The Letter

49 0 0
  • Dedicated kay Christine Serrano
                                    

Dear Christine,

Mula noong makita kita, inaamin ko na nagandahan ako sa iyo. Totoo naman, 'di ba? Sadyang kabilang ka na sa mga taong pinagpala na magkaroon ng magandang itsura at sexy na katawan. Nainggit ako sa mga taong katulad mo,  na sa unang tingin pa lang ay masasabing na sa iyo na talaga ang lahat. Kumpara mo naman sa akin, hindi naman ako kagwapuhan, hindi nagkaroon ng malalapad na braso, at walang abs na parang pandesal. Sa kabila ng mga ganun, wala akong pagsisisi sa kung ano ako ngayon.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

Christine, gusto kita. Oo, tama ang nabasa mo. Katulad lang ako ng mga lalaki dyan na nagkakagusto sa iyo. Nahirapan ako na magkaroon ng lakas ng loob na aminin ang tunay kong nararamdaman. Kaya eto, dinaan ko na sa sulat ang nararamdaman ko. Mahal kita. Gusto ko pang makilala ka nang malalim. Wala na akong pakialam kung ano ang iyong nakaraan, dahil mahal kita, maging sino ka man. Oh diba kumanta pa ako?

Hihingi na rin ako ng tawad kung sadyang nandidiri ka o kung ano pa mang nararamdaman mo ngayon habang binabasa mo ito. Sino ba ako para aminin sa iyo na mahal kita? I am just nobody in your eyes. I am nothing compared to the other hot, popular guys who like you.

To end this confession, I'll say the three words again. I love you.

Now, I won't expect you to love me back. If you do, then thank you. There are no words to describe how much I love you from the bottom of my heart. You're my inspiration.

Goodbye, Christine. Thanks for reading this.

Jet

***

Yung sulat na nabasa niyo, ako ang nagsulat. Ako si Jet, isang lalaki na umiibig. 19 years old ako, hindi kagwapuhan (sabihin na lang nating sakto lang), at NGSB. Ang lungkot isipin na sa aming magkakabarkada, kaming lima na lang yata ang walang girlfriend. Dahil dun, bitter ako ng konti. Nakakainggit talaga. >_<

Nagkausap kami ni Christine sa FB.

"Hello" sabi ko.

"Hi ^_^ " sabi niya.

"Nakapag-enroll ka na ba?"

"Hindi pa"

Nag-isip ako ng itatanong. Tanong pa talaga ang sasabihin, 'no? Wala akong ibang masabi eh! Hahaha. ^_^V

"Tapos ka na ba sa PHILGOV?"

PHILGOV ang subject na kukunin ko ngayong sem. Philippine Government.

Sensya na po! Hindi kami close, wala na akong ibang masabi except tungkol sa school. Hahaha. ^_^V

By the way, BSCS ako. Si Christine, BSHRM. Sabagay, bagay naman sa kanya kasi maganda siya. Parang suntok sa buwan na maging magkaklase kami. Pero teka! Irregular student ako. That means pwedeng kumuha ng subjects kahit saang section ako mapunta. When I enrolled for this sem, pinili ko ang section ng mga HRM. Baka maging kaklase ko siya! ^_^

"Hindi pa baka ngayon pa lang sem"

Yes! Baka nga! Sana maging magkaklase kami. Pero 50-50 eh. Pwedeng kunin niya ngayon yung subject o hindi.

***

Ito na nga! Unang araw ng PHILGOV.

Tinignan ko ang relo ko. 5 minutes before 7 o' clock. Oo, maaga itong subject. Kakaantok. -_-

Habang nakaupo ako, binabasa ko ang sulat ko kay Christine, na nakasulat sa aking notebook. Naaalala ko talaga nang una ko siyang makilala at makita. Mga 2nd year na ako nang makilala ko siya. Talaga masasabi mo na parang na sa kanya na ang lahat. Ang ganda-ganda niya. Mabait pa.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon