My Forgetful Husband ( one shot )

228 7 3
                                    

" Miss, sino ka?"

Nagising ang natutulog kong diwa sa tanong n'ya. Umupo ako mula sa pagkakahiga at pinagmasdan s'ya.

Matangos pa rin ang ilong n'yang lagi kong kinakagat kapag naglalambingan kami.

Makapal parin ang mga kilay na kumukunot kapag late na akong umuuwi.

at mapula parin ang mga labing nagpapatahimik sakin kapag tinotopak ako.

Gwapo parin s'ya tulad nang dati. :)

" kaanu-ano ba kita? " 

napakurap ako. hindi pala ito ang tamang oras para titigan s'ya. may kung ano nanamang kimikirot

sa puso ko. nanlalabo nanaman ang paningin ko dahil sa nangingilid na mga luha. pero hindi

ako pwedeng umiyak. hindi ako pwedeng magpakita ng kahit konting kahinaan.

umalis ako sa kamang pinaghihigaan namin para buksan ang T.V at DVD player.

" ah mahal, magluluto lang ako ng brakfast natin. panuorin mo muna to para di ka mainip. iaakyat ko na lang yung food kapag okay na. "

bakas sa mukha n'ya ang pagtataka pero sinunod n'ya parin yung sinabi ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, habang papunta sa kusina, nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo. 

masakit talaga. hindi ko alam kung paano ilalarawan yung sakit. pero  sa sakit na yun

ako kumukuha ng lakas para magpatuloy.

hindi ko pa man din nararating ang kusina ay napaupo na ako. masyado akong nanlalambot.

umiyak lang ako nang umiyak. sa ganitong pagkakataon lang ako nakakaiyak. kapag nasa harap

n'ya ako, dapat malakas ako. " hindi ako dapat sumuko." 

nagpunta na ako sa dapat kong puntahan. " Dapat maging masarap to." bulong ko sa sarili ko habang nagluluto.

Dalawang taon na pala. Dalawang taon na ang lumipas matapos naming madiskubre ang sakit

n'ya. Noong una, akala namin ay sadyang makakalimutin lang s'ya. pero habang dumadaan ang

araw, lalong dumarami yung mga nakakalimutan n'ya. Hanggang sa pati address, pamilya at ako.

pati ako nakalimutan n'ya. bumabalik naman yung mga alaala pero hindi tiyak kung kailan. minsan

isang araw lang, minsan naman inaabot ng isang linggo. gumuho ang lahat ng pangarap naming

dalawa. bakit sa dinami-rami ng tao sa mndo, s'ya pa yung nagkaroon ng Memory Loss?

At bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, S'ya pa yung minahal ko?

aaminin ko, inisip ko noon na iwanan s'ya. Pero di ko ginawa. imbis na sa airport pumunta,

dumiretso ako sa S.M nung araw na yun. Bumili ako ng Digital Camera. Nagulat s'ya nang makita

n'ya ako sa labas ng bahay nila. Akala n'ya kasi, nagpunta na akong Canada. Niyakap ko s'ya nang

mahigpit.. hinding- hindi ko makakalimutan yung mga sinabi ko nung araw na yun.

" Miko, mahal kita. akala ko, sapat na dahilan na yun para magpatuloy tayo. pero hindi pala.

Lalo na sa kalagayan mo ngayon. Miko, gusto kong labanan mo yung sakit mo kasama ko.

gusto kong patunayan sayo na handa akong mag stay sa tabi mo. aalagaan kita , mamahalin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Forgetful Husband ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon