Kristen's POV
Bad mood ako those days,pero bumabalik ang pagiging bad mood ko. Lalo na't may dumating na namang malas sa bahay namin. Simula nang mawala si Mama,nawala na rin sa puso't isip ni Papa na may responsibilidad pa siya ditong natitira.
"Anak,kain na." Tawag niya. Pero hindi ako namamansin kahit magkakalyo na ang mga daliri niya at mamaos na kakatawag saakin at kakakatok."I've cooked your favorite---"
"Kumain na kayo. Wala akong ganang humarap sa step ko. Nakakabanas..." Sagot ko. Ilang saglit pa'y nawala na rin ang presensyia niya sa may pintuan. Kahit na gutumin ako't hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw,kakayanin ko. Basta huwag lang makaharap ang step ko sa harapan ng hapag.
Ilang oras rin akong nagkulong at nagmukmok sa kwarto. Nang makaramdam ako ng kirot...kirot sa tyan. Nagugutom ako.
Bumaba ako at dahan-dahang dumiretso sa kusina. Nasa pathway pa lamang ako'y naaamoy ko na ang adobong manok. Kaya napatakbo ko bigla. At sa hindi nga namang inaasahan,malas pa...nakasalubong ko si...Step na may hawak na palangganang may lamang gata...
Naibuhos saakin ang laman nito't naging bato sa kinatatayuan. Kita ko rin ang ekspresyon ng Step ko...gulat at kagat-kukong nanginginig. Hindi ko pa kasi nakikita at nakikilala ng husto ito. Kaya kailangan ko muna siyang kilalanin.
"Sorry..." Nanginginig na usal nito. Pero ako,pigil galit. Baka makasapak ako ng bata. Ayoko pa namang nananakit dahil baka bumalik saakin.
"Kristen." Sabi ko at niyakap siya. Nandiri siya,alam ko. Pero ito na lang ang tanging igaganti ko.
"Genesis...po---"
"Ate na lang..." Putol ko. Kumalas na ako sa pagkakayakap. Kunwari lang iyon. Malay mo,dahil sa ganito lang ang way ko,mas madali ko siyang magagantihan kung sakali man..
"S-sige...Ate kong maldita't haliparot!" Sigaw niya saka ako tinakbuhan...anu daw? Maldita't haliparot! Lagot kang animal ka!
"Gago to! Sige,mamatay ka na sana! Sana nga!" Banta ko. Ayoko kasing patulan ang ugok. Kawawa naman ang hayop pag nagkataon...haha!
May pasok na naman kami bukas. Hindi ko na nagawang makapagsimba dahil sa biglaang pagdating ng mag-amang ito. Kunsimisyon.
Monday....
Nasa hallway na ako...naghihintay kay Xyrus. Madalas kasi,siya ang naghihintay saakin. Pero di ko alam ang dahilan kung bakit siya late pumasok ngayon.
At ayan na...paparating na. Malayo pa lang,naaamoy ko na ang pabangk niya. Mabango't manly talaga ang pabangong iyon. Parang gusto kong bumili at ganon na lang ang pabango ko.
Naglalakad na kami sa hallway papuntang section ko. Oo,magkaiba kami ng section. Section C siya,ako naman sa A.
"Nga pala,natanong saakin ni Miss Kyla kung may kilala daw kaming magaling at marunong sumayaw..."
"Oh,tapos?".
"Kung pwede sana..."
"Ako? Oo...ba't ang aga mo namang pinaalala...kailan ba gaganapin iyan?"
YOU ARE READING
He's Seriously Crazy Trainer
General FictionWalang tatagal na miyembro sa isang dance club dahil sa kagagawan ng isang Trainer. About 500 students na nagregistered sa club na ito,yearly,wala ni isang natira. Lahat,sabog ng laman loob o 'di kaya'y ang kanilang utak.. Mababago pa kaya ito?