"KIM'S POV"
Ako nga pala si kim, 18 years old at nag aaral pa Grade 12 nako. Wala kong boyfriend kasi study first muna ako at tsaka hindi ako panget, hindi naman sa pagyayabang maganda ako, sexy, maputi at hanggang balikat ang buhok na kulay brown. Hindi ko naman maikakaila na maraming nagkakagusto saken pero niisa walang nakapasa sa standards ko. Hanggang sa one time na nagpefacebook ako while scroll down lang scroll down, wala kasing kachat si ate nyo kim. Biglang nagvibrate cellphone ko "Miguel anghel sent you friend request" Miguel anghel? May kilala bakong ganun? Syempre itong si ako inistalk si kuyang nag friend request.
Ay ang taba ni kuya sabagay kahit mataba may itsura din. *CONFIRM* ayun niaccept ko. "You are connected now on messenger" Nag like lang ako then *Bating* tunog ng messenger. Nag "Hi" si Miguel Anghel so eto akong nag "hello" Tinanong nya ko kung saan ako nag aaral? Ilang taon nako? At kung bakit ang ganda ko? Haha. Ayun lahat ng questions niya sinagot ko naman honestly and then tuloy tuloy na kaming nagkachat umaga, tanghali, gabi tinatanong niya ko kung kumain nako? Masaya siyang kachat hindi siya nawawalan ng topic at kahit hindi pa kami nagkikita sa personal kita naman sa muka niya na Joker siya. Kapag kachat ko siya hindi ako naboboring, Napapangiti ako sa tuwing magka chat kami at hindi ko rin maitatanggi na unti unti nakong nagkakaroon ng tiwala kay Miguel, naikwento ko na sa kanya yung mga nangyayari sa buhay ko. Nung magkachat kami bigla siyang nag tanong "Pwede ba tayong magkita?" sabi ni Miguel. Si Miguel Anghel ay sa ibang school nag aaral at parehas kaming Grade 12. Hindi ko alam kung nakita niya na ako o hindi pa kaya gusto niya sigurong makipag kita siguro hindi pa. "Sige magkita tayo" sabi ko. Pumayag ako dahil ramdam ko namang mapagkakatiwalaan siya at wala naman siyang gagawing masama saken "Grabe ako kay Miguel e no? HAHAHAHA" chinat ko siya tinanong kung san kami magkikita sa kung anong oras."MIGUEL'S POV"
Napaka gandang babae ni kim at ang swerte ko dahil napansin niya ako at pumayag pa siyang magkita kami. February 25 ang schedule ng pagkikita namen at ako ay mag aayos ng sobra para pag nakita niya ako mapapa "WOW MAGIC" siya HAHAHA Joke lang. Ang sarap sarap sa feeling na magkikita kami si kim, Gusto ko na talga siyang makita. Nagkakaroon nako ng gusto sa kanya, Unti unti nakong nafafall siguro dahil sa lagi ko siyang kachat. Liligawan ko siya at pag naging kami sisiguraduhin kong hindi ko siya sasaktan."KIM'S POV"
Excited nakong makita yung tabang yun.*Dumating ang araw na magkikita na kami*
*FEBRUARY 25"
"Nasan kana? Sabi ko
"OTW na ako"
"Bilisan mo pinag aantay mo yung maganda"
"Opo Madam"Habang nag iintay ako may tumatawag ng pangalan ko "KIMMMMM" siguro si Miguel na yun lumingon ako sa likod and I saw him personally "Grabe kahit mataba siya ang gwapo niya"
"Hello" sabi ko habang nahihiya
"Hi kim ako to si Miguel" Sabay smile".
"I know haha"
"Ang ganda mo pala lalo sa personal"
"Hala eto naman si Miguel, tumigil kanga dyan haha"Namasyal kami kung saan saan at siya lahat gumastos ng kinain namin. Habang naglalakad kami ay bigla siyang huminto.
"Kim" sabi ni Miguel ng seryoso
"Bakit" sabi ko
"May gusto lang sana kong sabihin sayo"
"Ano yun Miguel"Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin ni Miguel haha. Pero baka ito na yung time na aamin siya na may gusto siya sakin *OMAYGHADD*
"Gusto kitang ligawan kim, Gusto mo man o hindi liligawan kita at pag naging tayo pangako ikaw lang at wala nang iba" Seryosong pagkakasabi ni Miguel
"Ammm Sigeee" Nahihiya at namumulang pag kasabi ko
"Talaga? Maraming salamat" Sabi ni Miguel.Hinatid niya ko sa bahay at ako ay dumiretso sa kwarto ko. Ang appeal niya tas ang gwapo mataba nga lang haha. Lagi na kaming magkachat at tuwing sabado ay pumupunta siya sa bahay dinadalhan ako ng pagkain. Sa palagiang ganun ang ginagawa niya hindi ko maiwasang mahulog sa kanya, Ayaw ko na siyang mawala saken at aaminin ko mahal ko na siya.
