bago ka magpaalam

731 2 0
                                    

Bago ka magpaalam   --- para sa mga taong bigla nalang iniwan sa ere

Kung babalikan mong mabuti ang lahat ng sinabi mo saakin noon malalaman mo kung bakit patuloy akong kumakapit hanggang ngayon.

Pilit akong hinihila ng mga salitang binitiwan mo, salitang tayo lang hanggang dulo salitang ikaw lang pangako

Kaya mahal sandali lang hayaan mo akong magsalita 🙂

Una-
Bago ka magpaalam alalahanin mo, alalahanin mong ako ang sumalo sayo nung mga panahong binitawan ka niya sa bangin ng pagkalunod,alalahanin mong ikaw ang pinili ko sa mga panahong nakikipagtalo sakin ang mundo , di ko ginustong mapunta ako sayo ikaw ang naglapit sa mga paa mo sinusundan ang daan na saakin patungo pero ang BOBO ko pinusta ko ang sarili ko sa taong di ako sigurado

Pangalawa-
Bago ka magpaalam umamin ka muna . Mata sa mata . puso sa puso sabihin mo sakon ang totoo
Pinili mo ba talaga ako dahil ako ang mahal mo O pinili mo ako dahil ako ang nanjan noon para sayo dahil kung utang na loob lang din pala ang dahilan sana nagpaSALAMAT ka nalang

Pangatlo-
Bago ka magpaalam magpaliwanang ka
Anong wala ako na meron sya
Pinapasaya kaba niya, Mas magaling ba syang magalaga , kulang paba ang I LOVE YOU ko sa umaga ?? dahil kung hindi pa sapat mahal dadagdagan ko pa

Pangapat-
Bago ka magpaalam sumagot ka anong naging problema nating dalawa?? diba pinaguusapan naman natin lahat diba ano bang naging problema nating dalawa ? bakit bigla kang sumuko ? biglaang yumuko ! magisang tumakbo kinalimutan ang tayo , heto ako naghahabol parin sayo

Panglima-

Bago ka magpaalam mahal makining ka

Bago ka magpaalam sabihin mong sigurado kana sakanya dahil kung hindi pa MANATILI ka
Bago ka magpaalam sabihin mong kaya mong KALIMUTAN ang ating ALAALA
dahil kung hindi mo kaya mahal PARANG AWA muna MANATILI ka at higit sa lahat bago ka magpaalam sabihin mong HINDI MUNA AKO MAHAL dahil kung napapagod ka lang manatili ka at lahat ng ito bago ka magpaalam
MAGPAALAM KA NAMAN
Hindi yung para kang bula na bigla ka nalang mawawala at ako tong parang pusang inabanduna muna

Mahal kita ehh , minahal kita at mahal na mahal parin kita

Kaya pasensya na hanggat hindi ko naririning ang lahat ng ito
Hindi ko maririning ang paalam mo

MAHAL MANANATILI AKO😞😟😔😒☹🙁😣

word spoken poetryWhere stories live. Discover now