I

33 4 1
                                    

It's a nice weather. Clear skies with a sound of bird chirping. Just thinking about my situation, I'm already at my last school year as a college student. It's been so fast.

Naalala ko dati nagpapasa palang ako ng requirements para sa entrance examination ng paaralang ito. Ngayon patapos na ako. Napakabilis ng oras at araw.

"Klau! Tara na girl, bakit tulala ka dyan? 5 mins nalang dadating na si Prof. Sanchez!" nagising ako sa pag babalik tanaw ng marinig ko ang tawag sakin ng mga kaibigan ko.

Nandito ako ngayon sa school field, inaantay ang aking magagaling na kaibigan na laging late.

"Kasalanan ko bang late kayo? Dapat kanina pa ako nandun sa room eh, ang kukupad nyo kasi!" inis kong tugon

"Sorry na Klau! Inantay mo pa din naman kami eh hahahaha" ani ni Dionne

Sa buong college years ko, mayroon lang akong dalawang kaibigan. Si Dionne at si Frances. Sila na ka buddy ko since first year kami. Close ko naman classmates ko pero mas sanggang dikit ko silang dalawa.

Isa to sa natutunan ko sa college. Di man marami yung kaibigan na meron ka, atleast meron kang kaibigang totoo. Madami nga pero di ka naman sigurado na lahat yun kaibigan ang turing sayo.

Nakarating na kami sa harap ng elavator ngayon. At ang haba ng pila.

Napasapo ako sa noo "At ayan na nga po, mahaba ang pila sa elavator. Tara na at mag hagdan! Baka makasabay pa natin si Prof. Sanchez. Tara na dali!" sabay hatak ko sa dalawa.

"Wag na mag hagdan Klau! Nakakapagod kaya! Fifth floor pa tayo girl!" reklamo ni Frances

"Wag na kayong mag reklamo, late naman kayo parehas kaya tara na. Kung sinimulan na natin maglakad siguro nasa first floor na tayo diba" sabay hatak ko sa kanila

Dali dali kaming tumakbo paakyat ng hagdan. Bakit ba kasi nasa fifth floor yung classroom namin sa subject na 'to?

Dito pala sa school namin, wala kaming permanent room. Kung saan mag rroom yung professor namin, dun kami papasok. At sa sobrang swerte namin, ang libreng classroom nalang ay ang nasa fifth floor. Well, sino ba naman ang may gusto na sa pinakataas na floor ka magkklase? Nakakapagod kaya!

Sa wakas nakarating na kami sa room at wala pa si Prof. Sanchez. Umupo kami sa unang row kasi bida bida kasama ko. Fyi, ako lang ang introvert sa aming tatlo. Di ko nga alam paano ko naging kaibigan tong dalawang to eh.

Di pa man kami nakakaupo chumika na agad si Dionne sa harap ng klase "Uy guys grabe! Last year na natin ngayon! Mamimiss ko pagmumukha niyo! Hahahahaha" sabi neto

"Mamimiss namin yung kadaldalan nyo Dionne! Hahaha si Klaudeen lang yung naiba sa inyong dalawa eh!" sigaw ng kaklase namin

Block section pala kami. Meron lang kaming mga nagiging kaklase sa ibang subjects galing sa ibang course na may back subjects.

"Di ko nga alam paano ko naging kaibigan 'tong mga 'to hahaha" sagot ko sa kaklase ko.

Maya maya biglang bumukas ang pintuan at iniluwa neto si Prof. Sanchez.

Biglang kaming tumahimik at nagsi-ayos ng upo. Si Prof. Alex Sanchez, isa sa pinaka kinakatakutan naming propesor. Ilang beses na nya kaming naturuan pero nakakatakot pa din siya. May matututunan ka ng sapilitan ganon. Kasi kakabahan ka every class niyo kaya kailangan mo makinig. Laging may recitation. Kahit first day may recitation.

