Chapter 3: Napkin4 ducking days had pass pero yung punyetang lalake parin at monologue niya yung tumatak sa magandang brain ko
Tinusok ko yung mani ng tinidor ko at nahati lang ito sa dalawa, inulit ko ulit at ganoon parin ang nangyayare kaya ibinato ko na lang yung tinidor ayun, sumiksik sa singit ni yaya roang.
"Azaea, umayos ka. " Mariing sabi ni mama
"Opo ma" Bumuntong hininga ako at umunat sa sofa bago napiling humiga sa lap ni mama
"Mother, bakit mas maganda ako sayo? " Inosenteng tanong ko
Tinitigan ako ni mama at walang pag aalinlangan na binunutan ng buhok sa ilong
"Bwiset kang bata ka, kung di dahil sa maganda kong egg cell di kamabubuhay! " Sigaw niya sakin
"Corrections ma, similya ni papa"
"Bakit? Tingin mo ba nak mabubuo ka kung di tinanggap ng egg cell ko yang butete ng papa mo? Diba hinde?"
"Ay taray mother" Sabi ko na lang at tumitig sa bintana kung saan makikita ang pagbagsak ng naglalakihang tipak ng ulan
"I miss dad" I whisper, and I wish he heard me.
"Your dad miss you too anak" Bulong na lang din ni mama, taray talaga, sabi ko sana si papa makarinig, hindi si mama chaka.
Ganto, ganto kami ni mama, pag trip namin mag englishan, nag eenglishan kami pero kung hindi, malamang bumubuga ng apoy yan si mama habang nagtatagalog.
Pero kahit ganto, masaya ako, pero alam kong mag kulang kasi wala si papa, nasa out of town meeting si papa kaya wala siya dito, parang di kumpleto, kulang kasi nambabara sakin tuwing may sasabihin ako eh, pamilyang barahan ang tema ng mga donovan.
"Ma, nag hugas ka ba?"
"Huh? Bakit naman?" Maang ni mama
Bumangon ako at tumayo para i-ready ang saril ko "Amoy patis kasi" Tapos nginuso ko pa yung baba niya sabay takbo paakyat sa kwarto ko
"AZAEA DONOVAN! " Sigaw ni mama sa baba
"I love you too ma!" Sigaw ko pabalik at ni lock na ang pinto
Humiga ako sa kama at nag talukbong ng kumot, pasalamat na lang ako at makapal tong kumot na to, sobrang lamig kasi ngayon gawa ng patuloy na pag ulan, sabi sa Pag- Asa aaliwalas ang panahon ngayon, sabi na eh, wag aasa sa pag asa kasi tao lang din ang nasa likod nila, mga nagkakamali din.
Tinaggal ko ang pagkakatalukbong ko at tumitig sa kawalan
"Hay azrael ko, bakit ba binibigyan mo ako masyado ng atensyon? Kinikilig ako di mo ba alam? Punyeta ka kahit siguro sandamakmak na death threats ang ibigay mo saakin hindi ako matatakot eh! Bwiset kinikilig tumbong ko sayong hilaw ka! "
Para na akong tanga, kinakausap ko yung sarili ko "Azaea talagang bibigyan ka niya ng atensyon, ganyang kaganda ba naman makita niya eh? Malamang papansinin ka niya, ang nga dyosang kagaya mo pinapansin ng mga lalakeng katulad niya diba? Woot takte putakte ka azrael just let me love you and I will do everything just for you! "
KINABUKASAN dere-deretso ako sa cr at nag hilamos staka toothbrush, 'di naman ako kagaya ni alexa na baboy talaga pagdating sa pangangatawan at pati pag to-toothbrush kinatatamaran kaya ayun madami ng tinga, sagana pa.
Binuksan ko ang laptop ko at pumunta sa site kung saan sila ang nag ha-handle sa grupo nila azrael na 'Beast' Munggago lang no? Bakit beast napili nila eh ang popogi kaya nila, nagtatanong ka ako kung nangangailangan pa sila ng isang myembro kasi baka kailangan nila ng beauty para naman yung pangalan na ng grupo nila eh 'Beauty and the beast' What a good idea azaea! You're so brilliant!
Nag scroll pa ako hanggang sa mapadpad ako sa ikatlong post nila
"Hiring for beast's personal assistant, if you're interested just pm our site and we will respond immediately as fast as we could"
At dahil maganda ako, hindi ako nag pm sakanila kasi balak kong dumeretso sa building nila para doon mismo mag pa interview
Nag suot lang ako ng high waist na pantalon na hindi umabot sa sakong at tinernuhan ng peach na crop top na may serendipity 'ng tatak tapos Gucci'ng nude na sapatos
PAGKAPASOK ko dumeretso na ako sa room kung nasaan ang manager nila at walang katok katok na pumasok, oo nga pala, kabisado ko na 'to halata naman sigurong stalker ako at pati ito alam ko diba?
