Part 1

17 0 0
                                    


MI ULTIMO ADIOS

By: Alomia, Vince Deniel T.

Maaring bukas ako ay mamaalam na, nais kong magpasalamat at naging parte kayo ng aking buhay. Nais ko pa mang makasama kayo ng matagal, ngunit bilang nalamang ang aking oras sa mundo.

Para saking mga maiiwan nais ko kayong iwan ng maikling mensahe, ito ay mumunting pasasalamat lamang dahil naging bahagi kayo ng aking paglalakbay.

Ang una sa listahan ng aking pasasalamatan ay aking mga matatalik na kaibigan na sina Fatima, Max, Tristan, Kate, Tiano, Kathly at Carlo. Kung hindi dahil sainyo hindi magiging masaya ang aking buhay kolehiyo. Kahit na ako'y bagong lipat lamang sa CVSU kapag kasama ko kayo ramdam ko na matagal na akong taga-dito. Sainyo ko din naranasan ang magkaroon ng mga kaibigan na na nakakasama ko sa hirap at ginhawa, lungkot at saya, at mga hindi makakalimutang pangyayari sa aking buhay. Kung tutuusin nga kayo pa lamang ang tinuring kong totoong mga kaibigan at maraming salamat para doon.

At sa taong walang sawa sa pagdinig ng mga hinanaing at problema ko sa buhay, Tiano. Salamat sa walang sawang pag-bibigay ng payo sakin sa panahong tila pasan ko na ang problema ng mundo, andiyan ka palagi kung kailangan ko ng masasabihan ng aking mga problema. Dadalhin ko maging sa kabilang buhay ang mga payo mong iyon. Isa ka din sa matatawag kong kapatid sa ibang ina at napaka-swerte ko at nakakilala ako ng katulad mo.

Sa isa ko ding kaibigan na tila kapatid na din ang turing ko, Carlo. Alam kong may mga panahon na tayo'y may hindi pagkakaunawaan at minsan pa'y umaabot ng ilang linggong hindi pag-papansinan eto lang masasabi ko sayo, maraming salamat. Dahil andiyan ka pa din na isa pa sa lagi kong natatakbuhan kapag may problema ako. Pasensiya na din kung minsa'y wala ako kondisyon makipag-usap sainyo pero nandiyan ka pa din para kamustahin ako at maraming salamat para doon.

Isa sa pinakamasiyahin kong kaibigan, Kathly. Maraming salamat din at nandiyan ka palagi sa mga panahong wala akong kausap at ang trabaho mo palagi ay magpasaya ng kaibigang nalulungkot hinding hindi ko yun makakalimutan.

Pangalawa sa aking listahan ay ang aking mga ka-boardmate na sina Glydel at Jada. Maraming salamat at tinanggap niyo ako sa bahay kahit bago palang ako ganun din hindi ko naramdaman na bago ako kasi turingan natin sa isa't isa ay para ng pamilya. Maraming salamat sa mga memorya na ating nabuo sa mahigit isang taon nating pagsasama.

Pangatlo ay ang aking mga kapatid, Alden at Nadine. Sa mga makukulit, masasaya, kung minsa'y pala-away na mga kapatid. Maraming salamat sainyo sa pag-sama sa paglalakbay ko ng ilang taon. Hindi man tayo matatawag na perperktong magkakapatid ay hamak namang maganda ang pinagsamahan nating tatlo. Masaya akong tawagin kayo na mga kapatid ko at walang makakapag-bago sa relasyon natin.

Higit sa lahat ang mga taong ito ang nagbigay sa akin ng walang katulad na pagmamahal, walang iba, ang aking mga magulang. Simula pa lamang kayo na ang nagturo sakin ng mga nalalaman ko, kung hindi rin dahil sainyo wala ako ngayon dito sa mundong to. Maraming salamat din sa ag-gabay sakin at pagtuturo ng mabuting asal. At lagi kong natatakbuhan sa mga panahong tila tinalikuran na ako ng lahat ng tao sa mundon. Wala na akong ibang masabi kung hindi maraming salamat sainyo nais ko pa mang kayo'y alagaan hanggang sa makakaya ko ngunit hanggang dito nalang talaga ako. Mag-iingat po kayo palagi basta lagi niyong pakatatandaan mahal na mahal ko kayo hindi ko man to masabi sainyo ng harap-harapan pero kaya ko itong ipakita sainyo.

Sa buhay ng isang tao masarap magkaroon ng mga taong nandiyan lagi para sayo, kaya mahirap man silang iwanan ay paniguradong nandiyan pa din sila sa tabi mo hanggang sa dulo at hindi magbabago ang pagsasamahan niyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mi ultimo adiosWhere stories live. Discover now