Nag hihintay ako sa waiting shade sa tapat ng school ko dahil umuulan. Waiting shades nga, wala namang bubong. Edi nabasa rin ako? Mga dalawang oras na rin akong nag hihintay dito at medyo madilin na ngunit hindi parin dumadating si daddy. Ang sabi nya kasi ay susunduin nya ako para daw ma I-celebrate namin ang 16 birthday ko.
Nag simula ng tumulo ang mga luha ko. Bakit ba kasi umasa pa ako na masusundo nya ko? Lagi naman syang busy eh. Sana kasi sumabay nalang ako sa school bus. Hindi sana ako nag hihintay sa isang madilim na lugar. Ang lakas pa ng ulan at hangin. Pano ba ako natitiis ni daddy? Mas mahalaga pa ba talaga ang trabaho nya kesa sakin? Ngayong alam nya na nag hihintay ang kaisa-isa nyang anak sa kanya?
Napa tungo na lamang ako at napa hikbi. Ang sakit lang isipin na kahit minsan ay hindi ko naramdaman ang pag mamahal at pag aaruga ng tatay ko saken.
"Hindi bagay para sa isang prinsesa ang umiiyak" Napa tingala ako at mas lalong umiyak ng makita ko ang naka unipormeng si Blake sa harapan ko. Meron syang hawak-hawak na payong na nag sisilbing silong naming dalawa.
"A-anong ginagawa mo dito? D-diba may finals kayo? Pag hindi mo na tapos at nakuha yung test mo, hindi ka ga-graduate ng highschool."
Ngumite sya saakin at mahinhin na hinaplos ang kanan kong pisngi. "Mas espesyal naman ang mawawala saakin pag hinayaan kitang mag isa dito. Madilim na oh. Malakas pa ang ulan. Baka kung anong masama ang mang yari sayo. Hindi ko ata kakayanin yon" Nag titigan lang kami hanggang sa sumuko na ako at pumatak na naman ang mga luha ko. Agad nyang ibinaba ang payong at lumuhod. Niyakap ako ng mahigpit. Parehas na kaming basang-basa ng ulan ngayon pero wala syang pake alam. Ang mahalaga lang para sa kanya ay ang mayakap ako.
" Tahan na." Sabi nya habang dahan-dahang hinahaplos ang aking likod. "Sige ka, mababawasan yang kagandahan mo. Muka ka pa namang dyosa pag masaya ka"
Napa tingin ako sa muka nyang mala anghel na naka ngiti. " I'm here, Kath" Mahina nitong sabi habang naka tingin sa mga mata ko. Seryoso na ang muka nya. Sincerity was writen on his face. " I'm always here." Lumuhod na rin ako at niyakap syang muli. "For you" Bulong nya sa tenga ko.
Hindi na ako umuwi ng bahay. Tinawagan narin nila Tita si Mommy. Kasama daw ni mommy ngayon si daddy sa isang business meeting kaya hindi nya ako nasundo.
Lagi naman eh.
" Oh." Sabi ni Blake habang itinututok sakin yung kapiraso ng cotton candy na binili nya. "Naka simangot kana naman eh"
Isinubo ko yung kapirasong cotton candy at hinayaan itong matunaw sa bibig ko.
"Hhm. Maybe this will lightened you up a bit" Nang maka lingon ako sa kanya ay isang hugis bilog na cake ang nakita ko. Strawberry cake ito na may kandila sa gitna. "Make a wish" He smiled.
" Wag ako ang titigan mo at baka matunaw ako. Make a wish." Sabi nya at ngumisi.
Ngumuso nalang ako at pumikit. 'God, wag nyo po sanang kunin ang bestfriend ko sa akin hah? Wag nyo po sana syang ilalapit sa ibang babae. Ibigay nyo nalang sya sakin. Sya lang po kasi ang meron ako sa mundong to. Alam ko pong mahal nyo ako god. Kaya please? Akin nalang sya?' Pag katapos kong sabihin iyon sa aking isip ay hinipan ko na ang kandila.
Pag mulat ko ng mga mata ko ay isang necklace ang nakita ko. Isang silver necklace na may pendant na kalahating puso.
" Wow Thanks" Kukunin kona sana yung kwintas ng iiwas nya ito.
" Sakin to. Wag kang feeling. "
Edi poker face "Para saan pa at ipinakita mo sakin yan?" Naka cross-arm kong sabi. "At bakit kalahati lang yang puso hah? Asan ang kaduktong nyan?"
Tumawa sya at ginulo ang buhok ko. "Yang nguso mo, humahaba na naman." Hinalikan nya ang noo ko na agad naka pag pabago ng aking itsura. "Gusto ko kasing ikaw ang mag lagay sakin ng kwintas na to. At ang kalahati ng isang puso ay ibinigay ko sa taong gusto kong maka sama forever"
Forever? Meaning may girlfriend na sya? Too late na po ba ako?
" Eh sino naman yung babaeng pinag bigyan mo ng kalahating puso?" Naiimbyerna kong sabi sa kanya.
" Secret" He grin "Malalaman mo rin yun" He smirked.
Pag katapos kong ikabit ang kwintas sa kanya ay hinila ko ito kaya naman nasakal sya. "Sorry hah? Hindi ko SINASADYA. Nakaka imbyerna kasi yang kwintas mo eh. Masyadong tanso" Napa iling nalang sya at ngumiti.
"May isa pa nga pala akong supresa sayo" Naka ngiting aso nitong sabi habang pinapakita ang dalawang kahon. "Kahon? Anong gagawin ko dyan"
"Na panood mo na ba yung movie na 'My sassy girl?'"
" Yung korean movie?"
" Yeah." He smiled "Gagawa ka ng sulat na gusto mong sabihin saakin tapos ilalagay natin iyon sa kahon mo. At ilalagay ko naman yung akin sa kahon ko. Parehas natin iyon ibabaon sa ilalim ng fountain sa playground kung saan lagi tayong nag lalaro at unang nag kakilala. Bubuksan lang natin ang mga kahon pag naka tapos na tayo ng college." Sabi nito.
"Sige ba. " I smiled. Pero hanggang ngayon curious parin ako sa babaeng pinag bigyan nya nung kalahating puso.
*Kringgggggg*
Kinapa ko yung alarm clock at nang mahawakan ko na ito ay agad ko itong itinapon sa dingding. Langhiya kung sino man ang nag imbento nyan.
Kinuha ko ang cellphone ko dahil may nag text.
'Are you ready? Luncheon na natin mamayang gabi. Cant wait for tomorrow's graduation. Sa wakas ay malaya na tayo sa impyernong puno ng libro at masusungit na guro.' -Lester
Siraulo talaga. Tumingin ako sa wall clock at tuluyan ng tumayo ng kama. Nag unat ako at dumeretcho sa banyo.
Mga five pm na. Tatlong oras nalang ay simula na ng luncheon namin. Bukas narin ang graduation.
Susupot kaya sya?
BINABASA MO ANG
A Best Friend's Love
FanfictionA book full of short stories about a heart who loved and a friendship that last. (KathNiel)