"MIGUEL'S POV"
Bukas pala ay sabado nanaman kailangan kong mapuntahan si kim at mabigyan siya ng pagkain kaso bukas ay may DOTA tournament sayang naman kung hindi ako makakasali, tas pag manalo ako may pambili pako ng pagkain ni kim baboy haha Joke lang lablab ko yun haha . Napagpasyahan kong hindi muna puntahahn si kim para makasali ako sa gaganaping DOTA tournament bukas."Hindi ako makakapunta bukas sabi ko"
"At baket?" Sabi ni kim
"May pupuntahan kami ng Family ko" *Dahilan ko haha*
"Ah sige mag iingat kayo huh"
"Miss na kita kim"
"Missyoutoo Miguel"DOTA tournament na mamaya, Sisiguraduhin kong mananalo kami at mapapanaluhan ang grand prize para sa pagkain ng biik ko HAHAHA , Para kay kimmm haha.
"Miguel! Ready kana?" Sabi ni John Ryan tropa ko.
"Oo nemen haha . Kanina pa" Sabi koNagsimula na ang laban at ako ay nag focus na sa pag dodota. Salamat sa Diyos at nanalo kami at napanaluhan naming ni john ryan ang Grand prize. Pinaghatian namin yun.
"Nakauwe na kami" Chat ko kay kim
"Mabuti naman Miguel"
"Magkita naman tayo bukas para makabawi ako Simba tayo tas mall treat ko lahat"
"Sure Miguel see you tomorrow"Excited nakong magkita kami bukas.
"KIM'S POV"
Magkikita kami bukas at magsisimba pa kami 2 months nanaman siyang nanliligaw saken so I decided na siguro dapat ko na siyang sagutin bukas.
Nang makadating na ako sa simbahan nakita ko siya nagaantay sa harap ng simbahan."Hey Miguel" I said.
"Nandyan kana pala, Tara pasok na tayo sa simbahan"Pumasok na kami ng simbahan at si Miguel ay nakatuon talaga sa mga sinasabi ng pari, Maya maya ay natapos na ang misa at umupo muna kami sa labas ng simbahan.
"Miguel!" Mahinang pagkakasabi ko
"Bakit?"
"Sinasagot na kita" Mahinang pagkakasabi ko
"Anoooooo?"
"SINASAGOT NA KITAAAAA" Nilaksan na ni ate mo kim haha.
"Halaaa . Thankyou Kim Iloveyou"
" I LOVE YOU TOO "Oo sinagot ko na siya at kami na di ako nagsisisi na sinagot ko siya dahil napaka buti niya namang tao naging sweet kami sa isat isa, Nagkaroon ng callsign at mahal namin ang isat isa. Mag iisang taon na na ang aming relasyon unti unti siyang nawawalan ng time saken dahil sa paalam ni Miguel na may pupuntahan sila ng family niya , Syempre OO nagtaka ko e halos araw araw nagsasabi si Miguel na paalis na sila. I decided na puntahan siya sa bahay dahil that time naghihinala na ang ate niyo. Sinabi niya rin ngayong araw na may pupuntahan daw ulit sila ng family niya, kaya napagpasyahan kong puntahan siyang pasikreto at alamin ang totoong ginagawa niya. Habang naglalakad malapit sa kanila tinitignan ko na siyang lumabas at ayun lumabas na si Miguel * Tumago ako* . Umalis na siya at naglakad kung saan nagtataka ako dahil ang sabi niya family daw pero siya lang ang umalis, Dumiretso siya ng computeran, Sinundan ko siya, nakipag apir sa tropa at maya maya pumasok na. Nag antay ako na lumabas siya mahigit 30 minuto din ako nag aantay sa labas gusto kong sabihin kung bakit siya nagsisinungaling sa araw araw, Naisip ko na pumasok sa computeran nakita ko siya abalang abala sa paglalaro ng DOTA 2 mukang nag eenjoy siya, Di niya alam na palapit na ko sa kanya hindi niya alam na nandito ako sa computeran
"Oyy !Baby ! (Call sign naming) akala ko ba may pupuntahan kayo ng family mo. Pero mukang wala naman talaga diba? Dahilan mo lang para makapag DOTA 2 ka"
*Pinause niya ang game*
"Sorry baby let me explain" Sabi ni Miguel
"Ok lang baby sana sa susunod magsasabi ka ha, Hindi naman ako magagalit e susuportahan pa kita baka kase sa pag dodota mo nagugutom kana, Iresume mo na baby at ituloy mo hindi ako galit . Galingan mo huh .iloveyou"
"thankyou baby, Mahal na mahal kita salamat sa lahat. Ireresume ko na huh?"
"Sige baby" sabi koKahit na nagkamali siya na hindi magpaalam sa akin ng maayos kahit na nauubos ang pera niya kakadota 2 at di nako naaalala tinanggap ko parin siya, Hindi dahil sa wala kong pakialam sa kanya dahil yun kase mahal ko si Miguel at naiisip ko rin yung mga sakripisyong ginawa niya saken . Pede naman siya magdota pero "know your limits lang" Andito lang ako para suportahan siya, Dalhan ko pa yun ng pagkain dun haha.
Kaya sa mga may BF dyang DOTA 2 player wag ninyong sakalin o pagbawalan yung BF niyo. Ang gawin niyo suportahan niyo sila kung saan sila masaya dahil mas maaappreciate nila ang pagmamahal na binibigay nyo kapag sinusuportahan ninyo sila sa kung saan sila magiging masaya.
#creativewriting
#flashfiction
#SNHS
#G12MERCURY
YOU ARE READING
My Boyfriend is a Dota Player
Genç KurguAlways love a Dota Player, because you can't get another.