Salitang tumutukoy sa aming pagkatao
Pagkataong sinubukan naming itago
Sa mga taong lagi kaming hinuhusgahan
Na wala namang alam sa aming katauhanPanghuhusga ang sa kanila'y nangunguna
Sapagkat kami ay lagi nilang napupuna
Sa paraan ng aming mga salita't galaw
May mga salitang sa amin ay maipapatawHabang mga tawa nila'y humahagalpak
Mga luha naman namin ay nagbabadyang bumagsak
Lagi na nga lang bang sila sa ami'y ganito?
Hindi na ba talaga sila magbabago?Bakit ba lagi kami ay dapat na husgahan?
Sa paraan ng inyong mga kagustuhan
Wala naman kaming ginagawang kasalanan
Para sabihing kami'y salot sa lipunanPangatlong kasarian?hindi naman isang kasalanan
Para lagi ninyong sa amin ay mapuna't husgahan
Tao rin kaming may nararamdaman at karapatan
Sa puso naming naninindigan at nasasaktan
![](https://img.wattpad.com/cover/139806923-288-k82593.jpg)