Arquine POV
Lumulutang ang isip ko habang nakatingin sa bintana ng aming classroom.
I am thinking about Rhythm.
Si Rhythm ang kasalukugan kong nililigawan. For petes sake I dont know what do now.
Hindi kasi kami magkaayos dahil hindi niya ako pinapansin. Okay pa naman kami hanggang sa bigla nalang naging malamig yung pakikitungo niya sakin.
"Arquine lunch na. Kanina ka pa nakatulala dyan. Di ka ba kakain? " sabi ni Steve.
Isa si Steve sa mga kabarkada ko.
"Kakain ako. Wait lang ililigpit ko lang itong mga gamit ko saglit" sagot ko sakanya.
Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko. May sumilip na babae mula sa pintuan.
"Excuse me po. Pwede po bang makausap si Arquine" sabi niya at doon ko lang napagtanto na si Rhythm pala yun.
Nakatayo lang siya sa may pintuan ng bigla akong siniko ni Hydine.
"Psh. Pinagpapalit mo na ko ah" biro niya.
"Hindi naman"sabi ko
Bago ako lumabas ng classroom narinig ko pa ang panunukso sakin ng mga kaklase ko.
"Bakit?" Tanong ko kay Rhythm. Saka siya tinitigan bago ako napalingon sa may likuran niya. Kasama niya pala ang barkada niya, kasama na din si Dane.
"May ibibigay lang ako. Dare lang to huwag kang mag-alala" sagot ni Rhythm.
Saka niya inabot ang isang garapon, na hinala ko ay istik-O ang laman. At may isa pa siyang inabot na ikinataka ko kung bakit niya yun binibigay.
Isang folder na hindi ko alam kong ano ang laman.
Mas lalo pa akong nagtaka ng tumabi siya sakin. Saka humarap sa mga kaibigan niyang may dalang camera.
"Dare lang to. Kaya pa picture ah" saka siya nguti kaya ganun na lang din ang ginawa ko.
Pagkatapos nun umalis na sila.
Tinignan ko yung garapon ng istik-O may nakadikit kasing papel dun.
P.S "Yang nasa folder, yan yung wish mo dati na gagawin ko sana para sayo pero medyo natagalan busy kasi sa school. Saka pwede mo ding ipabasa sa mga classmate mo yang nasa folder huwag lang yung last page na 'revelations' ang tittle. Enjoy Reading"
Ano na naman kaya ang pakulo ng babaeng yun.
"Huy Arquine ano yan?" Sabi ni Jeff saka nagpumilit na agawin sakin yung folder saka Istik-O.
"Wala to. Dare lang daw tss" sarcastic kong sabi.
Saka pumasok sa room at inilagay yung istik-O saka folder sa may bag ko.
"Oh tinitingin niyo? Kala ko ba lunch na? Kain na tayo." Sabi ko saka na unang lumabas ng room.
"Uy pre huwag ka ngang ma-bad trip ikaw na nga tong binigyan ng gift eh"
"Dare lang yun" sabi ko.
After naming mag lunch. Resume na ng klase kaya naging busy na.
Kinukulit at tinutukso padin ako ng mga kaklase ko kahit may klase na.
Kaya sinisita sila ng guro namin.Nang uwian na binukasan ko na yung istik-O saka nagsimulang kumain.
"Arquine pahingi naman" sabi ni Steve.
"Ayoko nga para sakin lang to eh" sabi ko saka siya dinilatan ng mata saka tumawa.
"Psh pustahan magpalahingi ka rin lang" bulong niya.
Bubulong-bulong eh maririnig ko din lang. Ungas talaga.
"Magpapahingi naman talaga ako hindi nga lang sayo" sabi ko sakanya saka tinawag si Hydine.
"Hydine gusto mo?" Tanong ko sakanya.
"Syempre naman ah" sagot niya.
Sa huli nabigyan din lahat ng kabarkada ko dahil binigyan sila ni Hydine.
Nang pauwi na sumakay kami ng tricycle kasana ko yung ibang kabarkada ko na taga samin din.
Pagkadating ko sa bahay binaba ko yung bag ko samay higaan saka nagshower at nagpalit na ng damit pambahay.
"Kuya ano yung binigay sayo ni Rhythm kanina sa school?" Tanong ng kapatid kong si Tina.
"Istik-O saka folder. Bakit?"
"Wala lang. Kuya anong laman nung folder? Pabasa ah." Sabi niya
Saka nagpunta sa may higaan. Syempre dahil sinabi ni Rhythm na dapat ako ang unang makabasa. Nag-agawan kami ni Tina sa bag ko.
Nang mainis siya dahil hindi niya ito makuha. Yung phone ko naman ang kinuha niya saka nagfacebook nalang. May pagka-abnormal talaga yung kapatid kong yun.
Umupo ako samay kama at binuksan yung bag ko. Kinuha ko yung folder at nag-umpisang magbasa.
THE FORGOTTEN RULE
-RhythmI fell in love with my childhood friend. Hindi niya alam na may feelings ako para sakanya.
Hindi ko alam kong kailan ito nagsimula.
Basta isang araw nalaman ko nalang na kapag wala siya namimiss ko siya, at kapag nandyan naman siya ang saya sa pakiramdam.