Part 2: Thoughtful?

69 0 0
                                    

**recess**

"Woy Kulot! Recess na!" Ivang epal -_-

"Alam ko! Ano ngayon?"

"Ano ngayon? Ahm, friday." Ivan na patingin-tingin pa sa relo niya. Ano? Kelan pa naging calendar ang wrist watch? What the?

"Eh?"

"Eh di tara na!" Lagi kasing ganyan, nag-iintayan kami bago bumaba. Inaatat na 'ko neto kasi yung iba pa naming tropa nag-iintay na sa labas.

"Eeeeh! Masakit ulo ko!" Choosy na kung choosy.

"Mas masakit pre pag walang ulo."

"May sinasabi ka?"

"Wala! Sabi ko ang cute mo lalo pag naiinis ka."  Medyo hininaan niya yung mga huling sinabi niya pero syempre narinig ko. <3

"Huh?" Kunyari hindi ko narinig. Haha!

'Wala! Tara na sabi ko gutom na 'ko!"

"Eh di bumaba ka na! Pinipigilan ba kita? <roll eyes>"

"Tara na nga eh! Bat ba ayaw mo? Choosy pa eh."

"Choosy ka dyan. Eh sa masakit nga ulo ko!" 

Tumabi siya sakin, umupo siya sa upuan ni Catherine. Wala kasi si Cath eh, nagrecess na sa canteen. Hinawakan niya ko sa noo. Para icheck kung mainit ako. Nung ginawa niya yun, ewan ko kung ano to. Pero lumakas yung tibok ng puso ko na para bang nagwawala sa loob ng katawan ko. 

Hi heart, landi ah! Kalma ka lang dyan please? Wag ka na magpilit lumabas!

"Mainit ka ah." Sabi niya

"Ma-malamang tol, buhay!" Syempre kahit kinikilig ako sa pagkathoughtful niya ngayon, dapat di padin mahalata!

"Ahh, comedian ka? Joke yun?"  -Ivan

"Oo! Joke yun! Joke! -_-"

"Ha.. Ha.. Ha.. Oh yan ah! Tumawa na 'ko."

"Bakit? Nagrequest ako? Dun ka na nga!"

"Psh. Arte mo! " Sabi niya.

"May sinasabi ka?" Pacharaught kong tanong. xD

"Oo! Sabi ko, anong gusto mo? Ako na bibili sa baba"

"W-wala kong pera! Sige na layas!" Sabi ko para lang umalis na siya nang pwede ko na ilabas tong kilig ko haha. landi -.-

"Ako na bahala dun! Dali na! Ano ngang gusto mo?"

"Gusto ko? Lumayo ka sakin!" Ivan, ang gusto ko, dito ka lang sa tabi ko. Wag kang lalayo. At iparamdam mo saking mahal mo ko. Echauce! XD Ugh, what am I saying? -_-

"Psh. Gege! Bibilan nalang kita sa baba. Tas dadalan kita ng gamot. Diyan ka lang huh!" Hindi na 'ko sumagot at nagheads-down nalang. OMG. Gentleman. <3 Catea. -_- Teka ngaaa! Back to reality!

Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko? Bumalik na nga kaya yung feelings ko para kay Ivan? Pero ayoko! Masasaktan lang ako! Di naman ako gusto niyan eh! Ay ang gulooooo!

"Woy! Gianna! Tulaley ka yata?" Catherine

"Andito ka na pala."

"Wala teh, hologram ko lang to! Ays ba?" Wow ha? Wala na bang matinong kausap ngayon?

'At kelan ka pa natutong mamilosopo Cath?"

"Kanina lang. Ahehehe. May sakit ka daw?"

"Ah, oo eh!"

"Kaya pala madaling madali si Fafa Ivan dun. Worried na worried yung itsura niya, Gia." -Catherine. Totoo kaya?

"Weeeeh?" .

"Hala? Oo nga! Alam mo girl, ang lakas ng tama sa'yo nun!"

"Hindi Cath! Mali ka dyan. Kita mong napakalakas manglait niyan pagdating sakin eh!"

"Gia, wag ka masyadong manhid, yan lang ang way niya para magpapansin sayo."

"Ca-" Okay pinutol niya po yung sasabihin ko. 

"Gia, naiintindihan kita. Ayaw mo mag-assume kasi sa pag-aassume kadalasan tayong nasasaktan. Pero Gia, hindi na yan pangiiwas sa sakit eh. Nagiging overprotective ka sa sarili mo. Halatang halata na, hindi mo parin pinapansin. Torpe lang yang si Ivan, but believe me, mahal ka talaga niyan. At ang mga torpe, totoo yan magmahal. Makasisiguro kang hindi ka sasaktan niyan." -Papa Jack. Ayyy. Joke. Si Catherine pala.

"Ahh, ehh Ca-" Naputol nanaman po yung sinabi ko. Yung totoo? Pasalita naman oh?

"Oh, Te! Ayan na yung Prince Charming mo!"

"Ahhm, Gia oh! Cup noodles pati biogesic, eto pa pala, tubig oh. Inumin mo yan para gumaling ka agad."

"H-huhh?"

"S-sige na Gia! Labas lang kami ni Gab ah!"

"Ah, s-sige, th-thank y-you Ivan."

At yun! Umalis ang loko. Haha. Kinain ko naman yung cup noodles na dala niya pati yung gamot ininom ko rin. Eh ano kung may gayuma? Haha.

Ivan's POV~

**sa canteen

"Oh, Van? Para san yang Biogesic? Tska diba di ka kumakain ng cup noodles?" Gab. P*ta pakelamero to ah.

"Nag-aadik ako eh. May problema ka?"

"Put a henna to ah. Diba nagtatanong ako ng maayos gago ka ah!"

"Hahaha. Chill! Si Gia, may sakit."

"Hanep! Dumadamubs si tangkad! Kelan mo ba liligawan yan? Napakatorpe mo Van eh! Eh halatang halata namang malakas na tama mo kay Gia."

"Olol! Landi mo pre! Haha" Palusot ko kay Gab. Halata na daw? Nako naman oh! Di pwede to!

Dun Ka! Di tayo bati! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon