Mga Hirap ng Karaniwang ESTUDYANTE.

336 2 1
                                    

"Edukasyong ang pinakamagandang maipamamana ko sa inyo..."

Yan palagi ang sinasabi ng magulang sa kanilang anak.

Paulit-ukit, parang sirang CD(modern na noh! wala ng plaka!), parang si Patrick Star na nagsasabi ng "jellyfishing!" ng 100 times. Wala na rin magagawa kundi sumunod nalang sa kanila, tumungo-tungo habang sinasabi sayo ang magical quote na..."hindi naman para sa amin yan anak,... para yan sa sarili mo...". Siguro yun nga ata ang pakinabang ng "wisdom" tooth sa mga matatanda, na maging "quotes machine" ang kanilang mga bibig, talo pa si SIMSIMI kung makabanat,... todo-todo!

Naalala ko pa nung may nagsabi sakin na ang pagiging estudyante daw ay napakadali, papasok ka lang, ...uupo, makikinig at uuwi.

Ngayon, alam ko na kung bakit nya nasabi yon, siguro dahil hindi pa sya nakapag-aral noon, wala sya sa aking skul, o TANGA lang talaga sya. Hindi biro ang maging estudyante,(especially sa echos naming skwelahang private) ito ang ilan sa mga bagay na nagpapatunay na MAHIRAP MAGING ESTUDYANTE!:

1. ANG ALARM MO SA UMAGA AY MGA SERMON GALING SA BIBIG NG NANAY MO

-simula palang ng paggising mo sa umaga, hangang sa pagkain mo ng almusal, hanggang sa pagligo mo, ay hindi tumitigil ang alarm mo na paulit-ulit na sinisigaw .."DALIAN MO!! MALELEYT KA NA!".

2. WALANG HANGGANG PAGPARA NG SASAKYAN

-ang delubyong ito ay matagal ng iniinda ng mga karaniwang estudyante. Kung hindi puno, coding, at service ang sasakyang dadaan sa harap mo, nag-iinarte lang ang mga driver na ayaw magpasakay kapag mag-isa ka lang. Sa pagpasok (naghahabol ng oras para di malate), dahil medyo maaga pa, kaunti palang ang mga sasakyan (bakit pa kasi nauso ang alak at KTV bars eh!). Sa pag-uwi ng tanghali, impyerno ang sasalubong sayo sa sobrang init! Pwede ka ng magluto ng sisig(paburito) sa ulo mo sa sobrang inithabang nag-aabang! Sa pag-uwi sa hapon, naglipana na ang mga driver na maarte! Akala mo roller coaster ang sasakyan nila na kailangan mo pa ng kasama para lang makasakay!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Hirap ng Karaniwang ESTUDYANTE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon