New Tomorrow

19 0 0
                                    

Respect begins with repect.

Sana po atin atin lang ang story nato. Ownership is a right and plagiarism is a crime.

Enjoy reading!

by: moonoversunshine25

Comment po pag may time!!! :)

All Rights Reserved

One year have passed pero hindi pa rin ako makalimot.

One year kong pinilit pero masakit parin.

One year of grief, heartache and loss.

Gusto kong paniwalaan na panaginip lang ang lahat, na isang malaking bangungot lang ang pagkawala mo.

Masakit paring isipin na ang taong pinakamamahal mo, ang taong gusto mo na sanang makasama sa hinaharap ay bigla nalang kunin sayo.

Araw-araw akong pinapatay ng pagkawala mo, araw-araw akong nagdalamhati.

Bumalik ka naman oh, please? Nagmamakaawa ako.

Ibalik mo sya sa akin, parang awa nyo na...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1 year ago...

Sa labas ng sinehan...

“huhuhuhu..... By!!!! Bakit ganun? Bakit namatay silang dalawa??!! Nakakainis naman eh!”, reklamo ko habang hindi parin maka get over sa movie na Transcendence ni Johnny Depp.

“By naman eh, movie lang yan. Huwag ka nang umiyak. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak diba kahit anong reason pa yan. Tahan na. Pero diba nga, kahit nagkaganun, in the end they were together parin kahit masaklap nga lang ang ending ng buhay nila. Kung irereview natin ang wedding vows ng couple, diba nga sabi dun, ‘till death do we part’, so kahit na ganun, dapat maging masaya ka pa nga dahil hanggang sa huli, sila pa rin ang nagsama.” Pagpapatahan ng boyfriend ko sa akin.

Di ko yata ma imagine if ever may mawala sa aming dalawa. Naku, forever grieving yun. Buti sa movie at parang nabuhay pa si Johnny dun pero in real life, it’s really impossible, i guess. Hindi ko kayang mawala si by sa buhay ko, promise.

2 years na kaming in a relationship ni Gary Olivar. Going strong ang relationship namin at alam kong kami na talaga in the end. Eeeeeeeh!!! Kinikilig akong isipin yun!!! – Mrs. Margarette Uy Olivar, oh diba??!!! Swak na swak!! Haha!!!

In fact, 2nd year anniversary namin ngayong araw na to. Isa lang tong movie watching sa itinerary namin ngayong araw na to. Pinaghandaan talaga namin to. Since it’s Friday, umabsent pa talaga kaming dalawa sa work just to celebrate this special day of ours.

Gary and I have been friends ever since college. Pareho kaming business ad ang kinuhang kurso. At first, hindi pa talaga kami masyadong nagpapansinan, ganyan naman talaga siguro pag bago pa pero ewan kung sino ang unang nakipagkaibigan sa aming dalawa pero ever since that unfaithful day sa cafeteria -sa katangahan ko ay nadulas ako at lahat ng binili kong pagkain ay nabuhos lahat sa akin, describe ewww. Pinagtawanan ako ng lahat pero siya lang ang hindi. Tinulungan nya ako nun at dun na nagsimula ang friendship namin hanggang na develop  at eto nga kami ngayon, 2 years na!! Woooh!!! :D

“Oo na. Alam ko naman na fictional lang yun pero natamaan talaga ako ng movie eh. It was made really well and i salute the director for making me cry like this”.

“haha!!! Nakakatuwa ka talaga by. Sige na, tahan na. Since were done movie watching, mag dinner na tayo. Nagutom ako dun sa loob eh, 2 hours din tayong nanood. Ano by, let’s go? Ok ka na?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

New TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon