Prologue

4 0 0
                                    

Kaibigan ko sya. Kung baga ay boybestfriend ko sya. Pinakamalapit na lalaki sa aking buhay. Na kung minsan ay napagkakamalang may salitang "KAMI" sa pagitan naming dalawa. Oo. Sweet sya.

Sweet sya na para bang para kaming couple na nagmamahalan.

Sweet sya. Mas malapit sya at sweet sya sa akin. Nagpapakita sya ng motibo na may lihim syang pag tingin sakin. Nagpapahiwatig ng pag mamahal. Subalit akala ko lng un. 

Di nya ko mahal. Ni gusto, ni gatiting na konting pagtingin manlang. 

Wala.



Masakit isiping di ka nya mahal. Ung tipong lahat ng pinapakita nya ay wala lng pala at di mo dapat bigyan ng pansin at motibo. Ung tipong dapat pinigilan mo na lng na wag mahulog sa patibong na kanyang kinalat sa paligid mo. Patibong na nag paibig sa iyo. Mga bagay na pinapakita nya ay di kasinungalingan ngunit dapat di ka nagbaka sakali na totoo ang nasa isip mo.

Dapat pinigilan ko noon pa. Yung mga araw na wala pa kong nararamdamang pagbilis ng tibok ng sutil kong puso.

Dapat di itinatak ng suwail kong utak na ang lalaking mahal ko ay mahal dn ako. Masakit. Masakit dahil ung mga motibong pinapakita nya ay di nya pala kayang panindigan. Ung tipong pafall pero di ka nmn sasaluhin. It's unfair right? Kung di mo kayang panindigan ang ginagawa mo, di mo nlng sana sinasakatuparan. 

Ako nga pala si Blaire Cleo Gray. Mayaman, matalino, maganda, may masayang pamilya, madaming mapagmahal na kaibigan. Halos lagpas na sa perfect. Pero sabi nga nila. Nobody's perfect. lahat tayo may kapintasan, lahat satin may kulang. Ang buhay ko ay napuno ng lungkot nong nakilala ko sya. Na kung saan sya ay kababata ko.

Ako si Blaire Cleo Gray, at mahal ko si Iverson Greed O'Brien. Ang boybestfriend ko, childhood friend at ang pinakamamahal ko.

May pag-asa kaya na mahalin nya dn ako? O mag papakatanga lng ako sa kanya? may pag-asa kaya na ang pag-mamahal ko ay maglaho at makahanap ng iba? O ang pagmamahal ko ay magpatuloy hanggang sa ikabaliw ko na? 

May pag-asa ba na suklian nya ang pagmamahal ko ng pagmamahal nya??

Tunghayan ang aking storya na tungkol sa aking buhay at pag ibig. Subaybayan ang aking lovestory, na madaming lungkot, pasakit, kasiyahan, at galit





*******

HI GUYS! THIS IS MY 2ND STORY. 

ITO PONG ISTORYANG ITO AY TUMUTUKOY SA EXPERIENCE NG AUTHOR. BUT SORT OF LNG, DI NMN LAHAT. MOSTLY YUNG MGA PANGYAYARI SA STORY NA ITO AY GALING LNG SA IMAGINATION KO.. UN LNG.. SOOOOO............ ENJOY READING!!!

<3 <3 <3

Failing InloveWhere stories live. Discover now