I.S.A.A.T. Series: Youth Influence

59 1 1
                                    

[NATZ Point of story]

--Ayun na nga! Feeling ko.. na LIKE ko na talaga siya... Grabe tagal rin bago ko binuksan yung phone ko na nag-lalaman ng text ng mga kaklase ko. Pag-pindot ko ng open... BAD TRIP! Nakalimutan ko na mag-doDOTA nga pala kami, ngayon ipinapaliwanag pa ko. Hala... tagal ko pang mag-reply! $*@?&~ At tsaka gabi na pala, lang hiya to'- tagal na pala akong natutulog.

Nireplayan ko ang aking isang kaklase, nasabi ko: "Busy kasi sa bahay, maraming pinagawa sa kin, dre."-- Ang sinungaling ko! Hahahahaha!! XD Pabulong kong sinabi na sana di sila nakakahalata dun. Lalabas na sana ako ng aking kwarto nang biglang tumunog ang phone ko. Kinakabahan ako sa text ng mga tropa ko... Dali-daling binuksan ulit ang phone, at naginhawaan nang malaman kong si LARA na pala iyon!~ Kay saya ko nun.

Hay sa wakas! Nag-reply din... Sabi niya wala pa raw kasi siyang load kaya di niya ako ma-text. Grabe yung ngiti sa mukha ko, ang WAGAS. "A girl like this is impossible to find...-" ang naalala kong parte ng isang kanta habang tinetext ko siya.

Habang ang saya-saya ko, ang KJ ng mama ko! WAAAH~ Kakain na raw kami. WRONG TIMING!! Hmmmph!- Sabi ko kay Lara na wait lang, kasi kakain muna ako... Ayaw kasi ni mama nag-tetext ako habang kumakain, ka-BV! 

Binilisan ko sobra yung pagkain ko, yung parang may nagsasabing "GO! Kaya mo yan, bilisan mo baka matulog na yung pinakamamahal mo!" Grabe, di ko na kinakagat yung ulam pati kanin. Dali-dali kong NILULUNOK yun na walang tubig. EPIC KO! Pinagpatuloy ko ito...

Naubos ko na yung pagkain ko sa plato, pero mayroon pang nasa bibig ko. Nag-multitasking ako nun. Tinetext ko si LARA habang nilulunok ko yung sandamakmak na kanin at ulam. Dumating sa pagkakataon na parang sumakit yung tiyan ko, kaya't tinext ko sa kanya na di na maganda pakiramdam ko. Yung feeling na parang basang damit yung tiyan ko na kinukusok at pinipiga ng labandera sa kanto ng parang wala na siyang lalabhang iba. YUN YUN EH!

Nag-tagal pa at pinilit ko pa rin yung tiyan kong namimilipit, basta lang makausap ko si Lara. Hanggang dumating sa punto na halos di ko na kaya at napasigaw ako sa sobrang sakit! WTF~ I felt unconscious na... Hindi ko na nga rin alam kung anong nangyari... 

Ngayon kasama ko si Lara sa imaginary house namin, mag-asawa na raw kami. Tinanong ko sarili ko, nananaginip kaya ako? Kung oo man, napagalak ko naman dito. Sana di na ko MAGISING... Kakayanin ko nang mabuhay sa panaginip na kasama siya kaysa sa katotohanang hindi pa siya nagiging akin. Natanong ko nga sa sarili ko kung ilang taon na ko. Oo nga, 12 palang!

Habang ang sarap ng pagka-himbing ko ay munti-munti akong namulat sa totoong kinalalagyan ko. Hanep, ang daming ilaw at taong naka-mask at puting damit. HALA... nasa ospital pala ako!

(Itutuloy...)

I.S.A.A.T. Series: Youth InfluenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon