. Nagmadali tuloy ako kanina."" sabi nung babaeng kakarating lang habang may kausap sa phone.

""Sige. Annyonghikaseyo"" ibinaba na niya yung phone at naghahanap kung saan uupo. Napansin kong parang pamilyar yung mukha niya. Napatitig ako at ina-alala kung saan ko ba siya nakita.. Nung napatingin siya sakin, ningitian niya ko. Naka-upo na siya sa harapan ko bago ko marealize na siya pala yung babaeng sinabihan ko ng layogenic at nasubsob sa hagdan. Blockmate ko pala 'to.

Simula nun, sinubukan kong makipagkaibigan sa kanya. Siya lang kasi ang nag-iisang babae sa block namin. Yung isa babae kaso tomboy naman. So ayun, kahit pangit siya mabait naman pala. Sobra! Hindi rin siya maarte. Hindi siya nakaka-ilang kasama. Palatawa siya kaso napaka clumsy. Pinakita ko na rin sa kanya yung picture niya noong nasubsob siya sa hagdan pero imbis na mainis o mahiya, tumawa lang siya ng malakas at pinabluetooth sa phone niya yung picture. Ang sarap niyang kasama. Sa tuwing kasama ko siya, lagi niya kong napapangiti. Feeling ko nag-iiba na yung nararamdaman ko sa kanya kaya sinubukan kong magpaka the moves.

Vacant namin ngayon kaya naka-upo lang kami sa Freedom Park. Tahimik kaming parehas kaya ito na rin ang magandang paraan para sumimple ng tanong. 

""Kung liligawan kita. Papayag ka ba?""

""Seryoso ka? HAHAHAHAHA! Magagalit sa'kin mga boyfriends ko niyan. HAHAHA!"" sagot niya. Nagulat ako sa narinig ko. BOYFRIENDS. May letter S sa dulo. Ibig sabihin plural. Kapag plural, ibig sabihin madami. 

""Ito sila oh. Si T.O.P., G-Dragon, Seungri, Daesung, at Taeyang ng BIGBANG. Haaay Ang pogi talaga nila noh?"" 

Hindi ako makareact sa pinakita niya. Puro kpop pala yung tinutukoy niya. Nakatitig lang ako sa screen ng phone niya na may limang lalaking nakapost.

""Huy! Magreact ka naman. Hindi ka makareact kasi napopogian ka rin no? HAHAHA! Lakas talaga ng kapo-gian ng limang to."" 

Tahimik pa rin ako. Buti nalang! Medyo gumaan yung loob ko nang pinakita niya sa'akin yung mga litrato. Pero ang masakit dun, patay na patay siya sa limang lalaking koreano na nasa phone niya. Ang pagkaka-alam ko pa naman, Mahirap magkaboyfriend yung mga mahilig sa kpop kasi gusto nila kasing pogi nang mga iniidolo nila. Oo, pogi ako. Pero mas pogi yung limang lalaki na pinakita niya.

My Girl (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon