Chapter 1

1 0 0
                                    

"Acxel France Salcedo!" sigaw ko. Nakita ko si acxel na nagtatago sa ilalim ng lamesa sa kusina. "Don't make me repeat myself Acxel you know what will happen!"

Nakita ko syang umiiyak na lumabas sa  pinagtataguan nya. Wala pa kong ginagawa pero umiiyak na sya. "What did you this time?" medyo galit na tanong ko sa kanya.

"Mommy *hik* i didn't mean to do it mom. *hik* it was an accident i don't know he's there mom. Sorry mommy" umiiyak na sabi nya saken. Nakakaawa naman tong baby ko. Umupo ako at hinawakan ang mukha nya para punasan yung luha nya. Si acxel ang bunso sa kambal.

"Baby stop crying na okay. Kakausapin ko lang si kuya tas tatawagin kita para makapagsorry ka na sa kanya ha? Say sorry to kuya okay? Cheer up baby. Mommy and kuya love you. So stop crying." Pagaalo ko sa kanya. Niyakap ko sya tas hinalikan binuhat ko na den sya at inupo sa sala para punasan at tumigil na sa pagiyak.

"I love you mommy" bigla nyang sabi at niyakap ako. "And i love you more baby bunso" hinalikan at iniwan ko na muna sya dun sa sala at pinuntahan yung isa ko pang anak sa kwarto namen.

"Hackx" tawag ko sa baby kuya ko. Nakita ko syang nakaupo sa kama't nakayuko mugto ren ang mata halatang galing sa iyak. "Baby kuya okay ka na? Si baby bunso umiiyak den dun sa baba parehas kayo namamaga den yung mata nya. Umiiyak sya dun kase daw nasaktan nya yung kuya nya baka daw hindi na sya mahal kawawang bunso." Nakita ko syang natigilan at napatingen saken kaya tinitigan ko den
sya.

"Mommy *hik* you know that is not true. I love you and baby bunso *hik*" niyakap nya ko habang umiiyak sya.

"I know baby kuya. Baba na tayo baby kuya? Naku baka hindi na makahinga si baby bunso sa kakai--" napangite naman ako kase tumakbo na yung anak ko palabas ng kwarto.

Nang dumating ang kambal sa buhay ko yun na ata ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko. Sila ang naging stress reliever ko sa trabaho at sa pagaaral ko noon. Wala sa pangarap ko noon na mabuntis ng maaga. Nabuntis ako nuong 4th year college ako. Nasa second semester na ko ilang buwan na lang magtatapos na ako. Ang nakaraan kong napakahirap balikan. Naputol ang pagmumuni muni ko ng marinig kong sumigaw ang anak ko. Mukhang nagugutom na sila.

"Mommy I want adobo."
"No! Mommy I want hotdog"
"No adobo mommy"
"Hotdog mommy!!!"

"Hey stop it. We will eat menudo for dinner. No adobo and hotdog that was your punishment." Paburito kase nila yung hotdog at adobo pero bihira naman silang magparehas ng gusto. Si Acxel ang mahilig sa hotdog at si Hackx naman ang sa adobo.

Patapos namen kumaen nilinisan ko na yung kambal at pinapasok sa kwarto para matulog. Tinitigan ko sila habang natutulog. Ako ang nagdala sa kanila pero hindi naman ako ang naging kamukha nila although may nakuha naman sila saken pero karamihan nakuha nila sa tatay nila. Nakakasama talaga ng loob. Limang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon parang sariwa paren saken ang lahat. Lalo na't hindi ko talaga sya basta basta maalis sa isipan ko dahil parang nakikita ko sya sa mga anak ko. Winaksi ko na sya sa isip at pinilit na makatulog.

~

5 years ago

"Francine anak bumaba ka na dito at kumaen ka na malalate ka na" sigaw ng mama ko sa baba. Nagmadali na ako ng kilos dahil baka mahuli pa ako sa klase. Bago pa namang eskwelahan yung papasukan ko. 3rd year college na ako sa kursong business management pangarap ko kaseng magkaroon ng negosyo. Pagbaba ko nakita ko si mama na naghahain na ng agahan andun na den si papa.

"Good morning ma" humalik ako sa pisnge nya at dumeretso kay papa para humalik den. "Pa" at umupo na den ako. Masasabi kong hindi naman kame mahirap at hindi den mayaman nasa average life lang kame. May kanya kanya kaseng trabaho sila mama at papa. Plus may mga kapatid den ako na nasa ibang bansa at nagtatrabaho. Ako kase ang bunso sameng tatlong magkakapatid.

"Mama Papa alis na ko baka mahuli pa ako sa klase ko."
"O sige anak magiingat ka ha? Pag-igihan ang pagaaral"
"Sige ma"

Sa isang private school ako nagaaral yung eskwelahan para sa mga anak ng may mga negosyo. Sila kuya, mama at papa kase ang may gusto na dito ako mag-aral tutal naman daw magtatapos na ako at maganda naman ang grades ko. Pumayag na ako tutal sila naman magbabayad ng tuition. Tinanggap naman nila ang mga credentials ko tutal galing den naman ako sa semi private na school.

Yung mga ibang studyante napapatingen saken. Pano kase halata mong bago ako. Ako lang kase na ang nakapang Civilian. Pagkakita ko ng classroom ko eh kumatok na ako at nagsabi na ako yung bagong student. Maayos naman akong tinanggap sa klase ko.

"Hi! Ako nga pala si Maxine Colins" pagpapakilala ng katabi sabay abot ng kamay.
"Francine Salcedo" nakipagkamay den ako.
"Welcome nga pala sayo dito sa school namen"
"Salamat." nakangiting sagot ko.

Matapos ang klase niyaya ako ni Maxine na sumabay na sa kanya kumaen at ipapakilala nya daw ako sa mga kaibigan nya.

"Francine eto nga pala yung mga kaibigan ko si Shaira Choi at si Andrea Blasco" pagpapakilala nya. Si Shaira halata na may dugong chinese may pagkachinita kase at maputi. Si Andrea naman may pagkamorena hindi naman sobrang morena medyo lang. Si Maxine kase halata mong may pagkabanyaga ang dugo maganda at maputi matangos den ang ilong.

Matapos ang buong klase napagpasyahan kong lumakad lakad muna sa buong eskwelahan at dadaanan ko na den ang uniform ko.

Worth The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon