#4
Ang idinulot ay pighati
Puso ko, sa gitna ay hinati
Palagi na lang tayong away bati
Ngunit hindi ko na kayang magtimpiKaya sumapit na nga ang araw
Kung saan ang utak ay nangibabaw
Laban sa pusong laging sabaw
Sa mga ideyang limitado ang saklawMuli kong binalikan ang ating mga ala ala
Napagtantong lahat ay palabas lang pala
Pagkukunwaring sadyang akoy napaniwala
Isa kang magaling na direktor at artistaNgunit nais kong sabihin
Na ang iyong dating alipin
Hindi na lang sayo nakatingin
Natutunang lahat ay kaibiganinAt sa unti unting paghakbang
Sa buhay na walang ikaw at tanging ako lang
Natutunang magsaya ng walang alinlangan
Wala ng hinanakit at sakit na nararamdamanHindi ako nagsisisi na ikaw ay nakilala
Nagpapasalamat pa nga ako sa mga ala ala
Na kahit hindi masyadong maganda
Natutuwa at kahit papaano'y may natutunan naAng puso'y gumaan
Mga sakit ay nabawasan
Saya ay nagkaroon ng puwang
Sa pusong minsang inialay, sayo lamangTama nga na ikay kinalimutan
Saya ay tuluyang naramdaman
Buhay ay nagkaro'n ng katuturan
At ang sakit ay tuluyan ng lumisanKaya paalam na
Sanay maging masaya ka
Salamat at ika'y nakilala
Sa buhay na tila isang mahikaSaya na ang nararamdaman
Ng pusong minsan mong sinaktan
Ako at ikaw ay tuluyan ng kinalimutan
Sa tulong ng bagong mahal ko na hinding hindi ako iiwan kailanman