Copyright © 2018 by Lady Dignity
All Rights Reserved.
No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means.Posted: 02.28.18
_______________________Nagtataka ko sa mga classmates kong babae kung bakit todo retouch ang mga ito. Ang iba naman ay di magkandatuto sa pag aayos ng buhok nila.
"Bakla, ano meron?" Tanong ko kay Juni habang tinitignan nya sa compact mirror ang mukha nya.
"Bakla ka, hindi mo ba alam na next na si Sir Blake". Malanding sagot nito sa akin na kinikilig pa.
"Oh ngayon?" Muling tanong ko na medyo naguguluhan. "Required ba sa kanya na dapat nakamake up?"
Natawa ito. "Baliw ka! Syempre gusto makuha atensyon ni Sir. Ay! Ayan na sya! Sh*t ang gwapo talaga nya. Ang yummy pa!" Parang may nakain na masarap si Juni habang nagsasalita at titig na titig sa lalaki na nasa harapan.
"Juni watch your mouth. Para kang di babae". Sabad ni Rob. Irap naman ang sinukli nya dito.
"Maka-yummy ka dyan, kala mo natikman mo na!" Asar ko kay Juni.
"Who knows? Baka malapit na! Roar!" Umarte pa ito na parang lion.
"Tumigil nga kayo. Lalo ka na Mal! Nahahawa ka na sa babaeng yan!" Inis na sabad ni Rob.
"Good afternoon class. I hope pinagaaralan and inintindi nyo ang lecture last time. I'm giving a short exam." His tone was serious but he's smiling.
Bahagyang umingay ang silid. Halata ang pagkagulat at ang iba nama'y nagsasabing next time nalang. Relax lang kami nila Rob kasi nga nagreview kami. Nireview nila ako ang tamang term. Nakatitig lang ako kay Sir Blake. Hindi mawala ang mga ngiti sa labi nya. Marahil sa iba't ibang reaksyon ng buong klase. Ang ibang babaeng malapit sa kanya ay halatang nagpapacute habang nakikiusap. Nadako ang tingin nya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo nya na waring nagiisip.
"Miss Torres? Sorry but I can't remember na estudyante pala kita?"
"Absent ako sir noon first day ng subject nyo samin." Sagot ko at nahihiyang ngumiti.
"Ikaw si Mal?" Bahagya pa itong kumunot at tinapunan ng tingin si Rob. Napakamot nanaman ng batok si Rob at tumango. "What is your full name again Miss Torres?"
"Isabella Torres Sir." Sagot ko.
"Mal is your nickname?"
"No sir. It's Bella."
Halata dito na naguguluhan. Marahil iniisip nya kung saan nang galing ang Mal. Ayoko naman sabihing maldita ako.
"Sir!"tawag ni Pia. School mate namin ng High School.
"Yes Miss Dela Cruz?" Baling nya kay Pia.
"Mahal po siguro. Pinaikli lang."sagot nito. Umingay ang klase. At ang iba'y kinilig. "Di ba kayo." Dugtong pa nito.
"Imposible. Girlfriend ni Robie si Lira. Yung HRM." sabad ni Wines.
Lalong umingay. Para na kaming elementary.
"Quit! Enough na yan. Prepare your paper and ballpen. Walang ibang nasa mesa. Walang lilingon. Alam nyo na sigurong automatically zero grades nyo." Seryoso ng sabi ni Sir Blake. Matiim nya akong tinignan. "I hope nakuha mo Miss Torres ang lecture last time and nireview. You are not excused kahit absent ka."
Tumango lang ako at nag iwas ng tingin. Di ko matagalan kasi iyon. Iba kasi ang dating sa akin ng titig nya ngayon.
Matapos ng exam ay naglecture pa ito ng konti. Panaka naka itong napapatingin sa akin. Maaaring normal lang ito kasi halos pansin ko naman na tinitignan nya halos kaming lahat. May bahagyang giliw nga lang sa mga babae.
BINABASA MO ANG
Marry Professor Blake
Romance"Ang pag aasawa ay di parang kaning isinubo, pag napaso iluluwa." Matagal ko nang crush si Blake pero hindi kami pwede dahil Professor ko sya at estudyante nya naman ako. Pero gumagawa ang tadhana ng paraan para mapasaakin sya. Pinilit ni Mommy maka...