Kinuwento ko lahat kay kuya, minsan di ko pinagkakatiwalahan si kuya Dan... Pero sa mga panahon na ito kailangan ko talaga ng kasama...
- Gino: Kuya, ang sakit pala sa damdamin... Durog na durog ang puso ko...
- Dan: Wag ka nang umiyak Gino... Kalalaki mong tao umiiyak ka... Diba ako nagturo sayo kung paano maging matapang?
- Gino: Oo kuya... Pero di ko talaga mapigilan...
- Dan: Bayaan mo na, lilipas rin yan... Talaga bang mahal mo si Julia o first emotion mo lang yan?
- Gino: Oo naman kuya... Ibibigay ko sa kanya hangga't abot ng makakaya ko...
- Dan: Kitang kita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo sya... Kasi masyado mong dinadamdam...
- Gino: Kuya, anung pwede na gawin ko?
- Dan: Tadhana nalang yata yung bahala...
- Gino: Pero kuya, ang sobrang sakit talaga...
- Dan: Alam mo Gino... Nakikita ko ang sarili ko sayo nung ka edad mo pa ako... Maniwala ka man o sa hindi... Minahal ko rin ang bestfriend ko... (kinuha yung wallet sa bulsa at pinakita ang isang picture na isang magandang babae)... Ito si Bianca, sya ang bestfriend ko... Pinagtapat ko sa kanya na mahal ko sya pero bilang bestfriend lang talaga daw ang turing nya sakin... Kinimkim ko rin ang sagot nya... Pero lumipas ang panahon, di ko na sya pinansin at kinausap... Tignan lang sya di ko pa magawa dahil sa sobrang tampo ko sa kanya... Ngayon wala na akong contact sa kanya, di ko nga rin alam kung nasaan na sya... Pinagsisisihan ko talaga ang ginawa ko...
- Gino: (Curious at parang nakita na nya yung babae)... Ano ba complete name nya kuya?
- Dan: Name nya ay Bianca Hernandez...
- Gino: Kuya, parang nakita ko na si Bianca... At ano sabi mo? Hernandez? Grabe kuya! Parehas sila nang apelyido ni Julia!
- Dan: (Gulat na gulat) Saan Gino, saan? Saan mo sya nakita?
- Gino: Di ko pa sya nakita sa personal pero parang nakita ko na sya sa bahay ni Julia... Isang picture... Di talaga ako nagkakamali... Si Bianca ang nakita ko sa picture...
- Dan: Sigurado ka ba sa sinasabi mo?
- Gino: Oo kuya... Di nga ako nagkakamali... Si Bianca yung nasa litrato... Kuya! Meron rin nabanggit si Julia na meron daw syang kapatid na babae na pangalan ay Bianca...
- Dan: No... Di maaari... KAPATID NI JULIA SI BIANCA?! Pero di ko sya nakikita sa kalye... Kung kapatid nya si Julia bakit wala sya sa bahay nila?
- Gino: Sabi ni Julia, nasa Campus daw sya... Nasa UST... University of Santo Tomas ba yun?
- Dan: Tama! Santo Tomas... Kailan daw ang balik?
- Gino: Di ko alam kuya...
- Dan: Ay Gino! Bakit ba natin pinaguusapan yung problema ko? Diba problema mo yung pinaguusapan natin?
- Gino: Oo nga... Tama ka kuya magiging OK rin ako... Tinulungan mo ako sa problema ko... At nagpapasalamat ako... Ngayun ikaw naman ang kailangan kong tulungan... Aalamin ko kung saan si Bianca at kung saan sya nakatira and any other information na makukuha ko.
- Dan: Di ko alam masasabi ko Gino... Di ko alam kung paano kita mapapasalamatan... Di ko rin alam kung anong sasabihin ko kay Bianca pag nagkita ulit kami...
- Gino: Ok lang yan kuya... Basta ako OK na ako... Thank you sa pag comfort sakin kuya ko.
- Dan: Walang anoman... Ano ka ba Gino... Nandito lang si kuya Dan mo na handa kang tulungan ka... Sige tulog ka na, 1:00 na pala ng madaling araw... Mapuyat ka pa...
- Gino: Sige kuya, tulog na ako...
- Dan: Tulog ka na at matutulog na rin ako... Sige good night...
- Gino: Good night rin kuya...
BINABASA MO ANG
Bestfriend or Lovers?
Teen FictionKaya mo bang ibigin ang bestfriend mo? Kaya mo bang palitan ang nararamdaman mo para sa kanya? Paano kung hanggang matalik na kaibigan lang ang turing nya sayo? Matatanggap mo ba? Let's see what's gonna happen to Gino and Julia, two teenagers who ar...