Dos

2.3K 62 25
                                    


"Fuck! Fuck!" Paulit-ulit nitong mura na halos ikame-hame wave ako. Nakita pa ng peripheral vision ko ang pagtulong dito ng baklang salesman na ayusin ang nagkalat na saging. Serves you right.

Hala? Bakit ko ba ginawa yon? Napakawalang-modo ko naman? Jusko mumsh! Bipolar na yata ako e? Pero kasi pagkatapos niyang iligtas ang buhay ko sa jeep at ibili ako ng condom, binato ko pa siya ng saging? Pero dapat lang yon sa kanya! Tawagin ba naman akong tigang? Judger siya! Hmp.

Agad akong naghanap ng C.R para magpalit ng suot kong panty at palda. Myghad. Kadiri talaga yong saging na yon. Siya pa yata makakauna sakin kesa kay Carlos.

Buti na lang at may dala akong damit sa bag ko. Nagpalit na lang ako ng pants at t-shirt. Nag-retouch na din ako para naman ma-excite si Carlos sakin kapag nakita ako no?

Napatingin ako sa relo ko. Halos alas-siyete pasado na ng makalabas ako ng mall. Pinag-tripan ko nga si Carlos e. Sinabi kong di na ako makakarating para naman ma-surprise siya kapag nakita niya ako mamaya.

Sabi niya okay lang naman daw kesa daw mapahamak pa ako papunta sa boarding house nila. Ang sweet talaga nitong boyfriend ko. Ano kaya gagawin ko mamaya pagnagkita na kami ni Sweetipie ko? Ano kaya una kong huhubarin? Jusko sana nanunuod muna ako ng tutorial kay Maria Ozawa. Hays.

Naalala ko pa ang pagmumukha noong lalaki kanina sa mercury drug. Halos kainin ako ng buo e. Pero kapag kinain ako ng buo non hindi ako papalag. Char! Napakalandi mo Yumi. Maghunos-dili ka nga!

Pero in fairness talaga sa lalaking yon. Napaka-fresh ng mukha at parang mayaman. Sigurado iniwan ng babae yon kaya bitter sa buhay. O baka hindi naman siya bitter, baka assuming lang ako?

Hindi na nagreply sakin si Carlos at matutulog na daw siya. Kinikilig ako kapag naiisip ko ang mangyayari mamaya. Pero kinakabahan din. Kahit 22 years old na ako ay iisa pa lang ang naging boyfriend ko at si Carlos yon. Sikat na babaero yong boyfriend ko noon dahil bukod sa gwapo naman talaga e may kaya pa.

Naalala ko pa kung paano kami unang nagkakilala. Third year college ako nun at nagpiprepare para sa exam. Ginabi na akong umuwi non e dahil sa pagrireview. Biglang umulan ng malakas at nakatayo lang ako sa shed na malapit sa University at naghihintay ng masasakyan pero halos isang oras na ang nakakaraan ay wala pa ring dumadaan na kahit jeep.

Maiyak-iyak na nga ako nun kasi halos alas-diyes na at di pa rin ako nakakauwi. Hanggang sa madaanan ako ni Carlos na nakatayo sa shed at may dala siyang malaking payong tsaka hinatid niya ako sa pinakamalapit na sakayan para lang makauwi ako. Tapos nagtuloy-tuloy na ang pagkikita naming dalawa at ito na nga ngayong gabi may pafiesta. Hays.

Ito na talaga! Regine. Regine. Hooh! Winisik-wisik ko muna ang namamawis kong kamay at nag-spray ng pabango at perfume sa bunganga bago bumaba sa tricycle na sinakyan ko. Ang pangit ng lasa. Pwe. Nag-bun ako kasi sabi dun sa nabasa kong facebook post, 80 perfect of men love women who tied their hair in a bun. Pero pagsexually attracted daw it should be braided. Tapos 80 percent of women likes men with abs daw but 80 percent of men with abs don't like women. Di kaya kasali si Son Goku sa 80 percent with abs who don't like women? Hala siya! Bakit si Son Goku pa din ang naiisip ko hanggang ngayon?

Nandito na ako sa baba ng boarding house nila. Isang malaking bahay ito na may nakatira bawat kwarto. Halos estudyante lahat.

Binuksan ko ang gate na bakal sa may balkonahe na ginawa nilang sampayan at lagayan ng sangkaterbang sapatos. Binuksan ko din ang main door at nakita ko ang lalaking nakahubad ng pang-itaas na tutok na tutok sa TV. Napataas ang kilay ko nang makita ko kung sino ito. Si Ronald. Tahimik at palihim na pinupunasan ang luha habang nanunuod ng Probinsyano. Hala siya! Pinagtataka ko lang sa palabas na to halos tatlong taon na pero Probinsyano pa rin ang pamagat at hindi pinalitan ng Manileño? Share ko lang. Napalingon ito ng itulak ko ang pinto para luwangan at makapasok ako sa loob.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon