Cycle 03: Bad Day!!!

15 3 1
                                    

Lexi's Pov

Arghhhhhhh!!! Nakakainis!!! Nakakainis talaga pag mumukha ng brown hair na yun!!!!!

Kasalukuyan akong nag lalakad papunta sa Cr pa din kasama si Ianna na busy sa pag lalaro ng.... CANDY CRUSH NA NAMAN!!!!!

Tinignan ko ng masama si Ianna matapos kong ayusin ang bag ko. Naramdaman naman ni Ianna na masama ang tingin kaya tumigil siya sa pag lalaro ng lintik na CANDY CRUSH NA IYON!!!

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Sabi niya.

"Hirap na hirap nga ako dito! Tapos ikaw nag lalaro lang diyan?! Tapos hindi mo pa ata alam ang nang yari kanina?!" Sabi ko naman sa kanya.

"Huh? Ano bang nangyari kanina?hehe^_^" Tanong niya sa akin.

Napasampal na lang ako sa sarili kong noo, kaibigan ko ba talaga to???!

"Hays, Ewan ko sayo! Tara na nga sa Cr! Kanina pa ako naiihi naman eh sasabog na kaya ang pantog ko!!!" Sabi ko sabay hila sa kanya.

Pag pasok ko sa Cr ay walang tao! Kaya nag madali na ako na pumasok sa isa sa mga cubicle.

Habang ako ay naihi ay narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto.
Hayy salamat at tapos na!

Tumayo ako para buksan ang pinto ng cubicle at silipin ang pumasok! Para akong masusuka sa nakita ko! Yuckk!

NAKAKITA LANG NAMAN AKO NG DALAWANG BABAE NA PARANG COLORING BOOK YUNG MUKHA!!

Pero napatigil ako sa narinig dahil sa kanilang pinag uusapan.

"Nakita mo ba yung transferee? Ang ganda niya pero mas maganda pa din tayo! At hindi ako papayag na sisigawan niya lang si Fafa Zach natin!" Sabi ni Coloring Book 1.

Atsaka sino kaya yung transferee na yun? Atsaka yung Fafa Zach daw? Seezz. Ang laswa! Kadiri!

"Kaya nga beshie kala mo kung sinong maganda!" Sabi naman naman ni Coloring Book 2.

Lumabas na yung dalawang Coloring Book na yun! Nag chismisan lang naman sa Cr pa!

Lumabas na din ako ng Cr kasi male-late na kami! Baka sabihin nila ay ke-bago bago namin eh pa late late kami! 

Paglabas ko ayun si Ianna nakapasak na naman ang headset sa kaniyang tenga at! NAG LALARO NA NAMAN NG FAVORITE NIYANG CANDY CRUSH!!

"Hoy! Ianna tara na late na tayo eh!" Sabi ko, at aba! Hindi ako pinansin!

Pinalo ko siya ng malakas sa pwet niya at agad nawala ang atensyon nya sa lintik na candy crush na iyon!

Tinignan niya ako ng masama. "Aray naman! Oo na eto na po kamahalan!"

"Anong tinitingin tingin mo diyan? Tara na nga" Sabay hila ko sa kanya.

"Aray! Dahan dahan nga lang Tsk! Kala mo naman hindi ako susunod eh" Sabi niya.

Nakarating na kami ng room buti na lang wala pa yung teacher, pag nag kataon nako baka sa labas kami nito, eh transferee naman kami!

"Saan tayo uupo?" Sabi ni Ianna.

"Baka po sa upuan-,-" Bagot na sabi ko sa kanya.

"High blood agad? Diba pwedeng gamitin yung commonsense? I mean saang part? May likod, unahan at gitna? You know" Sabi niya. Nakoo! Ayan na naman yung mood swings niya.

"Oo na! Tara na sa likod" Sabi ko agad naman siyang sumunod at buti na lang MAY DALAWANG VACANT DOON ^___^

"Eto dito tayo, dun ka sa kabilang dulo gusto ko dito sa tabi ng bintana" Sabi ko sa kanya.

