This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are product of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.______________
Lee Anne P.O.V
"Okay, Class Dismissed!"
Hayss! Tapos narin ang English Subject.Bumalik ako sa proper seat ko at umupo dala-dala ang bag ko at Notebook sa English.
Magsusulat sana ako ng love letter sa Diary ko nang maalala kong naiwanan ko pala iyon sa bahay.
Hayss! Bakit kasi late na akong nagising?
Kinuha ko nalang ang English Notebook ko at doon na lamang nagsulat. Sinulat ko ito sa sunod na pahina katabi ng lesson namin kanina. Wala namang makakakita nito eh.
Dear Kurt Revena,
Alam mo bang crush kita, ay hindi! Mahal na pala kita. Alam mo bang lagi kitang pinagmamasdan tuwing dumadaan ka sa room namin. Sayang nga eh, hindi tayo magkaklase. Yun lang! I LOVE YOU!-Lee Anne Hernandez
Hinalikan ko muna ang sinulat ko at akmang ibabalik na sa bag ko nang tinawag ako ng Bestfriend ko.
"Lee Anne si Kurt nandito!"
"Nasaan Aljane!?"
"Ayun oh!" sabay turo niya sa may pinto.
Pinagmasdan ko naman si Kurt sa may pinto.
Hay, ang gwapo talaga niya.Gwapo na nga, maputi, matangkad, matalino at mabait pa.
"Excuse nga po sa President! Pahiram daw po ng Notebook sa English si Ms. Candy! Yung tapos daw po sa Lecture."
"Nako Lee Anne, akin na Notebook mo."
"Oh sige, ito" sabay abot ko sa kanya ng aking kwaderno.
Magdidiwang na sana ako nang makuha na ni Kurt ang Notebook ko dahil nahawakan niya ito, nang maalala ko na doon ko pala sinulat ang letter ko.
"HINDE!!!" wala na akong magagagawa at napapaluha na lamang sa sobrang kaba. OA diba.
"Okay ka lang Bess?"