Napakaganda talagang pagmasdan ng kalangitan...lalo na kapag na riyan ang mga kumikinag na bituin
Bituing naging saksi sa lahat ng kabanata at magiging saksi rin sa mga paparating na bagong pagsubok sa bawat pahina ng aking buhay
Musmos pa lamang ako ay ninais kong maging isa sa kanila--maging bituing nagniningning upang hindi ko na sana naransan ang mga kalbaruyong iyon,kasi ang bituin ay lagi lang nagniningning sa gabi at patuloy na kumikinang sa kagandan ng walang nararamdamang sakit
Masasabi kong isa akong bituin dahil gabi-gabi akong nagniningning.Oo,gabi-gabi.Ngunit hindi sing perpekto ng mga bituing pinagmamasdan ko ngayon,kong ito'y walang problemang kinakaharap at pagsubok na pinagdadaanan,pwes ako marami...
"Yhena,halika na sa loob"pansamantla kong inalis ang tingin sa kalangitan at ibinaling sa aking likuran kong saan nakadungaw ang isang babae.Nginitian ko siya at tumango dahilan upang ito'y magbalik siya sa loob.
Yep,it's me Yhena Lengarin is the name!
Ibinalik ko muli ang aking diwa sa itaas
'Wish me luck!'
Nakangiti kong iniwaan ang aking pwesto at huminga ng malalim.Kahit ilang taon ko na itong ginagawa ay hindi parin ma alis sa isip ko ang kaba at panganib tuwing dadating ang oras na ito
"Mabuti't nandito kana bakla at mag sisimula na kaya ihanda mo na iyang poms-poms mo!" sabay tapik sa balikat ko,ito ang salubong sakin ng 'manager' ko ng marating ko ang kwarto kung saan kami nag re-ready
Kahit talaga kailan OA yan,kahit ako naman ang last,eh.Gusto niya parate ako ang unang aayusan kaysa sa mga nauuna.Over talaga 'tong baklang 'to.Pero okay lang wala naman akong palag diyan eh
"Uy! bakla siguradohin mong agaw atensyon na naman yan mamaya ha?.Galingan mo't mamamasa kita mamaya kapag benelat mo" si 'manager' na naman yan
Siya pala si Nuns o 'Tita' Nuns sa karamihan at ang nag-aayos sakin ay si Oma.Magaling yan kaya bilib ako diyan eh.
"Aba't wala ka talagang tiwala saking bakla ka" natatawa nitong saad habang sinisimulang ayusan ang aking buhok.Siya rin ang pumipili kong ano ang susuotin ko gabi-gabi.
Nasa loob narin ang iba ko pang kasaman at nag aayos na sila katulad ko.
"Bunga ka talaga,day!.Ikaw na! ilang beses ko nang sinabing natural ang ganda kaya no need to put too much kolerete in your face kasi PAK NA PAK NA!" parate siyang ganyan
"Thank you" matamis na ngiti ang iginawad ko sa kaniya
"Oh siya,mag bihis kana" agad akong pumunta sa isang sulok at nag bihis.Walang ibang kwarto dito na pwede mong bihisan kasi hindi na kakasya "Yung buhok bakla,ingatan mo!"
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa pwesto ko kong saan nakaharap ako sa isang mahaba at mataas na kurtina
Dinig na dinig ko ang malakas ngunit 'sexy' kung tawagin ang mga kantang pinapatugtug at syempre hindi magpapatalo ang sigawan at heyawan ng mga taong naroroon
Tinignan ko ang sarili ko mula paa hanggang sa dibdib.As usual kinukulang parin sa tela ngunit sanay na ako dito.Matagal ko ng sinanay ang sarili ko sa ganitong klaseng damit simula ng araw na 'yun.Sinusuot namin 'to upang magpaligayaw at magbigay-aliw sa mga tao..
YOU ARE READING
Anytime and Anywhere
Short StoryI believe that we can find love anytime and anywhere *bow bow* (Ohmygush sounds wrong hahahah)