Nadatnan ko sa loob ang pahigop pa lang na manager nila at halat dito ang gulat sa biglaang pag pasok ko. Bata pa ito, siguro'y sa wari ko mga tatlong taon lang ang agwat namin ng manager nila, maaga itong ipinahawak sakaniya ng mga magulang niya, ang dyosang katulad ko lahat alam 'to.
Nginitian ko siya, yung ngiting pang inosente at inilagay sa likod ng tenga ang iilang takas kong buhok bago umupo
"Pwedeng umupo?"
Kinunutan niya ako ng noo at tiningnan mula ulo hanggang tuhod kasi hanggang doon lang naman kaya niya alangang tumuwad pa siya sa lamesa niya para lang silipin yung paa ko
"Ay sorry nakaupo na pala ako hehe" Napakamot ako sa baby hair ko at inilahad ang kamay ko sakaniya
"I'm Azaea Donovan, I'm here to apply for beast's personal assistant " Nakangite kong sabi
"Miss, if I'm not mistaken, pinasabi kong through pm na lang ang mga applicants" Ibinaba niya ang tasang hawak niya at mataman niya akong tiningnan
"Oo nga po, pero mawalang galang na, yung muta niyo po 'di ko tinanong kung bakit meron pa rin sa mata niyo eh halos mag a-ala una ng hapon kaya wala po kayong karapatan na kwestyunin ako in english kasi nasa pilipinas tayo" Magalang kong turan at ibinaba na lang ang kamay na hindi naman niya ata balak na kamayan, nag ethyl alcohol pa naman ako tsk
Kinapa niya naman ang mata niya sa pag aakalang meron talaga "grabe uto uto pala manager nila?" Bulong ko sa sarili at tumagilid bago ulit siya harapin at tumikhim
"Wala po talaga kayong muta, joke ko lang yun"
Para namang nainis siya sa sinabi ko at dali daling kinuha ang telephone sa side niya "Hello, this is dane, gusto ko lang ipaalam na may nakapasok na baliw sa-" Nataranta naman ako agad kaya sa pagmamadali kong di niya makumpleto ang sasabihin niya ay kung ano na lang ang maikuha ko sa bag ko ay isinalpak ko sa bunganga niya sabah hablot sa telephone na hawak niya at staka ibinaba ito
"Umf! "
Tiningnan ko siya at nanlaki ang mata ko, tinanggal ko ang pagkakasalpak sa bunganga niya
"What the hel-" Bigla siyang napatingin sa bagay na isinalpak ko sakaniya at nanlalake ang matang tiningnan ako pabalik ulit sa bagay na yun, wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko na lang
"NAPKIN? REALLY!? HAHAHA" Sarcastic siyang tumawa at parang masisiraan na ng bait
Kumuha na lang ako ng papel at isinulat ang number ko dito "Basta nag a-apply ako, kuhanin niyo ako magaling naman ako sa lahat ng baga, kaya kong mag hugas basta kutsara lang. Kaya kong maglaba, basta panyo lang. Kaya ko ding mag buhat, basta magaan lang. " Tapos ay umalis na ako at patakbong tinungo ang daan papuntang pintuan ng room na iyon
Sinasabunutan ko ang buhok ko sa inis "Ayan! Tanga tanga tanga! Baka di ka na kuhanin non azaea! Naman! Bakit ba kasi napkin yung naisalpak ko sa bunganga ng manager nila? Ano na lang sasabihan ng iba kung sakali mang makita nila yun? Ano? Yung hot na manager ng beast pinasakan ng isang napkin ng magandang babae!? Jusko azaea alam ko namang maganda ka pero argh!"
Alam kong pinagtitinginan na ako dito sa labas pero wala akong pake, sobra pa dito yung nangyare kanina, lapitin talaga ako ng mga gulo eh!
Pasakay na ako sa taxi ng may marinig akong speaker at may magsalita dito na boses ng isang babae
"To ms donovan, please go back tomorrow and start your work, thank you"
I'm dead, but alive yet emotionally dead.
YOU ARE READING
Fangirl
Teen FictionWill being a fan girl who admire her bias from afar is what she just really want? What if she step at the path azrael's stepping too? Will azaea grab the opportunity?