"Ano pa bang magagawa ko? Eh hindi na bago sa akin na lagi kang sa tabi ng bintana" Sabi naman niya, oo nga pala hehehe.

Ang tagal ni teacher nakakabagot na, kaya umubob muna ako at iidlip sana kaso...

MAY LOKONG PADABOG NA BINUKSAN ANG PINTO!! KAYA NAGULAT AKO!

Hays hinanap ng mata ko kung sino yung walangyang iyon! Pero agad nag init ang ulo ko nung makita ko si KUYANG-KAYUMANGGI ANG BUHOK-NA SAKSAKAN NG YABANG. At kung minamalas ka nga naman kaklase ko tong lokonh 'to? Badtrip!

Nakita ko siyang papunta sa direksyon namin ni Ianna na masama ang tingin? Problema nito?

"Tabi" kalmadong sabi niya pero ma-otoridad. Tumayo ako at humarap sa kanya

"Bakit? Sayo ba 'to? Atsaka wala naman akong nakikitang pangalan dito ah?" Sabi ko sa harapan niya pero ngumisi lang siya, ANG PINAKA AYAW KO SA LAHAT.

"Hindi yan sa akin pero sinasabi ko sayo umalis ka diyan."

"Bakit ba dito ka uupo? Eh ang damk daming upuan diyan oh!"

"MARAMI PALANG UPUAN BAKIT HINDI KAYO DOON ANG UMUPO!!!?"

"ABA! MR. RED HAIR, BAKIT HINDI IKAW? AT BAKIT KA BA NANINIGAW? SINO KA BA HA?"

"Hala si ate gurl hindi niya kilala si fafa Zach? Psh"

"Malamang transferee yan eh, pero ang harsh naman niya"

"Kala mo ang ganda ganda psh yabang naman"

Ilan lamang yan sa naririnig ko na bulungan ng mga kaklase kong coloring book? Pft

Magsasalita na sana si Mr. Brown Hair pero inis akong umupo sa upuan na iyon na kinanganga nila? Anong meron?

"Sabi ko umalis ka diyan" inis na sabi niya.

"Saph tara na lang lumipat ng upuan dali!" Sabi ni Ianna na hindi ko pinansin.

"Psh yabang kala mo naman gwapo psh!" Bulong ko.

"May sinasabi ka Miss?" Sabi niya.

"WALA!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Tsk tsk tsk! Hindi mo pa nga pala ako kilala, pag bibigyan kita ngayon. At kayo" Turo niya sa mga kaklase namin na nanonood pala kanina pa. "Bumalik na kayo sa upuan niyo at parating na si Ma'am" kalmadong sabi niya atsaka umalis sa harap ko este namin saka pumunta dun sa upuan doon sa unahan.

Ayan na si Ma'am papasok na.

"Good morning class"

"Morning ma'am" bati nila pero ako nanatiling naka upo katamad eh!

"Okay please mag pakilala kayo dito sa unahan? Girls at the back?" 

Kami ba yun? Hays ayoko talaga ng nag papakilala. Perk no choice kaya tumayo na ako este kami.

Naunang nag pakilala si Ianna. "Hello po sa inyo, My name is Brianna Alexandria Brown
16 years old syempre hmm moody po ayun po. Sana po maging kaibigan ko kayo^___^"

"Ako naman si Lexi Sapphire Wright, 16 years old." Pagpapakilala ko atsaka umupo

Discuss

Discuss

Discuss

ANG BORING!

Break na. Yey! Gutom na ako Hehehe

Pumunta na kami sa canteen pero....

~♡

A/N: Sorry mga ka Pinkish natagalan sa pag a-update ang diyosa ninyong author HAHAHA hmm busy kasi eh alam niyo na hahaha.. hmm btw salamat sa mga sumusuporta dito sa story ko. Hehehe HartHart♡ hmm don't forget to comment and vote:) Sorry talaga busy talaga eh. Lablats💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love Cycle (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon