Lakad lang ako ng lakad naguguluhan na tila naghahanap ng kasagutan. Hanggang kailan ako maghihintay, hang gang kailan ako maghahanap na tila nakikipag unahan. Aasa na naman ba ako?
Ako nga pala si Ally Florida mahilig akong mag -isa, ewan ko nga ba pero mas nag-eenjoy kasi akong magsolo. May mga kaibigan naman ako pero bilang lang ang mga iyon. Ayoko kasi ng plastic na kaibigan. Yung family ko, tingin ko maswerte na ako kasi naman nakakasama ko sila sa gabi kahit sobrang busy nila sa negosyo namin na minana pa kay lolo. Sikat ang pamilya namin pero ako ito isang simpleng estudyante sa Divine Sacred Academy ayokong ipangalandakan na kapatid ako ng isa sa mga gwapo (kuno)/heartrob ng skul namin si Kevin. Minsan lang kami magkasundong dalawa, nakakainis kasi ang feeling niya.
Hi, bunso 😉 kamusta kana? Nag-iisa ka na naman dito sa kusina, ito oh, tubig (sabay buhos Saken)
Hayst 😠. Nakakainis siya ang bait niya sobra. Kumuha ako ng baso na may lamang tubig (yung pinakamalamig talaga) sinundan ko siya sa kwarto niya at habang binububuksan niya ang pintuan sinabay ko ang pagbuhos sa likuran niya ng tubig sabay takbo. Haha😂😂
Hinabol niya ako pero sorry sya mabilis akong nakatakbo sa kwarto ko. Nilock at nagkulong muna ako sa kwarto bababa na lang ako pag magpapraktis na sya ng basketball.