Chapter 1: Another Angel Came In

2 0 0
                                    


First day of school, bagong mikha na naman ang aking makikita at makilala. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ko, tingin-tingin lang ako, wala naman kasi akong kilala dito at saka kaka-transfer ko lang dito. Na iingit ako sa iba, dahil magkikita nanaman silang mag kakaibigan at yung iba naman ay nakita na nila ang kanilang girlfriend/boyfriend. Hayysss.... Habang ako ay naglalakad, may nakita akong grupo ng mga lalaki at mukhang may e bubully ata sila dahil pinalilibtan nila ito, sorry kanalang dudes, di ako makakatulong sayo di ko kasi ugaling maki alam, pero nakakawa naman sya.

Hayyyy sa wakas, nandito narin ako. Pumasok na ako at tumingin-tingin kung meron pabang bakanteng upuan, sakto at meron ngang dalawang bakante dun sa may likod. Nag lakad na ako papunta sa upuan at umupo. ilang minuto ang lumipas ay pumasok na ang professor namin at nag simula na siyang mag salita. Tumingin ako sa pintuan dahil mukhang may papasok, yun nga di ako nagkamali may pumasok nga, babae at..... WOW! Ang ganda nya, para siyang anghel na mula sa langit. Maputi siya at naka suot ng glasses, at papunta siya sa akin.. LoL

Ano ang dahilan kung bakit ka na late miss?~ sabi ng professor sakanya

Pasinsya napo sir, na traffic kasi ako~ sagot naman nya 

Umupo kana at mag sisimula na tayo sa ating liksyon~ sabi naman ng professor 

Naglakad na siya papunta dito, dahil bakante naman tong upuan katabi ko

Wala bang naka upo dito?~ tanong nya sa akin. Wow! ang ganda din ng boses nya, di ko mapigilan ang sarili ko sa pag titig sa kanya, grabi ang ganda talaga nya.

Hmmmmp... Hello??~ sabi nya sa akin na nagtataka ang mukha

Ahhh.. Sorry, Oo wala, walang naka upo jan~ sagot ko naman sa tanong nya na nahihiya at di maka tingin ng diritso sa kanya

Umupo na siya at habang ako ay naka titig parin sa kanya, wala na akong ganang makinig sa professor namin dahil sa kanya, para akong nahihypnotize sa ganda nya.. 

May problema ba sa mukha ko?~ nagtatakang tanong nya sa akin. 

Ahh wala, wala, para kasing nakita na kita at nakilala na kita~ natatarantang sagot ko naman.

Ahh.. Ganun ba? Ikaw din kasi parang nakita narin kita dati~ respond naman nya sa akin ng nakangiti

Ako nga pala si Blaire Sanchez.~ pakilala nya sa kanyang sarili at nag abot ng kamay para shake hands, at nakangiti ang mukha

Zander Baron naman~ pakilala ko naman sa sarili ko at inabot yung kamay nya at ngumiti narin. Its nice to meet you~ dagdag ko 

Nice to meet you too, I hope we can be a good friends..~ sabi nya nang nakangiti. LoL! Hindi ko pa nga siya nililigawan na "FriendZone" na ako? Medyo masakit ah.. Baka iba ang ibig nyang sabihin at saka first day palang to may pag asa pa akong ma akin sya.. Hahaah.. Ano ba tong pinag iisip ko, mababaliw na ata ako nito..

Wait.! may nalimutan nga pala ako, nalimutan kung magpakilala sa inyu, ako nga pala si Zander Baron di gaano ka pogi di rin panget, sakto lang. Maputi, maypagka matangos ang ilong, ang sabi nila. payat pero sakto lang, sabi naman ng iba cool daw ako, kaya lang isa akong nerd kaya wala din daw patutunguhan ang pagka cool ko, pero bahala na ang gusto ko lang naman ay ang makapagtapos ng pag aaral at makabawi sa pamilya. Mahilig akong mag sulat ng poems at mahilig din akong magbasa ng libro, di rin ako masyadong gumagala palagi lang akong mananatili sa bahay namin. Divorce na nga pala ang parents ko, inalagaan ako ng aking inay nung bata pa ako pero di nag tagal namatay na siya dahil sa heart attack bla bla bla bla.... 

Hayyyyyy.. Sawakas natapos narin, inunat ko ang boung katawan ko sa sobrang bored. Ilang oras din akong nakaupo at nakatingin lang kay Blaire. 

San ka mag la-lunch?~ tanong nya sa akin

Hindi ko alam, bago pa kasi ako dito hindi ko pa alam kung saan pweding kumain.~ nahihiyang sagot ko sakanya.

Ayy, Oo nga pala. Wag kang mag-alala, alam ko kung saan pweding kumain dito!~ sabi nya sa akin at tumalikod na at naglakad. Halikana, wag ka ng mahiya~ dagdag pa nya. at humabol naman ako sa kanya. Habang nag lalakad kami, ay may lalaking napaka cool na papunta sa deriksyon namin at nakangiti. Hindi maganda ang kutob ko dito sa lalaking iyun. Pagkalapit nya sa amin ay bigla nyang niyakap si Blaire at sabay sabi:

Kumusta kana? Miss nakita, hindi ko alam na dito kapala nag transfer!~ exited na sabi nya "I Love You Babe!"~ dagdag nya. Tama ba yung narinig ko? Babe? parang gumuho ang mundo kung binuo para sa aming dalawa, hindi kona pinakinggan ang mga pinagsasabi nila, sabi ko na eh! Hindi talaga maganda ang kutob ko.

Sya nga pala babe, muntik ko ng malimutan, kaibigan ko si Zander, Zander si Dexter boyfriend ko~ pakilala nya sa akin at nag shake hands kami at nakangiti lang ako naparang walang nararamdamang sakit sa puso. Medyo sumasakit na ang kamay ko sa shake hands nya, kaya bumitaw na ako. Tara na at kumain na tayo~ dagdag pa nya sabay ngiti.


First day of school. First day of heart break 
Ang tanga ko, umasa ako na ako lang talaga
Ang lalaking para sa kanya, pero parang 
Huli na ang lahat dahil may nakauna na sakanya

Kaya ito nalang masasabi ko sakanya
Na sana tama ang pag-ibig nyong dalawa
Na sana aalagaan siya ng lalaking mahal nya
Dahil nalaman ko na talaga, na wala akong
Pag asa sa kanya.

*RamzeCute*

In Another WorldWhere stories live. Discover now