"Good morning class! Tignan nyo nga naman pa-graduate na kayo! Eh kung ibagsak ko kaya kayo para magkita kita pa tayo ulit? Hahahahaha" biro ni sir

"Sir si Caleb daw po, magbabasketball nalang yata di na mag aaral" pang gatong ng kaklase ko

"Uy di sir ah! Mabait kaya ako, nagbago nako sir hehe" sagot ni Caleb

Nilapag ni sir ang sling bag na lagi nyang dala "Ikaw puro ka ball is life eh, gawin mo yan sakin ngayon di ka ggraduate sinasabi ko sayo. Last sem puro ka absent, pinagbibigyan lang kita kasi akala ko magbabago ka na at naaawa ako sa magulang mo. Gawin mo yan ngayon tignan natin kung aakyat ka ng naka toga sa stage." pangangaral nito

Ganito talaga si Prof. Sanchez. Lagi nyang kabiruan ang mga kaklase kong lalaki. Para siyang tatay namin na strikto. Gusto niya bago ka umalis sa klase niya may natutunan ka.

"Ay sige na. Wala naman nag drop sa inyo ano?? O baka meron? Kokotongan ko, isang taon nalang tsaka pa mag ddrop." tanong nito

"Wala po sir" sagot namin dito

"Sige dahil wala, nasa akin pa din ang class cards niyo. Ang subject natin ngayong sem ay Philippine Government. Pucha ilang taon niyo na akong prof pag kayo wala pa din nasagot sa akin kukutusan ko kayo talaga. Paulit ulit lang 'tong tinuro sa inyo. Sa lahat ng subject nadadaanan niyo ito ah."

Kinalabit ako ni Frances "may recit yata ngayon dzai! Di ako nag advance reading! Nag inuman kami kagabi jusko! Tulungan mo ako ah" bulong nito

"Paano kita matutulungan eh nasa harap tayo umupo. Hay nako. Dapat nagbabasa ka pag si Prof. Sanchez na. Di ka na nasanay" sagot ko rito

"Kinakabahan ako Klau!" bulong sakin ni Frances na may kasamang pagyugyog

Biglang napatingin samin si Prof. Sanchez

"Aba, bakit kayo nag bubulungan diyan Ms. Devan? Anong meron? Tumayo ka." Dali daling tumayo si Frances sabay bulong sakin ng 'shit I' m doomed!"

"What type of government does the Philippine have?" tanong neto habang hinahanap ang pangalan ni Frances sa Class Cards

Tumingin sakin si Frances, humihing ng tulong "Ano sagot?" bukambibig nito

Sinulat ko sa yellow paper ko ang sagot at pinakita sa kanya.

"Uhm... Philippine has a unitary presidential, constitutional and republic type of government, sir" tumingin sa kanya si sir

"Sigurado ka na ba dyan?" tanong nito

"Opo naman sir! Hehe" proud na sagot nito. Kala mo talaga nagbasa hahaha

"Sige maupo kana." wika nito at nagturo na

Napa buntong hininga si Frances "Tih, ginagawa mo? Hahaha bakit ka tinawag?" Tanong ni Dionne

"Niyugyog kasi ako nito kaya napansin kami ni sir, ayan tuloy napala niya" sagot ko rito

"Okay lang yun, nandyan ka naman eh hahaha" sagot ni Frances

Maya maya lang tapos na ang klase namin kay Prof. Sanchez. Nakakakabang dalawang oras din iyon.

Sabay sabay kaming tumayo at lumabas sa classroom. Meron pa kaming dalawang oras para sa susunod na subject.

Hinatak kami ni Dionne papunta sa Elevator "Tara labas muna tayo. Balik nalang tayo mamaya for our next class. Ano nga bang subject yun?" tanong nito habang pumapasok kami sa elevator.

Tinignan ko ang sched namin "Basic Accounting pala ang next subject natin tapos ang classroom natin ay sa EB 3005" sagot ko rito at sakto pag angat ko ng tingin pabukas na yung elevator nang nakita ko ang lalaki na nasa harap ko na nakatitig sa akin gamit ang kanyang golden brown eyes at mahahabang pilik mata na talaga namang magpapahinto sa pag galaw mo para lang matitigan ang kanyang magagandang pares ng mata.

Kung hindi pa ako hinatak ni Frances di pa ako makakagalaw sa kinatatayuan ko at baka matulak pa ako ng mga estudyante na nagaantay makapasok sa elevator.

"Tara na Klau, labas muna tayo" hatak sakin nina Dionne pero ang mata ko ay naka ugat sa papasaradong pintuan ng Elevator.

Sino siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EnchantedWhere stories live. Discover now