Chapter 1

63.9K 1.2K 35
                                    

Date uploaded: June 11, 2014

AN... this is an experimental story for me.. gusto ko kasing magsulat ng maiksing story pero compact, maraming nangyayari at page turner.. I'm trying to learn how to do it, i just hope that I can be succesful in this story...

Chapter 1

Air

The whole crowd is on their feet, chanting my name over and over again. Parang guguho ang lugar sa lakas ng pagpadyak ng paa ng mga audience. This is what I love best after every performance. They just can't get enough of me. Itinaas ko ang dalawang kamay ko na hawak ang gitara sa kanan at ang mic sa kabila. the crowd went wild! Nakakabingi ang tilian. They kept on asking for more, pero kabilin-bilinan ng manager ko na hanggang 2 encore lang ay labas na kami ng stage ng mga kabanda ko.

I waved at the crowd. I was about to exit the stage, pero hindi pa din natatapos ang hiyawan ng mga tao na para bang guguho na ang buong Araneta!

Sinenyasan ko ang mga kabanda ko at nakuha nila kung ano ang gusto kong gawin. Kinindatan ko na lang manager ko na nasa gilid ng stage at nakita kong simangot na simangot at alam ko na todo sermon ang aabutin ko dito mamaya... Oh well, she'll live.

Ipinuwesto ko ulit ang mic sa stand at nagsimula na ang banda sa isa na namang kanta at mas lalong naging wild ang mga tao!

"You cant get enough of me?!"

Sabay-sabay na nagsigawan ang mga tao.

"Well I can't get enough of you too!!!!"

And the crowd went wild!

Kyle

Hindi mapakali si mommy na paikot-ikot sa kuwarto ko at di matigil ang paulit-ulit na bilin sa akin. Masyado syang nag-aalala dahil first time nya akong iiwan. Aatend kasi sila ni Daddy ng doctors' conference sa New York at hindi nila ako pwedeng isama dahil matatapos na ang semester at tatamaan ang final exams. Parehong doktor ang mga magulang ko, at parehong tanyag sa kanya-kanyang larangan, kaya sila naimbitahang magsalita sa isang prestihiyosong pagtitipon ng mga doktor na ang dadalo ay magmumula pa sa iba't ibang bansa!

"Ma... Ma! Wag na kayong mag-alala. I'll be fine. "

"Mali ata ang desisyon namin ng Daddy mo. Hindi ka namin dapat iwanan. I can still cancel, ang daddy mo na lang ang pupunta..."

" Ma naman e! Ilang ulit na ba nating napag-usapan ito? You can't miss this opportunity of a lifetime. Isipin nyo din naman ang sarili nyo, hindi na lang puro ako. I'm almost 20 na nga, graduating na din ako. Kung makapag-alala kayo para akong batang paslit!"

Napahinto sa pag-ikot si mommy at naupo sa tabi ko.

"You know why we're doing this, right? You are our only child, at ikaw ang number 1 sa priority list namin ng daddy mo kahit pa napaka-prestigious ng conference na yon. "

"But Ma, i've been doing quite well for the past couple of years. I don't think that there's anything to worry about."

Napabuntong-hininga sya.

"Please Ma, go to the conference and I promise that I'll be fine. Kasama ko naman si Ate Jazzy. I'm not totally alone. Plus, andyan din si manang at mga alipores nya. You are also just a phone call away. So, there's really nothing to worry about."

Todo encourage ko talaga sa mommy ko na sumama. May pagka-OC na, overprotective to the highest level, as in wala nang hihigit pa sa pagka-OA kung mag-alala. Ang I desperately need a breather kahit sandali lang. Dumadating din ang time, na kahit naiintndihan mo ang pagka-over protective ng magulang mo ay pakiramdam mo ay sobrang nasasakal ka na!

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon