Si Ice Ang Batang Temporary

5 1 0
                                    

      Unang panahon may namumuhay na mag asawa sa isang kagubatan si maria at si karyo sila ay masaya kung anong mang meron sila ngunit isang araw napagtanto nila na hindi sila mag kaanak.
     Sa halip na panghinaan ng loob at sisihin ang may kapal na kung bakit sila'y hindi mag kaanak bagkus ito pa ang naging dahilan upang silay maging mas matatag sa pananampalataya sa may kapal. Isang araw habang nag tatanim ang mag aasawa na sina maria at karyo sila'y nakakita ng isang sanggol sa tabi ng puno sa halip na magalak sila sa sanggol bagkus sila'y natakot dahil ang sanggol ay nababalutan ng yelo na. Nag halo ang takot at kaba sa mag asawa ng makita nila ang sanggol kayat dali dali nila itong tinignan at kinuha upang tuklasin ang kahindik hindik na sitwasyon.
     Nang makarating sila sa kubo na kanilang tinitirhan nakita nila ang sanggol na wala ng balot ng yelo at itoy humuhinga na kayat laking tuwa ng mag asawa sa mga oras na yun dahil iyon lang ang kanilang pangarap sa buhay nila ang mag karoon ng sanggol na kahit hindi sa kanila nag mula at nang galing ito parin ay bigay parin ito nang may kapal. Nag halo ang takot at kaba sa mag asawa ng makita nila ang sanggol kayat dali dali nila itong tinignan at kinuha upang tuklasin ang kahindik-hindik na mesteryo na bumabalot sa sanggol na bumabalot sa sanggol na iyon. Nang makarating sila sa kubo na kanilang tinitirhan nakita nila ang sanggol na wala ng balot ng yelo at itoy humuhinga na kayat laking tuwa ng mag asawa sa mga oras na yun dahil iyon lang ang kanilang pangarap sa natitirang buhay nila ang mag karoon ng sanggol na kahit hindi sa kanila nag mula pinangalanan nila itong ice. Habang lumalaki si ice ito ay binubuo ng magagandang aral at tamang asal at itoy punong puno ng pagmahal galing sa kanyang mga magulang na sina maria at si karyo lahat ng kailangan at hilingin ni ice ay binibigay ng mag asawa na kung saan kung  bakit silay patuloy na nabubuhay. Walang nakitang kakaiba ang mag asawa sa batang iyun hanggang ito ay tumanda ng 7 taong gulang.
     Sa gitna ng pagdiriwang ng pamilya dahil kaarawan ni ice napansin ng mag asawa na si ice ay unti-uting natutunaw sa hindi malamang dahilan sa halip na matakot ang mag asawa bagkus, ay dali-dali nila itong niyakap at tinanong ang bata  "ano nang yayare sayo anak bakit ka natutunaw" walang magawa ang mag asawa kundi yakapin ito at sabihan ng mahal na mahal nila ang kanilang anak at ibinuhos nila ang kanilang oras kay ice sa mga araw na iyon upang maipada nila ang kanilang pagmamahal sa kahulihulihang patak ng yelong tunaw mula kay ice. Walang pinagsisihan ang mag asawa sa halip na kamuhiaan ang may kapal ay lubos parin silang nag papasalamat dito na kahit sa kaunting panahon ay naranasan nila ang maging  tunay namagulang.

Moral lesson: Hindi nasususkat ang tunay pagmamahal sa haba ng panahon kundi kung pano mo pinapahalagahan ang bawat minuto, oras at araw na kasama mo pa ang taong minamahal mo.

#Creative_Writing
#SNHS
#flash_Fiction
#maam_Dang
#final_Output
#educational_Purpose

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

si Ice Ang Batang TemporaryWhere stories live. Discover now