[ BLiND DATE ]

43 0 0
                                    

[ BLiND DATE ]

POP | POV

Hanubeytu.. ang hirap naman lumakad pag may pilay ka. Hahay, buti nalang may pumasok na trisekel sa village namin. Binayarn ko nalang ng malaki para maihatid ako sa school. Hahahay, patay ako dito kay mommy mamaya.

Mabilis lang naman ako nakarating sa school. Kasi nga, malapit lang diba.

Eto. Paika-ika na naman ako kung lumakad.

“BESSSSSYY! Anong nangyari sayo? Bat pilay ka?” panimulang pag usisera ni Aras akin.

“Wala, na slide lang ako dun sa hagdanan namin.” Pag dadahilan ko.

“Ah.. ganon ba? A-anga-anga ka kasi eh!” sabi niya.

“Tse! Manahimik ka nga!” saway ko sakanya. Naupo lang kami sa bench. Ng dumating si Jazzy the monster :D

“Okay naba yang paa mo?” tanong niya. Pag kaminamalas ka nga naman! Nag tanong pa! Shock si bestpren. Ano nalang kaya ang isasagot ko pag nag tanong ulit siya. =___=

Tumango nlang ako at tsaka umalis nasiya.

ARA | POV

Ehehe. Pumi POV na ako ngayon! Siyempre maganda ako eh.. Hahahaha! Ang papalag ay matutubun ng balat sa pwet! Hahahaha. Ako si Ciara Nicole Alvarez, ang nag iisang bestfriend ng bruha na si Pop.. hahahah, wag kayo maingay ha. Ara na lang itawag niyo sakin. Okey? Sige na nga. Umpisan ko na POV ko.

Umupo lang kami sa bench ni Pop, kasi kawawa eh.. Lalalalala…

Si Jazzy yun ah? Bakit parang sa direksiyon namin pupunta? Hmmm.

“Okay naba yang paa mo?” What? Tinatanong niya kung okey naba paa niya? Teka lang, na shock ako kasi diba nga war itong dalawa? Tsaka, sabi niya na slide lang siya dun sa hagdanan nila? Bakit tinanong niya kung okey naba si Pop? May hindi ba ako nalalaman? Hmmm, something’s fishy going around here. Pero bakit nag lilihim si bestfriend? Diba bestfriend nga kami? Ay bruha talaga ni bestfriend usisisain ko sya mamaya. Hahahaha. Humanda ka bestfriend :D Hotseat ka mamaya.. Wahahahaha *evil laugh with thunder SFX*

Tumango lang si bestfriend. Aba’t maamo ngayon si lola ah? Sigurado ako may nangyayari sa kanila na di ko nalalaman. Ano man iyon. Masaya ako kasi magkaka lovelife ulit si Pop. Ay? Lovelife agad? Hahaha. Pero syempre I’m pretty sure na magkakamabutihan sila. :D excited na ako :D

Pagkatapos tumango ni Pop, umalis na si Jazzy.

Si Pop naman medjo natulala. Na strucked ata kay Jazzy. Pero infairness gwapo din ang Lolo Jazzy no! Pero siyempre, balato ko na iyon kay Pop :D Hanap na lang ako ng akin. Ehehehehe.

“Huy! Tulala ka jan? bruha ka! May hindi ba ako nalalaman?” tanong ko kay Pop habang inaalog alog ko siya.

“Ha? A-aah.. Wala wala. Alam mo naman di ako nag lilihim saiyo.” Sagot niya. Di talaga ako naniniwala. Defensive masyado eh.

“Yun na nga eh! Alam ko yun, pero bakit ngayon nag lilihim kana? Ano bang meron sainyo ni Jazzy ha? Magsabi ka nga ng totoo?”

POP | POV

“Yun na nga eh! Alam ko yun, pero bakit ngayon nag lilihim kana? Ano bang meron sainyo ni Jazzy ha? Magsabi ka nga ng totoo?” naku patay. Di kop ala sinasabi kay Ara ang totoo. Magtatampo talaga to. Tsaka kahiya din naman kung sasabihin ko ang totoo. Waaahhh! Pero sige, bestfriend ko naman siya.

“Ahh ehh, w-wala nga s-sabi eh?” Nauutal kong sabi.

“Anong wala? Nauutal ka nga diyan. Hay naku, bahala ka nga. Bestfriend pa naman kita, nag lilihim kana sakin. Tsk tsk.” Eto na. Nag tatampo na siya.

First True Love ♥ [ o n g o ii n g ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon