#1
Nagsimula sa asaran
Na nauuwi sa bangayan
Ito ang ating paraan
Upang sa isa't isay maiparamdam, ang ating pagmamahalanOo at sa huli'y hindi naging tayo
Pero hayaan mong ipadama ko sayo
Kung ga'no nagsisi sa aking paglayo
Ang pusong nahimlay buhat ng sumukoNaalala mo pa ba?
Ang una nating pagkikita?
Hindi inasahang doon magsisimula
Isang magandang kwentong ating nalikhaPara tayong itinadhana
Sa lahat ng bagay ay magkatugma
Pag-ibig na wari bay sadyang nilikha
Upang pagsamahin ang mga pusong itinakdaMapagbigay, mabait at maalaga
Ilan sa ugali mong sadyang kahanga hanga
Ngunit ganon nga talaga yata
Magsisisi ka lamang kapag tuluyang nawalaAng masayang kwento natin
Tila ba naglaho at nag iba din
Ang dating liwanag, naging dilim
Dahilan upang ako'y tuluyang limutinNgunit pag-asa'y laging dala dala
Na sana isang araw ika'y magbalik pa
Kasama ng ating masasayang ala ala
Na hanggang ngayon ay iniingatan ko paHanggang sa isang araw tayo ay nagkita
Sobrang kasiyahan ang aking nadama
At hindi maitatangging ganon ka din sinta
Oo masaya ka, ngunit sa piling na ng iba.