PANANDALIAN

134 0 0
                                    

Naglalakad sa isang malawak na lugar

Magkahawak ang mga kamay

Tawanang walang humpay

Naglalaro na parang mga bata

habulan sa ilalim ng mga tala

Masasayang tawanan at kulitan

Mga alaalang hindi matutumbasan

Matatamis na salita

Mga ngiting hindi maipinta

Mahihigpit na yakap

Magagandang pangarap, pangarap na tayo ang magkasama ikaw at ako walang iba .

Pero hindi rin pala magtatagal

Dahil panandalian lang pala

Panandaliang mo lang pala ako pasasayahin

Panandaliang mo lang pala akong pakikiligin

Panandalian mo lang pala akong mamahalin

Pero.............

Minahal nga ba talaga

Minahal mo nga ba talaga ako kasi hindi ako sigurado

Dahil kung ako talaga ang mahal mo
Hindi sana tayo umabot sa ganito

Noon halos araw araw tayong magkausap

Ngayon hindi na magawa ni isang sulyap

Hindi ko alam kung ano ang dahilan

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang

Panandaliang saya

Panandaliang kasama ka

Panandaliang halaga

Panandaliang mahal natin ang isa't isa

Nakakalito

Nakakalito kung minahal mo ba talaga ako
Dahil ang gulo

Gulong guli na ang puso't isip ko

Pero naisip ko

May mga bagay talaga na pwedeng maulit pa

Pero may mga pagkakataong posibleng hindi na

Tulad nating dalawa di ma pwedeng maulit pa

Dahil ayoko maging panandalian

Ayoko maging isa sa iyong pagpipilian

Ayoko maging pampalipas oras

Ayoko maging panakit butas

Pero kasalanan ko rin

Kahit sobrang hirap tanggapin pumayag kasi ako

Na maging panandalian mo ..

Panandalian unan kapag malungkot ka ay kayakap mo

Panandaliang panyo handang punasan ang mga luhang papatak mula sa mga mata mo

Hindko ko naman inaasahang mahuhulog ako

Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa isang tulad mo

Dahil sa totoo lang

Pinigilan ko ng sobra ang sarili ko

At ngayon nga natauhan na ko

Ngayon nalaman ko na ang totoo

Na hindi ako pwede maging pangmatagalan sayo

Dahil nung una palang ramdam ko nang panandalian mo lang ako

Panandaliang saya

Panandaliang halaga

panandaliang kilig

Pero ikaw......






ang pangmatagalang sakit sa dibdib 😭😭😭😭😭

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

word spoken poetryWhere stories live. Discover now