LETTER

16 1 0
                                    


Paano ba nagsimula?

Paano ba nagsimula ang lahat?

Nagsimula lang ito sa gc na kinabilangan ko noon, na naging tulay para makilala kita. Ikaw ang unang nakipagusap, at dahil kilala naman kita ay hindi ko naman winalang bahala ang mensaheng galing sa iyo. Nagkausap tayo napakatagal na halos umabot ng magdamag, ang buong akala ko hanggang doon nalang yun, hanggang yung gabi nalang yun na makakausap kita. Ngunit kinabukasan muli ay may natanggap akong mensahe mula sa iyo "Good Morning". 

Bumungad sa akin ang mensahe mong yan, muli ay nagkausap tayo kahit sa "chat" lang. 

Tumagal pa ng tumagal at halos nakasanayan ko na rin na ika'y aking kausap, walang araw na hindi natin nakausap ang isa't-isa. At dumating pa sa puntong ako na ang taga tali ng buhok mo, mahaba kasi ang buhok mo at kailangan mong talian lagi at bagay naman sa'yo, sa unang pagkikita natin nakiusap kang talian ko ang iyong buhok, at buo naman sa aking loob na gawin ang bagay na yun.

Naalala ko pa na tuwang tuwa ka nung inipitan kita, kinagabihan sinabi mo sa akin na nagustuhan mo at naging kumportable ka sa pagkaipit ng buhok mo, ewan ko pero sobrang napangiti ako dahil nagustuhan mo, at simula rin ng araw na yun, ay ako na ang taga ipit mo. Masaya tayong magkasama, Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing kasama kita, pero ang hindi ko alam ay unti unti na rin palang nahuhulog ang loob ko sa'yo, nung una ay itinatanggi ko ito dahil baka nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko, pero tumagal pa na kasama kita mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko, hindi ko ito napigilan pasensya na, dahil mas sinunod ko na mahulog sayo. Naalala mo nung lasing ka?

Magkausap tayo, sinabi ko sa'yo na "Gustong gusto ko talaga yang buhok mo." ang isinagot mo sa akin ay "Sana buhok nalang ako." 

Hindi ko alam pero kinilig ako nung sinabi mo yun, ngunit alam ko namang nakainom ka nung gabing yun kaya ang tanging naisagot ko lang ay "Epekto na ba ng alak yan?" ngunit bigla mong sinagot na "alam ko ang sinasabi ko ella." 

Hindi ko alam ang isasagot ko sa iyo nung mga gabing yun, aasa ba ako? aasa ba akong parehas lang ang nararamdaman natin?. At dumating na nga yung araw na sinabi mong "Mahal kita ella." Tinanong mo ako kung mahal rin ba kita at "oo" ang sinagot ko.

Simula noon ay alam kong hindi nalang kaibigan ang turing natin sa isa't isa, tinanong kita nung minsan ang sinabi mo ay "Ayaw mo muna ng commitment, at mahalin ko na muna ang aking sarili."

Inintindi ko yun at unti unti ko na ring minamahal ang sarili ko para na rin sa'yo at sa akin. Sobrang saya ko dahil mahal mo ako at ramdam ko yun, ramdam ko yung pagmamahal mo, sa tuwing magkasama tayo sobrang saya, sa mga yakap mo na halos ayaw ko nalang umuwi at yakapin ka nalang. Kahit na walang tayo, nakuntento ako dahil masaya naman tayong dalawa diba? sa dalawang buwan na magkasama tayo at hanggang ngayon ay andami nating nabuong ala-ala, ang akala ko'y magtutuloy pa ang lahat ng kung ano mang meron sa atin, isang araw nagising nalang akong wala na akong mensaheng natanggap mula sa'yo.

Kung gaano kainit ang kape sa umaga ay ganun ka naman kalamig sa akin, tinatanong kita kung ano bang problema ang sinabi mo lang ay "wala lang ako sa mood"  inintindi nalang kita at hinintay na kausapin mo ako, at dumating yung araw na nagkita tayo, ang akala ko ay hindi ka pa rin mamansin pero laking tuwa ko nung sinabi mong namiss mo ako at muli ay niyakap mo ako na siyang hanap hanap ko. Akala ko pagkatapos nang gabing yun ay babalik na sa dati ang lahat, pero muli ay binalewala mo lahat ng mga mensaheng ipinadala ko, hindi ko alam pero may kung anong sakit ang naramdaman ko, isang linggo, isang linggo na halos wala kang paramdam, isang linngo na sobra akong nangulila sayo.

At ngayon hinihiling ko na sana bumalik nalang sa dati na sana maulit nalang yung dati, ang sakit, ang sakit makita sa mata mo na parang hindi mo ako mahal, na parang wala ako sa paningin mo, sinubukan kong kausapin ka ngunit naramdaman ko nalang yung lamig mo, at ang bigat sa pakiramdam yun. Sobra na ang pangungulila ko sa'yo miss ko na yung dating tayo. Kailan ba babalik sa dati ang lahat, gabi gabi na wala akong ibang ginawa kundi ang isipin kong naalala mo pa ba ako, walng gabing hindi tumulo ang mga luhang dulot ng pangungulila ko sayo, nasaan na yung dating tayo? nasaan na yung mahal ko? umaasa akong maibabalik pa rin sa dati ang lahat, ngunit bakit ikaw na 'tong nagpaparamdam na hindi na ako mahalaga sa buhay mo? asan na yung dating tayo? asan na yung mga sinabi mo? bakit nagbago na ang lahat?

Ngayon habang isinusulat ko ito ay katabi kita ngunit parang hindi mo lang ako nakikita, gusto kitang yakapin ngunit bakaiwasan mo lang. Takot akong mawala ka, nakikiusap ako wag kang mawawala, masakit sobrang sakit, hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Unti-unting tumutulo ang mga luha sa kadahilanang miss na miss na kita. Pinapanghawakan ko lahat ng mga sinabi mo, lahat ng ipinaramdam mo, hanggang kailan ba tayo ganto? na sa tuwing nakikita mo ako ay parang wala lang sayo. Ang sakit sakit na, pero hindi pa rin ako sumusuko, gustong gusto ko na ulit na mayakap ka. Sana hindi matatapos lang dito ang lahat, sana bumalik na ang lahat sa dati.

Umaasa ako na muli ay makasama at mayakap kita, umaasa akong bumalik pa ang lahat sa dati. Miss na miss na kita alex, sobrang miss na kita. I LOVE YOU.

-

Katanaxayesha

LETTERWhere stories live. Discover now