Sherwood POV
-
-
-
Habang nakatingin ako sa view ng Taal Lake sa labas ng aking unit sa isang hotel sa Tagaytay, bigla na namang tumulo ang luha sa aking mga mata. Mga luhang di ko aakalaing lalabas pa. Ang inakala kong mga mata kong ubos na ang luha ngunit sa pagkakataong iyon, nagkamali ako.
"Letseng pag-ibig to, napagastos tuloy ako ng wala sa oras." tanging nasabi ko na lang sa sarili ko habang iniinom ang kape na kanina na nakahain sa aking veranda.
Ako nga pala si Sherwood Hidalgo, natatanging anak ni Elizabeth Hidalgo na isang sikat na beauty queen ng kanyang kapanahunan. Lolo ko ang isang napakamaimpluwensiyang senador, si Sen.Victorino Garcia.
Simula pa lang ng bata pa ako, ang tanging alam ko lang gawin ay sundin ang lahat ng sasabihin ng aking ina ,upang hindi daw masira ang reputasyon nila. Ito ang naging dahilan kung bakit iniwan kami ng aking ama, ayaw na niya ng atensyon ng mga tao, masyado na siyang nababastos at di na siya nirerespeto ng iba.
Wag na nating pag-usapan ang bagay na iyan. Past is past, pero di ko alam kung masasabi ko pa ang mga katagang iyan ngayon.
PAST IS PAST
-
-
-
"FVCK YOU, BOYS. PARE-PAREHO LANG KAYONG LAHAT"
Well, ano pa nga ba ang maeexpect mo sa isang katulad kong Socialite, IT GIRL nga kumbaga. May magseseryoso nga ba sa amin? Oo tama, kakahiwalay ko lang sa lalakeng akala ko magiging liwanag sa madilim kong buhay. Actually, pang LIMANG MALING AKALA ko na ito.
[PHONE RINGS]
Sino na naman kaya ito? Sana hindi na naman ito media kasi punong-puno na ako
"Hello?!"
"HOYY IHA, BAKIT DI KITA MAKONTAK! SASAPAKIN KITA TALAGA SA TOTOO LANG", sabi ng babaeng matinis ang boses sa kabilang linya. Isang kaibigan na tanging alam niya na di siya iiwan
"Ahh ganun ba? Sorry na, HUHUHUHHUHUHUH PUNTA KA DITOOOO BESTIEEE ;("
Oo siya nga ang bestfriend ko na maituturing, siya lang ang makakatulong sa akin ngayon.
" Oo na, pupuntahan na kita. Alam kong nasa Taal Vista ka, magchecheck-in ka na nga lang ng hotel, sa amin pa. Wala kang sense of hiding no? I'll be there wait for me", sabi niya
Agad na binaba na niya ang phone , ngunit biglang may kumatok sa pintuan
"Ang bilis mo namang makapunta dito, saglit lang"
Akala ko si bestie mabagal kumilos bat ang bilis niya ata ngayon
Nang binuksan ko ito, bumungad sa akin ang isang lalake, ang lalakeng ayaw ko na muling makita. Ang lalakeng sinaktan ang puso ko, ngunit bakit may dala siyang babae?
AYOKO NA ULIT MASAKTAN PA
BINABASA MO ANG
Revenge of the Busted Chinito: (Chronicles of Torpe)
Roman pour AdolescentsSi Kristoff Lee, ay isang mayaman na estudyante ng Philippine School sa South Korea. Napili niyang pasukan ang Pinoy na paaralan dahil ang mama niya ay isang Pinay na mahal na mahal niya. Kaya maituuring din siya na 100% percent pinoy at heart. Cert...