Imperfect

20 0 0
                                    

Strong Parental Guidance..
Read at your own risk.

Perfect

I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me

Halos mamawis na ang mga palad ko dahil sa sobrang kaba! Finally , ikakasal na kami ng babaeng mahal ko. Bubuo na kami ng pamilya at tutuparin na namin ang mga pangarap naming magkasama.

Pinilit kong wag maiyak ng makita ko na siya, naramdaman ko ang pagtapik ng kaibigan ko sa balikat ko.

"Congrats pre , alam ko magiging masaya kayo sa isa't-isa." Napangiti ako sa kaibigan ko saka bumaling muli sa babaeng mahal ko, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagngiti niya.

Hindi ko mapigilan ang manginig ng mahawakan ko na ang kamay niya, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit .

"Mahal, eto na. Ikakasal na tayo, kaya wag ka ng kabahan hindi naman ako tatakbo." Natatawang saad niya , hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya.

"Akala mo naman papayag ako, eto nga ,itatali na kita. " Natatawang saad ko din , walang mapagsidhan ang saya na nararamdaman ko eto na talaga.

Inakay ko na siya papunta sa harapan ng altar , hindi ko talaga mapigilan ang nerbiyusin at nang marinig ko ang mahinang pagtawa ng mahal ko ay nabaling ako sa kanya.

"Alam mo ikaw na lalaki ka, napakanerbiyoso mo. Easy lang ,ikakasal na nga tayo ganyan ka pa din." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya saka dinala ko iyon sa mga labi ko at hinalikan ang likod ng kamay niya. Matapos iyon ay tinitigan ko siya ng punong puno ng pagmamahal, tama wala akong masabi sa kanya ngayon pero isa lang ang sigurado ko.

"I love you babae , mahal na mahal kita love .." Alam kong nagmumukha akong bakla dahil sa pagpipigil ng luha ko, nakita ko naman kung pano lumanlam ang mga mata niya saka ngumiti.

"Mahal na mahal din kita lalaki.. kaya sana ingatan mo ko." Tumango ako, paulit-ulit.

"Pangako.." Maramdaming kong saad sa kanya..

'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine

Ginawa ko ang pangako ko sa kanya , minahal ko talaga ang asawa ko, pero pakiramdam ko mas madami siyang nagagawa sakin dahil simula ng ikasal kami hanggang ngayon na maglilimang buwan na kaming kasal siya pa rin ang umaasikaso sakin sa pagpasok at pag-uwi ko .

"Ba, ayaw mo bang kumuha ng kasambahay? Para naman may nakakatulong ka dito." Nakahiga na ako sa kama ,kaya naman tumagilid ako para makita ko siya . Bumaling naman siya sakin napangiti ako ng makita ko ang mukha niya, limang buwan na kaming kasal pero hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na talaga siya.

"La , kaylangan pa ba yun? Kaya ko naman ang lahat ng gawain dito sa bahay." Humiga na siya sa tabi ko, niyakap ko siya. Kumabog na naman ng mabilis ang puso ko ng tumingala siya at ngumiti sa akin.

"Ayoko lang naman na napapagod ka, saka pakiramdam ko mas ginawa kitang maid kesa asawa." Nakasibangot kong saad para namang musika sa pandinig ko ang tawa niya.

"Sira , trabaho ko talaga iyon. Saka ano naman ang gagawin ko sa bahay aber?" Doon naman ako napangiti ng malawak nakita ko naman na napailing siya saka natatawang itinulak ako ng mahina pero dahil mas maagap ako mas niyakap ko ang asawa ko, nakakatawa lang dahil para kaming mga bata . "Ayoko ng ngiti mo na yan la."

Music For The Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon