Shanaiah's POV"Shan.Gising na,"nagising ako dahil sa panggigising sa akin ni momshie.Sinong hindi magigising kung ginigising ka?Sige nga.
"Hmm,"inaantok pa ako eh.
"Shan maghanda ka na malapit na tayong umalis,"unti unti kong minulat ang mga mata ko.
"Saan tayo pupunta momshie?"antok na sabi ko.Tinignan ko ang orasan.3:00 AM pa lang?!Ang aga pa eh."Ang aga aga pa lang momshie tulog muna ako."
"Oh sige matulog ka na at aalis na ako,"and then tumayo na sya.
"Saan ka ba pupunta momshie?"sabay talukbong ko ng kumot.
"Sa Magical World.Babalik na ako dun da---."
"What!!??Bat di mo agad sinabi momshie?!"napabalikwas agad ako."Eto na po maliligo na!Si momshie naman di mabiro.Gising na gising kaya ako,"sabay takbo papuntang banyo.Anubayan!
Pagkapasok ko ng banyo,agad na akong naligo.Di ko na alam kung anong ligo pa ang ginawa ko.Ligong pato,ligong kambing.Hay basta!Di ko na alam!Basta naligo na lang ako.
Nagmamadali akong lumabas pagkatapos kong maligo.Agad na akong nagbihis.
Kinuha ko na ang mga inempake ko kagabi.Masyadong madami ito.Aha!Gagamitin ko ang powers ko.Lumubog ako sa anino ko at hinanap ang anino ni momshie.Tamang tama nasa sala sya.Lumabas ako sa anino nya at halata sa mukha nya ang pagkagulat.Hehe.Ngayon ko lang kasi ito ginawa simula nung matuto akong gamitin ang mga kapangyarihan ko.
Tinignan ako ng masama ni momshie.Halaka talaga Shan!Bat di ka kasi nag iisip?Yan tuloy galit na si momshie.Nag peace sign ako sa kanya at ngumiti."Ikaw talafang bata ka!May balak ka bang bigyan ako ng atake sa puso?!"
"Momshie naman!Bat kita bibigyan nun edi mababawasan ang populasyon ng mga dyosa sa mundong ibabaw!"
"Ikaw talagang bata ka!Halika na nga at umalis na tayo!"tumayo na si momshie at wala akong nagawa kundi ang sumunod.Ayoko ngang magpaiwan!
~~~~
Nandito kami ngayon sa isang liblib na lugar or should I say,gubat.Grabe ang creepy!!Tapos andilim pa!"Pakihawakan muna ang mga gamit ko,"utos sakin ni momshie.Kinuha ko ang mga gamit nya.Mas marami pa kong dala kesa sa kanya ehh.Ilan kayang underwear ang dinala ni momshie??Sabagay datu naman na syang nakatira dun.Pero baka sira na yun kasi ilang years na ehh."April Shanaiah Nicole Marie Scarlet Davids!!"napabalikwas ako sa biglaang pagsigaw ni momshie.
"Bakit po momshie?"inosenteng tanong ko.Eh sa clueless ako.
"Kung ano anong iniisip mong bata ka!"ah.Hehe.Nagpeace sign na lang ako kay momshie.Humarap sya ulit sa puno at nag focus.Ano kayang gagawin nya dyan?Bigla ay may nabuong portal!Wow!Marunong pala gumawa ng ganun si momshie?!Akala ko sa TV lang yun ehh."Halika na Shan,"sabi ni momshie.Nauna syang pumasok sa portal at sumunod ako.Syempre baka may mumu dito sa gubat ehh.Mahirap na.Sayang ang kagandahan ko no!
Pagkalabas namin ng portal,wow!Angganda!Nananaginip la g ba ako??Sinampal sampal ko ang sarili ko.Masakit!So meaning,angganda ko!De joke!So hindi talaga ako nananaginip?Wow!Paradise!Angganda dito!
"Halika na Shan!"tawag sa akin ni momshie.Anlayo nya na!Tumakbo ako paraahabol ko sya.Sa hindi inaasahan,nadapa ako!Huhu.My beautiful face!Bakit ba kasi nakaharang yung bato!!Ano ba yan!!Nabawasan ang kagandahan ko ng .000000000000001% lang naman."Ikaw talagang bata ka hindi ka nag iingat!"tinulungan ako ni momshie na makatayo.
"Eh kasalanan nung bato momshie!Paharang harang ehh!"
"At talagang sinisi mo pa sa bato ang pagkadapa mo?Aminin mo na lang kasi Shan na clumsy ka,"sabi ni momshie.Ouch!Anshaket nun!Ako clumsy??No way high way!Angganda ko para maging clumsy."Tara na Shan.Wag ka ng magdrama dyan at baka mahuli pa tayo ng dating."
BINABASA MO ANG
FERRIA ACADEMY-Finding The Long Lost Princess
FantasyChristina Nathalie Drecaster.Kilala bilang April Shanaiah Nicole Marie Scarlet Davids.Isang makapangyarihang prinsesa na napunta sa mundo ng mga tao dahil sa pagbabalak na sya'y paslangin kahariang kalaban ng Ferria Kingdom.Ito ay ang Dark Kingdom.D...